CHAPTER TWO: LIBRARY

30 1 4
                                    

Nagising ako sa malakas na tunog ng aking alarm clock.

Napatulala ako sa kisame ng aking kuwarto.

"Sino kaya ang naglagay ng note na 'yon?"

"Connected ba 'yon sa panaginip ko?

"Imposible! Wala namang nakakaalam ng panaginip ko bukod sa akin. Kahit nga si Cassey hindi ko alam kung ano ang nasa panaginip ko e."

"Baka naman may secret admirer ako na naglagay ng note na 'yan sa bag ko at nagkataong nanaginip ako tungkol sa mga salitang 'yon."

"Oo! Tama! Coincidence lang 'to."

Napabalikwas ako mula sa higaan ko ng bumukas ang pinto ng kuwarto ko.

"Anak, baba ka na pagkatapos mong maligo. Nakahanda na ang agahan sa baba."

"Sige po manang! Sina mommy po?"

"Nasa business meeting pa rin. 1 week raw 'yon e."

Lagi na lang silang nasa business meeting hays.

"Si kuya po?"

"Nag-overtime kagabi sa trabaho kaya tulog pa. H'wag mo na lang gisingin kasi siguradong pagod 'yon."

Si kuya naman masiyadong ino-overwork sarili niya sa trabaho niya.

"Sige po. Ligo na po ako."

Pumasok na ako sa banyo.

Natulala ako.

Hindi ko alam ang aking iniisip na dahilan ng aking pagkakatulala.

Makaligo na nga.

___________________________________________

Pababa na ako mula sa kuwarto ng maamoy ko ang paborito ko. Bacon!

Nagmadali ako pababa pero biglang sumakit ang ulo ko na naging dahilan para matumba ako.

"Anak, anong nangyari sa'yo?"

"Nahihilo lang po ako. Saglit lang po. Inom lang po ako ng gamot."

"Kumain ka na. Ako na lang ang kukuha ng gamot mo."

"Manang, 'yong kunin niyo pong gamot 'yong nasa pocket po ng bag ko."

"Sige. Kumain ka lang diyan para mabawasan na ang hilong nararamdaman mo."

Ramdam na ramdam ko ang sakit ng ulo ko habang umuupo sa upuan ng hapag-kainan.

Kailangan kong kumain para matapos na ang sakit ng ulong 'to.

Hindi ko tuloy malasap ang sarap ng paborito kong bacon dahil sa sakit ng ulo kong 'to.

Patapos na akong kumain nang makita kong bumababa sa hagdan si manang. Hawak ang gamot sa kaliwang kamay niya.

At 'yong note sa kanang kamay.

"Ikaw 'nak ha. May secret admirer ka na naman."

"Nako manang wala po 'yan."

"Ito na ang gamot mo. Inumin mo na."

"Sige po."

"'Ang ganda mo...'"

"Manang! Aasarin niyo na naman po ako e. Itapon niyo na lang po 'yan. Wala lang 'yan."

"'Ang ganda mo...' HAHA sige itatapon ko na ito."

"Manang naman e. Sige po alis na po ako. Hindi na po masakit ang ulo ko."

Kahit masakit pa naman talaga. Aasarin lang kasi ako ng aasarin ni manang e.

Nagsimula sa UgatWhere stories live. Discover now