CHAPTER NINE: PILIT

6 1 1
                                    

Pumasok ako ng gate ng bahay namin at nagpaalam na kay na Cassey at Drent. Nagkunwari muna akong papasok ng bahay namin at nang matunugan kong nakaalis na ang sasakyan ni Drent ay dali-dali akong lumabas at sinundan sila.

Nakaabot kami sa street nina Cassey, pangalawang bahay lang ito mula sa kanto kaya nagtago ako sa malaking poste na nakatayo doon.

"Bakit mo ipinasok 'yong sasakyan mo sa subdivision?"

"Bakit? Dito naman ako naka─

"H'wag kang maingay."

Nakita kong lumapit si Cassey sa tainga ni Drent at may ibinulong.

"Bakit? Dito naman nakatira nanay ko ah!"

"Ewan ko sa'yo. Sige na!"

Pumasok na si Drent ng sasakyan niya at dali-dali akong tumakbo papunta sana ng bahay.

"Mama!"

Napahinto ako at unti-unting lumingon sa aking likuran.

Nanlaki ang aking mata ng may makita akong bata na hawak ng isang babaeng nasa hustong gulang na.

Nagpupumiglas at gusto niyang kumawala mula sa pagkakahawak ng babae sa kanya.

Napahawak ako sa ulo ko. Sobrang nananakit ito.

"Mama!"

Nagsimula ng umiyak ang bata.

"Kent! Ano ba?"

"Mama!"

Binuhat na niya ang bata.

Naglakad ako papalapit sa bata ngunit pansin ko na sa aking paghakbang pasulong ay siyang paghakbang ng pa-urong ng babae.

Parang dinudurog ang puso ko sa hindi ko malamang kadahilanan.

May tumigil na kotse sa gilid naming dalawa. May bumabang lalaki mula rito.

"Summer? Ano pang ginagawa mo rito?"

Nalilito akong tumingin sa lalaking kaharap ko.

Parang binibiyak ang ulo ko sa sakit na nararamdaman ko.

Patuloy pa rin ang pag-iyak ng bata at ang pagtawag nito ng mama sa akin habang pilit na inaabot ako.

"Ayos ka lang ba? Hindi ba inihatid na kita?"

"Oo."

"Ma, pumasok na po kayo sa loob ng sasakyan, hatid ko na kayo sa bahay."

Lumakad ang babae patungong sasakyan at saka pumasok sa loob nito. Iyak pa rin ng iyak ang bata na tumatawag sa akin ng mama.

Sa pagkakataong ito ay may tumulong luha sa aking mga mata na kaagad ko namang pinunasan gamit ang aking kamay.

"Bakit nandito ka pa? Dumidilim na."

"May nakalimutan kasi akong gamit kay na Cassey. Kukunin ko na kasi kailangan ko na e."

"Ganon ba? Sige, uuwi na ako. Ingat ka ha."

Papasok na siya ng kanyang kotse.

"Drent, saglit!"

"Ano 'yon?"

"Bakit sa tuwing magkikita kami ni Kent, tinatawag niya akong mama?"

"Sorry."

"Bakit ka naman humihingi ng sorry?"

Nagsimula sa UgatWhere stories live. Discover now