"Zhymeth, may mga bisita ka" sabi ng nurse na nag aalaga sa akin. Pagkasabi nun ay pinatuloy nya na ang mga sinasabi nyang bisita at lumabas na ng kwarto.
Pumasok ang dalawang babae at isang lalaki na naka uniform ng highschool.
Medyo nagtaka lang ako dahil di naman ako taga rito at wala akong kilala sa bayan na to. Pero dahil nga sa nag abala pa silang dumalaw sa akin ay kinausap ko na rin sila.
"Ano pong maipaglilingkod ko sa inyo?" Tanong ko habang pinagmamasdan sila.
"Ako si Yumi." Pakilala ng isang babae na medyo may katangkaran at balingkinitan ang katawan.
"Ako si Melissa." Pakilala naman ng isa pang babae na nakasalamin at mukhang may pagkamahiyain.
"Ako naman si Jao" (Haw) sabi ng nag iisang lalaki sabay abot ng kanang kamay nya para makipag kamay.
Inabot ko nman ang kamay ko saka nagsalita.
"Balita namin na mag ttransfer ka sa school namin. Kaya napa rito kami upang dalawin ka at makilala." Agad na singit ni Yumi na may katarayan sa boses.
"O-oo." Pautal kong sabi habang nakayuko. Di ko alam kung bakit di ko sya matitigan sa mata nya.
"Ahh ehh, Zhymeth Ordonez ang pangalan mo tama?" Sambit ni Melissa habang nakayuko at namumula ang mga pisngi.
"Hmm?" Maikling tugon ko.
"Wala ka bang naaalala sa lugar na'to?" Tanong naman ni Jao.
"Sa totoo lang wala talaga, at heto ang unang punta ko sa bayan na'to." Sagot ko.
"Sigurado ka bang Zhymeth Ordonez ang pangalan mo?" Muling tanong ni Yumi.
Tango lang ang naisagot ko.
"Kung ganun, sige." Sabi ni Yumi Sabay abot ng kamay nya.
"Nice To Meet You and welcome sa Sierra High." Matapos nun ay binitawan na nya ang kamay ko at lumabas sinundan nman sya ni melissa."Pasensya ka na sa dalawang yun, ganun lang talaga yung mga yon." Sabi ni Jao na naiwan sa kwarto. "Btw, welcome sa Sierra High and sana mag enjoy ka." Sabi nya saka tumalikod at lumabas ng kwarto.
Napabuntong hininga nalang ako pagkalabas nila. Pero atleast diba may kilala na ako sa school na papasukan ko. Sabi ko sa sarili ko saka muling humiga at pumikit.
Alas 8 na nang gabi ng magising ako. Napagpasyahan ko na lumabas sa kwarto ko at bumaba.
"Hays, ano pa kaya mga naghihintay sa akin sa bayan na'to pero okay lang dito na rin siguro ako bubuo ng bagong buhay ko."Papasok na ako ng elevator ng may lumabas na isang lalaki.
"Magandang Gabi ho." Bati ko rito.
Tumango lang sya sa akin at nagmamadaling tumakbo sa isang kwarto."Siguro ay hinihintay na sya ng pasyente nya." Sambit ko sa sarili ko saka pumasok ng elevator.
Pinindot ko ang ground floor button dahil nandun ang canteen ng hospital.
"Medyo marami ring magbabago sa buhay ko ngayong malayo ako sa siyudad na kinalakihan ko. Sana naman marami rin akong maging kaibigan dito para naman di boring ang buhay ko sa bayan na'to."Bumuntong hininga ako saka dumiretso ng tingin dahil dalawang floor nalang ay ground floor na.
Huminto ang elevator sa basement kaya nagtaka ako. Paglingon ko ay may isang babae na naka uniform na pang estudyante at may takip ang isang mata habang may hawak na manika sa kanang kamay.
Sa tantsa ko ay 15 yrs old sya at estudyante din ng sierra high base sa uniform nya.
"M-magandang gabi." Bati ko dito.
"Magandang gabi rin." Sagot nito na walang emosyon. Saka lumabas ng elevator.
"T-teka." Pagpigil ko sa kanya pero diretso pa rin nyang tinungo ang hallway.
Hinabol ko sya bago pa man nya mapasok ang kwarto.
"A-anong pangalan mo?" Tanong ko sa kanya habang nakatalikod sya nang mapansin ko ang papasukan nya ay nabigla ako.
Anong gagawin ng isang batang babae sa Morgue ng ganitong oras?
"Mei. Mei Furukawa" sabi nya habang nakatalikod at tuluyan ng pumasok sa morgue.
Bumalik na ako sa elevator at bumaba sa canteen.
YOU ARE READING
Who's Dead
Mystery / ThrillerThe morning is pale and the past shall die You will embrace loneliness once more Open your eyelids that cover up the night You must not fear the ill-boding shadows Like a doll born out of a gloomy casket Your body is red and frozen and your heart is...