CHAPTER SEVEN: PUTING ROSAS

14 3 6
                                    


Sunday, June 09, 2025, 0500

"Honey, gising na."

Naalimpungatan ako sa boses ni mommy.

"Monday na, pumasok ka ng maaga."

"Seven pa naman po ang klase ko."

"Mabagal ka kumilos, Summer. Bumangon ka na diyan."

"Okay po."

"Grabe, gusto ko pa matulog. Hihiga muna ulit ako, mga five minutes lang."

Humiga muna ulit ako. Kababalot ko pa lang sa akin ng kumot ay tinawag na ulit ako ni mommy sa baba.

"F*ck."

Bumangon na ako, inayos ang kama ko at pumunta sa comfort room na katapat lang ng kama ko para umihi at maghugas ng mukha.

Lumabas ako ng comfort room ko at nagdiretso na sa baba.

"Ako nagluto ng breakfast."

"Si manag po?"

"Wala, pinag-leave ko muna. Bibisitahin niya raw 'yong puntod nung apo niya e."

"Okay po. Kailan po ang balik niya?"

"Mga Wednesday pa."

"Sige po. Si kuya at daddy po?"

"Nagjo-jogging."

"Ah okay po. Tara po kain na tayo."

"Ay hindi anak, sasama ako sa kanila. Pinagluto lang talaga kita ng favorites mo."

"Sige po, ingat po kayo."

Pagkatapos na pagkatapos ihain ni mommy lahat ng breakfast ay umalis na kaagad siya.

Ito 'yong ayaw ko e. Kumakain ng mag-isa.

"May fried rice, hotdogs, eggs, bacons. Ang daming hinanda ni mommy, ako lang naman mag-isa kakain."

Kumuha ako ng limang bacon. Feeling ko magstre-stress eating ako ngayon.

Kumuha rin ako ng mga tatlong sandok ng fried rice.

"Grabe talaga mga nangyayari sa buhay ko ngayon."

Napaisip na naman ako sa mga nangyari kahapon.

_________________________________________

"Bye bes!"

"Salamat ulit, bye."

Hinatid ako ni Cassey sa labas ng bahay nila at nagulat kami sa paglabas namin ay may lalaking nakasandal sa pader. Naghihintay.

"Hi."

"Drent, ano ang ginagawa mo rito?"

"Hinihintay ko paglabas mo Summer."

"Kanina ka pa ba diyan?"

"Hindi naman."

May batang lumabas galing sa gilid niya.

Si Kent.

"Mama!"

Nagulat ako sa pagtawag niya ng mama sa akin.

"That's not mama, nasa bahay natin si mama. Pasensiya na Summer ha, uwing-uwi na kasi 'tong kapatid ko e."

Nagsimula sa UgatWhere stories live. Discover now