Chapter 5

36 2 2
                                    


"Gusto mo ba?" Nakangisi nyang sabi sa akin.

Nagulat ako sa sinabi nya. Anong ibig nyang sabihing gusto ko?

"Gusto mo bang malaman kung ano ang tinatago ko sa likod ng eye patch na'to?"

"Eehh." Naka tangang sagot ko sa kanya.

Pipigilan ko pa sana sya pero bago ko pa magawa yun ay natanggal na nya ang eye patch nya. Buhok nalang ang nagsilbing takip sa kaliwang mata nya, di ko alam kung handa ba akong makita yun. Natatakot akong makita, kinakabahan ako pero heto na. Nandito na, baka heto na rin ang maging sagot sa mga tanong ko.

Hinawi nya ang buhok na nakatakip sa mata nya. Nagulat ako sa nakita ko. . .

". . . ."

"A-artificial E-ye???" Utal kong tanong.

Muli nyang tinakpan ang kaliwang mata nya. Saka lumapit sa akin. Malapit na malapit, nakatutok ngayon ang mukha nya sa mukha ko habang nakangisi.

"Doll Eye." Maikling sabi nya saka muling lumayo.

"Alam mo ba na ang mata na to ay nakakakita ng mga bagay na di dapat makita?" Sabi nya habang dahan dahan na naglalakad sa akin palapit.

"Nakikita nito ang buhay ng isang tao, alam ko kung mamamatay na sila o mabubuhay pa." Patuloy syang naglalakad palapit sa akin habang ako naman ay umaatras.

"Ang mata na'to ang magsasabi sa akin. Kung buhay o patay ang nakikita ko. At alam ko sa sarili ko; hindi ako patay." Mariin nyang sabi habang naglalakad pa din papalapit sakin at paatras pa din ako.

"Zh--Y--Meth." Mabagal nyang sambit ng pangalan ko habang naka ngiti. Ngiting di ko alam ang gustong ipahiwatig.

Pinagpapawisan na ako sa takot, ang lakas ng kabog ng dibdib ko, parang gusto na nitong sumabog.

"Aaahhhh. . . . Eehh . . . M-may ta-tatanong sana ako." Pautal kong sabi.

"Mas mabuti pang doon tayo mag usap." Tinuro nya ang isang sala set at tinunton namin iyon. Pagkarating namin ay agad nya akong pinaupo at humarap sya sa akin.

"Nagtataka ka?" Mabilis nyang tanong.

"K-kasi. . ." Di ko pa man natatapos ang sasabihin ko ay nagsalita na sya.

"46 years ago. Merong isang estudyante na gustong gusto ng lahat. Maging mga guro at mga estudyante ay hinahangaan sya, hindi lang sa dahil matalino sya kundi dahil na din sa palakaibigan sya. Pero isang araw; nawala nalang to at di na nakita pa.

"Anong nangyari?"

"Lumabas ang usap usapan na ang estudyante daw na yun ay namatay sa isang car accident sangkot ang buong pamilya nya habang palabas ng bayan na ito, at walang nabuhay kahit isa sa kanila."

Kinakabahan ako sa bawat detalye na sinasabi nya. Heto na yung hinahanap kong sagot sa mga tanong at misteryo ng eskwelahan na yun.

"Ngunit bigla nalang may isang estudyante ang nagturo sa bakanteng upuan na dating kina uupuan ng namatay."

"Hindi sya patay, Nandito pa sya, Kasama pa natin sya."

 Nagpatuloy ang sabi sabi na buhay sya at kasama sya hanggang magtapos ang school year. At kahit na hindi naniniwala ang karamihan ay pinaglalaanan pa rin nila ito ng isang bakanteng upuan simula ng makita sya hanggang sa graduation ng batch nila, laking gulat nila ng lumabas ang mukha ng estudyante sa litrato at tila buhay na buhay na nakikiisa sa kanilang nagdiriwang ng kanilang pagtatapos."

"Tapos? Ano pang nangyari?"

"Sumpa ang iniwan nito. Sumpang kinatatakutan ng mga estudyanteng grade 9 sa class A-3. Simula noon at hanggang ngayon"

"Sino sya?" Lakas loob kong tanong.

"FU . . R U . . KA . . WA" dahan dahan nyang banggit. Biglang lumakas ang ihip ng hangin. Nabalutan ng takot ang dibdib ko, tila nagbago ang atmosphere sa lugar kung saan kami naroroon.

Biglang bumalik sa isip ko ang mga pangyayari.

"Alam ko na kung sino ang namatay. Furu...?? FURUKAWA"

"Wala akong IBANG CUSTOMER kaya enjoy ka"

Nabalik lang ako sa sarili ko ng biglang mag ring ang cp ko. Nanginginig kong kinuha ito mula sa bag ko at agad na sinagot.

"Hello Zhymeth! Nasan ka na bang bata ka?" Tanong sa kabilang linya.

"A-andito po ako sa kaibigan ko. Pauwi na rin po ako." Sagot ko  saka ko ibinaba ang cellphone.

"Ayoko ng device na yan. Nalalaman at namomonitor ka kung nasaan ka." Mahinhin nyang sabi.

"Siguro oras na para umuwi ka." Sabi nya pang uli.

"Magsasara na ako, balik ka nalang kung kelan mo gusto."
Sabi ng matanda sa cashier. Napalingon ako dito nang magsalita sya.

Magpapa alam pa sana ako kay Mei pero paglingon ko ay wala na ito. Mabilis akong lumabas ng doll shop at umuwi na kaagad ng bahay.

**************

"Magandang umaga Kriori , Magandang Umaga" sabi ng parrot na alaga ng tita ko.

Paglabas ko ng kwarto ko ay nakita kong nakahiga pa si Tita Kriori sa sofa.

"Bukas pa ang aircon. Hays, siguro puyat si tita"
Sabi ko sa sarili ko at kinuha ang remote ng aircon saka ito pinatay.

"Gising ka na pala Zhymeth." Sabi nito saka bumangon sa sofa. "Pasensya na medyo hindi maganda ang pakiramdam ko ngayong araw kaya hindi muna siguro ako papasok sa trabaho." Sabi nyang uli habang naglalakad papuntang kusina.

Nang makarating kami sa kusina ay nagtimpla sya ng kape at pinaghanda ako ng almusal. Pinagmamasdan ko lang sya sa ginagawa nya hanggang sa ilapag na nya sa mesa ang mga pagkain.

Umupo sya sa harap ko at dumukdok.

"Mukhang masamang masama pakiramdam nyo tita." Sabi ko.

"Okay lang ako, wag mo ko alalahanin siguro masyado lang ako napagod." Sagot nya sa akin.

"Ahh tita?" Tawag ko sa kanya.

"Hmm." Mahinang tugon nya.

"Alam nyo ba yung old story ng sierra high?" Seryosong tanong ko at nagingbdahilan para tumingin sya sakin.

"Hanggang ngayon pa rin pala, kumakalat ang istoryang yan?" Napangiti nyang sabi pero halata ang kaba sa boses nya.

"So totoo nga ang kwento?" Tanong ko.

"Dati ay naniniwala ako doon, pero ngayon hindi na. 16 years na ang nakalipas kaya di ko na iniisip ang bagay na yan." Sabi nya.

Napatango nalang ako.

"Tita? Alam mo ba kung anong section ni mama nung grade 9?" Pahabol kong tanong.

"Pasensya ka na Zhymeth di kita matulungan ngayon." Sabi nya sa malumanay na sagot.

"Okay lang po." Sabi ko saka tumayo para pumasok.

-To Be Continued

Who's DeadWhere stories live. Discover now