CHAPTER ONE: "ANG GANDA MO"

75 5 2
                                    

Napagdesisyunan kong pumunta sa mini forest dahil sa napakakalmadong panahon ngayon.

Tamang sikat ng araw at malamig na simoy na umaaya sa'yo upang makatulog ng mahimbing.

May secret spot kasi kami ng best friend ko sa mini forest na sa tingin nami'y kami lang ang nakakaalam. Madamo at laging natatakapan ang lugar ng lilim ng mga naglalakihang puno.

'Pag dating ko sa aking puwesto, napansin kong may nakasabit na kulay puting panyo sa isang sanga 'di malayo sa kung saan man ako naroroon.

Kinuha ko ito at napansing may nakaburdang 'RR'.

"Kanino kaya ito?"

Mukhang naiwala ng may-ari pero wala naman akong pake.

Since 6 hours pa bago magpalabas sa campus, naisipan kong umidlip muna. Bago umidlip nag-check muna ako ng mga notifications sa social media accounts ko.

Facebook Notifications:

Cassandra Ann Marquez tagged you in a post.

Shaina Luz and 22 other people recently reacted to a post you are tagged in.

Drent Delonia and 542 others liked your profile picture.

Rain Lopez posted in RPAcademy Tambayan.

Ford Allen and 38 other people recently liked a post you are tagged in.

Jane Del Prada tagged you and 2 others in a post.

Alex Gonzales accepted your friend request. You can now write on her timeline.

Twitter Notifications:

@casseyxm replied to your tweet: "@sum_err otw na"

Fo-llen, D-eye, and 8 others followed you.

Highlights from L, alex, and 6 others.

rentaD and 112 others liked your tweet.

@lloydxrdls replied to your tweet: "@sum_err oo nga"

Pinatay ko na phone ko para walang istorbo.

"Maya ko na lang i-check mga laman nito after gumising"

Alam naman na siguro ni Cassey na kapag wala ako sa room nandito ako sa secret spot namin.

Makaidlip na nga.

___________________________________________

"Miss"

"Miss tingin ka naman sakin oh!"

"Miss alam ko pong creepy tingnan na lumapit ako rito.pero gusto ko po talagang i-compliment kayo...i-compliment ang kagandahan niyo po."

"Miss, hindi man po kita kilala pero sasabihin ko sa inyong ang ganda niyo po."

"Sobrang ganda niyo po"

"Sobrang ganda niyo pong makita na nahihirapan hanggang sa piliin niyo na pong mamatay."

"SUMMER!"

"HOY SUMMER! GISING!"

"SUMMER!"

Hindi ako makahinga ng maayos.

"Binabangungit ka ata e. Buti na lang dumating ako. Ito tubig oh!"

"Salamat."

"Dapat ikuwento mo 'yan kung masamang panaginip 'yan para hindi mangyari."

Nagsimula sa UgatWhere stories live. Discover now