"Excited na akong makita ang bulaklak ng tanim na rosas mo apo."
"Maghintay na lang po tayo ng mga ilang linggo lola, sigurado po akong mamumulaklak na ito."
"Aabangan ko ang pagkakataong 'yan. Sino ba ang pagbibigyan mo niyan apo?"
"Mga importanteng tao po sa buhay ko lola."
"Aba! Siguro nama'y makatatanggap ako niyan."
"Siyempre naman po."
Isang matinis at nakabibinging tunog ang bumasag sa katahimikan.
Kasabay nito ay ang pagbagsak ng isang binatilyo mula balkonahe ng kanyang condominium na tinitirhan.
Sa kanang kamay nito ay may hawak siyang rosas.
Isang sariwang itim na rosas.
YOU ARE READING
Nagsimula sa Ugat
Teen FictionNaglalakad siya papalapit sakin. May dala siyang bulaklak tingin ko ito'y rosas. Mga itim na rosas. "Happy Anniversary, babe." Kasabay nito ay ang pag-kawala ng ngisi mula sa kanyang mga labi.