A/N:
This chapter is dedicated to hesxeuphoric.
Happy Birthday Nathalie!
________________________________________
Saturday, June 21, 2025, 1945
Isang linggo na ang nakalilipas nang magsimula si Richard na manligaw kay Cassey.
Isang linggo na ring humahabol-habol sa amin si Alex. Nagmamakaawang makipagbalikan sa kanya si Richard.
Ngayon ay makikipagkita kaming dalawa ni Cassey kay Alex sa isang eskenita malapit sa subdivision namin.
"Cassey, sigurado ka ba sa gagawin nating pakikipag-usap kay Alex?"
"Oo, bes. Gusto ko na ring matapos ang alitan sa pagitan namin. Gusto ko na ring maging kaibigan siya ulit. Sa maikling panahon kasi na ibinigay sa ating tatlo para magkasama-sama, naramdaman kong isa siya sa mga kaibigang hinding-hindi ko talaga makakalimutan."
Tumahimik na lang ako. Mukha namang siguradong-sigurado na si Cassey sa gagawin niya.
Balak niya kasing kausapin si Alex tungkol sa isyu. Pagkatapos ay makipagbati rito at makipagkasundo na kahit kalian ay hindi niya sasagutin si Richard para rito.
Sana nga gumana ang naiisip ni Cassey.
Mamaya-maya pa ay dumating na sa lugar si Alex. Parang may iba sa kanya. Parang may nagbago sa kanya.
Parang balot na balot siya ng poot.
Unti-unti siyang naglalakad papalapit sa amin ni Cassey. Si Cassey naman ay nagbalak na salubungin siya pero hinawakan ko ito sa kamay upang siya ay pigilan.
Hindi maganda ang pakiramdam ko sa mga mangyayari.
Nang mapansin ni Alex na nakahawak ako kay Cassey ay ngumiti ito ng nakakaloko.
'Yon ang pinakanakakatakot na ngiti na nakita ko sa tanang buhay ko.
"Kinukuha niyo ang mga bagay na ikinasasaya ko."
"Puwede bang pag-usapan muna natin ito, please?"
"Ibalik niyo ang lahat ng kinuha niyo sa akin!"
"Mag-us─
Napatigil ako sa sasabihin ko nang ilabas ni Alex ang kutsilyo mula sa likod niya.
"Cassey, alam kong gusto mo rin si Richard."
Unti-unting lumalapit si Alex sa amin.
"Alam ko rin na soon enough sasagutin mo siya ng oo at magiging kayo."
"Ano ba ang pinagsasasabi mo, Alex? Ibaba mo 'yang kutsilyo!"
"H'wag ka na magsalita! Tandaan mo ito Cassey! Walang matibay na relasyon sa mang-aagaw na punong-puno ng determinasiyon!"
Nagpakawala si Cassey ng malakas at nakakalokong mga tawa.
Biglang tumakbo si Alex papalapit sa amin kaya naman tumakbo rin kami para hindi niya kami maabutan.
Parang sobrang layo namin sa dulo ng eskenitang ito.
"Bakit ba pumayag si Cassey na rito sila magkita?"
Huli na nang ma-realize namin na mali pala ang direksiyon na tinutungo namin.
Nakarating kami sa dulo ng eskenita kung saan wala na kaming matatakbuhan pa. Napapalibutan kami ng pader.
YOU ARE READING
Nagsimula sa Ugat
Teen FictionNaglalakad siya papalapit sakin. May dala siyang bulaklak tingin ko ito'y rosas. Mga itim na rosas. "Happy Anniversary, babe." Kasabay nito ay ang pag-kawala ng ngisi mula sa kanyang mga labi.