FSMB #21: Uncanny

1.1K 17 0
                                    

"When you fall for someone's personality, everything about them becomes admirable." - JMC





***

Third Person Point Of View

"Why aren't you eating yet?" untag ni Clinton ng mapansin nito na hindi ginagalaw ni Kim ang hinanda niyang pagkain.

Ipinagluto niya kasi ito dahil bigla itong nakaramdam ng pagka-miss sa pagluluto. Kaya dali-dali ito kaninang nagpunta sa pinakamalapit na supermarket para mamili ng ingredients sa ipinagmamalaki niyang beef teriyaki.

Pero mukhang hindi nagustuhan ni Kim ang hinanda niya dahil wala man lamang itong aksiyon ng tanungin niya.

Ibinaba ni Clinton ang mga kubyertos na hawak at uminom nalang ng tubig.  Nawalan na kasi ito ng gana dahil sa walang kaganahang ipinapakita ng dalaga. Mukhang nasayang pa ang niluto niya.





Samantala napansin naman ni Kim ang hindi na pagkain ni Clinton pagkatapos siya nitong tanungin. Siya kaya ang dahilan?

Mukhang nawalan ito ng ganang kumain dahil hindi siya kumakain. Ipinagluto pa naman siya nito pero ni hindi man lamang niya ginalaw.

Masyado kasi siyang naninibago sa kilos ng binata.

Pagkatapos kasi niyang magising isang araw matapos nilang gawin ang ganoong bagay ay nag-iba na ito.

Naging palangiti at madalas pa siyang ayain na kumain sa labas o di kaya ay magpi-prisinta ito na lumabas silang dalawa.

At sa dalawang linggong lumipas matapos 'yon ay hindi narin natapos ang ganitong ugali ni Clinton.

It was uncanny.

Nakakapanibago lang...

Tulad nalang ngayon ipinagluto ulit siya nito ng specialty raw niyang beef teriyaki. Pinag-prepare pa siya nito na para siyang isang prinsesa sa kahit na anong palabas.

Ang totoo dapat ay natutuwa siya sa nangyayaring development sa kanilang dalawa ni Clinton

Pero...

Dapat niya ring isipin kung paano nagsimula ang lahat.

Ginagawa ba ito ni Clinton dahil mahal siya nito o dahil sa
bagay na nangyari sa kanilang dalawa?

Is he using her as his sex toy?

Ginagawa kaya ito ni Clinton sa kaniya dahil lahat ng ginagawa nito ay may kapalit rin.

Mahirap isipan ng masama ang taong mahal mo pero, sa bilis ng pangyayari  mukhang kaduda-duda talaga.

"Do you prefer something to eat? Just tell me so I can order you."

Napakagat ito ng labi ng mabakas sa boses ng lalaki ang lungkot at pagkadismaya dahil sa hindi nito paggalaw sa niluto nitong pagkain.

Mukhang nagluto talaga ito para sa kaniya. Nakakahiya naman kung hindi man lamang niya ito tikman para makita nitong na-appreciate niya ang ginawa nito.

Mabilis nitong dinampot ang kubyertos at sumalok sa platong may luto nito. Mabilis niya itong sinubo at ninamnam ang lasa.

Halos mapanganga siya sa lasa ng luto nito. Napakasarap. Nadaig pa yata nito ang kakayahan niya sa pagluluto. She suddenly felt insecure.

"What? Kung hindi masarap its okay. Hindi mo kailangang pilitin."

Biglang tumayo si Clinton at mabilis na kinuha ang plato nitong may laman na beef teriyaking luto nito at nagtungo sa kusina.

For Sale: My BodyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon