"Anong balak mong sabihin?! Hindi ba sinabi kong sa ating dalawa lang ang mga bagay na 'yon?!"
Takot na takot ang itsura ni Alex. Hindi siya sumasagot. Mahigpit na mahigpit pa rin ang pagkakahawak sa kanya ni Richard.
"Gusto mo bang ikalat ko na sa buong campus 'yon?!"
Pinagtitinginan na sila ng mga tao.
"Tama na Richard!"
Hinawakan ko siya sa kamay at pilit na tinatanggal ang kamay niya sa pagkakahawak nit okay Alex.
Ipinatanggal naman niya ang kamay niya sa akin.
"Bakit ka ba nakikialam?"
"Kaibigan ko siya!"
"Kaibigan?! Isang araw pa nga lang kayo nag-uusap, kaibigan mo na kaagad siya?"
Tahimik lang ako at hindi nasagot.
"Hindi mo pa nga kilalang lubusan 'yong tao, kaibigan mo na? Mamaya-maya hindi mo alam sinisiraan ka na pala niya. Kinukuha lang pala niya ang loob mo."
"Huwag mo akong siraan sa kanila, please lang Richard."
Sa pagkakataong ito ay tumutulo na ang luha ni Alex. Maraming tao na rin ang nakataas ang mga phone. Marahil ay kinukuhaan ang ang mga eksena ngayon.
"Magaling ka ring umarte, 'no?"
"Aawayin mo pa rin ba si Alex?"
"Tumahimik ka na lang Cassey."
"Babae si Alex. Bakla ka ba?"
Tumahimik siya.
Lumapit sa kanya si Alex.
"Please huwag mong ikalat 'yon. Maawa ka sa akin."
"No. Break na tayo."
Tumalikod na si Richard para umalis pero hinabol ko siya at hinawakan sa braso niya.
Nang lumingon siya ay sinampal ko siya ng malakas na malakas.
"Wala kang respeto sa mga babae!"
"Pagsisisihan mo ang desisyong ginawa mo ngayong araw na 'to."
Tuluyan na siyang umalis at iniwan akong inis na inis.
Lumapit ulit ako kay Alex. Ang mga tao naman ay nagsibalikan na sa kani-kanilang mga puwesto.
Iyak ng iyak si Alex.
"Alex, kung ilabas man ni Richard 'yong ayaw mong malaman ng buong campus, ipagtatanggol ka namin ni Cassey."
"Yes, Alex. Sure 'yon."
"Salamat sa inyo."
Niyakap naming dalawa ni Cassey si Alex.
"Tara na! Umuwi na tayo. Napagod ako bigla."
"Tara! Hatid ka na namin sa bahay niyo Alex."
"Sige pero puwede bang mag-ayos muna ako. Kapag kasi nalaman ni mommy 'yong mga nangyari baka ma-grounded ako at saka baka sumugod siya sa school."
"Tara muna sa comfort room."
Umalis na kami sa puwesto namin at pumunta sa comfort room.
Hindi naman kami naiihi kaya nagdiretso na kami sa loob para makapag-ayos na si Alex.
YOU ARE READING
Nagsimula sa Ugat
Teen FictionNaglalakad siya papalapit sakin. May dala siyang bulaklak tingin ko ito'y rosas. Mga itim na rosas. "Happy Anniversary, babe." Kasabay nito ay ang pag-kawala ng ngisi mula sa kanyang mga labi.