Chapter 7

34 5 1
                                    


"Goodmorning Zhy. . . Goodmorning" sabi ng parrot ni tita.

"Hays, oo naaa. Goodmorning din!" Sabi ko sa parrot.

"Cheer up, Cheer up" sabi pa nyang uli.

"Bakit ba ang kulit ng parrot na to?" Sa isip ko.

Maya maya ay lumabas si tita sa kwarto nya. Hinang hina at parang lumala pa ang sakit.

"Morning Zhy." Sabi nya.

"Goodmorning din tita." Balik ko.

"Kinukulit ka nnaman ba ni Jean?" (Jean yung parrot) tanong nya saka tumawa.

"Medyo lang naman tita. Haha" sagot ko.

"Tara na mag almusal nang makapasok ka na." Tumayo ako mula sa sofa at nagtungo sa kusina para kumain. Nag iwan si lola ng pagkain kaya naman ay naka kain kagad kami. Habang nasa kalagitnaan kami ng pagkain ay bigla kong naalala yung nabasa ko sa whiteboard sa school.

"Tita?" Tawag ko sa kanya.

"Hmm?" Maikling sagot nya.

"Ano yung ibig sabihin ng Always Obey The Rules Of Class A-3 Special rules ba yun ng school."tanong ko habang nakatingin sa kanya. Nagtaas sya ng ulo para tignan ako.

"Merong 3 rules sa Sierra High. At alam mo na yung Tatlong rules na yun. 4th rule ay ang rules ng Class A-3." Sabi nya habang diretsong nakatingin sa mata ko.

"Ano yung mga yun?" Tanong ko.

"Alam mo na ang nangyari 46 years ago. Pero ang rules ay hindi pa. Marahil ay may dahilan ang mga kaklase mo kung bakit di nila masabi sayo." Seryosong sabi nya.

"Pano ko malalaman yung rules kung walang nagsasabi?" Tanong ko uli.

"Ilang buwan ka na sa Sierra High?" Tanong nya.

"3 months?" Sagot ko.

"Sa 3 months na yun? Wala pang nangyayari kakaiba?" Tanong nya.

"Wala pa po. Bukod sa misteryosang babae na nakakausap ko." Sabi ko na ikinagulat nya.

"Naka usap mo?? Kinausap ka rin ba??" Tanong nyang gulat na gulat.

"O-opo?" Sagot ko.

"I see." Sabi nya.

Yan na ang huling sinabi nya. Nagtaka ako kung bakit parang gulat na gulat sya nang sabihin ko na nakausap ko si Mei.

"Ang mama mo, nasa class A-3 din sya at ganun din ako." Pahabol nya nung palabas na ako ng kusina.

Di na uli ako nagtanong sa kanya dahil mahuhuli na ako sa eskwela. Pero gumugulo pa din sa isip ko kung bakit parang nagulat sya. Totoo kaya ang iniisip ko na si Mei ay di nag eexist?

***************

Exam namin ngayon at dahil maaga pa ay napag pasyahan ko na tumambay muna sa rooftop at baka sakali na magpunta dun si Mei. Sya nlang siguro ang tatanungin ko mismo at para na rin matapos na ang gumugulo sa isip ko.

Pag akyat ko ay nakatanggap ako ng tawag mula kay miss seno.

"Zhy. . Nakuha ko na ang buong pangalan ng namatay." Sabi nya.

Kinakabahan ako sa mga susunod nyang sasabihin pero wala akong magagawa dahil ginusto ko to.

"Furukuwa, Misaki yan ang namatay. Ano? Nakumpleto mo na ba ang horror story mo?" Panunuksong tanong nya.

Nakahinga ako ng maluwag nang sabihiin nya ng kumpleto.

"Salamat po. Ngayon malinaw na sakin lahat." Sagot ko bago ko pinatay ang call.

"Kung hindi si Mei Furukawa ang namatay ibig sabihin isa sa kapamilya nya ang dinadalaw nya sa morgue nung araw na yun. Hays, salamat naman."

"Nararamdaman ko, magsisimula na, mamaya. . . ." Napalingon ako sa nagsalita.

"M-Mei? Anong magsisimula?" Tanong ko.

"Hanggang ngayon pala. Wala pa silang sinasabi sayo."

Umiling lang ako ng bahagya at lumingon sa kanya.

"So, Misaki Furukawa pala ang namatay? Anong relasyon nyo sa isa't isa?" Tanong ko.

"Pinsan ko sya. Kaibigang matalik kung ituring ko."
Maikling sagot nya.

"Huli na ang lahat para sa atin. Para sa lahat. Wala na silang oras, magsisimula na."  Sabi nya habang nakamasid sa soccer field.

"Anong magsisimula? Hindi pa rin ba tapos? Ngayong alam ko na, na hindi si Mei Furukawa ang patay. Ano nga bang misteryo? Ano nga ba ang sikreto?" Naisaloob ko.

"Ang kinatatakutan ng lahat. Mamaya ay magsisimula na; sana noon pa, sana noon mo pa nalaman ang lahat, pero huli na, wala nang makakapigil pa sa pangyayaring to at sa mangyayari pa lang." Tuloy tuloy nyang sabi.

Pagtapos nyang sabihin ay tumunog na ang bell. Oras na para pumasok sa homeroom at magsisimula na ang exam.

*************

Sa kalagitnaan ng exam ay lumabas si Mei. Siguro ay tapos na sya. Sinundan ko lang sya ng tingin hanggang Sa makalabas sya. Maya maya ay natapos na din ako sa exam. Kaya lumabas na din ako.

"Ang bilis mong matapos ah." Sabi ko habang naglalakad palapit sa kanya.

Andito kami ngayon sa hallway ng school at naka silip sa ibaba.

"Hindi ka ba natatakot?" Tanong nya habang nakamasid pa din sa baba.

"Natatakot saan?" Prenteng sabi ko pero ang totoo ay medyo may kaba akong nararamdaman.

"Sa akin." Maikling sagot nya.

"Bakit naman?" Tanong kong uli.

Tumayo sya sa harap ko at tinignan ako sa mata.

"Walang kahit isa ang nakakakita sa akin. Pano kung sabihin ko na ikaw lang ang nakakakita sa akin?" Tanong nya.

"H-Huh?" Nanlaki ang mata ko sa sinabi nya.

"Zhymeth. Ikaw lang ang kumakausap sa akin. Walang ibang nakakakita sa akin. Ikaw lang ang nag iisang lumalapit sa akin."

Napahinto ako sa mga sinabi nya. Tumigil ang ikot ng mundo ko. Mabilis ang tibok ng puso ko. Nabalot ng takot ang buong pagkatao ko.

"Zhymeth, hindi ako nag eexist sa school na ito." Pag sabi nya nun ay napalingon ako sa professor namin sa P.E. na tumatakbo paakyat ng hagdan. Pumasok sya sa Homeroom namin at agad ding lumabas.

Kasunod nyang lumabas ay isa sa mga classmate ko. Ang class president namin. Si Mika Yuriko.

Tumakbo ng mabilis si Mika palabas, kumuha ng payong saka tumakbo sa gawi namin dahil mas malapit ang hagdan dito.

Pero napatigil sya at napatingin sa kinatatayuan namin ni Mei.

"Aaaaaahhhh!!!" Malakas na sigaw ni Mika saka tumakbong palayo sa amin at sa halip na sa hagdan sa likod namin sya dumaan ay mas pinili nyang sa kabilang hagdan dumaan.

Nawala sya sa paningin namin dahil bumaba na sya. Maya maya pa ay nakarinig kami ng malakas na tunog mula sa kinaroroonan ni Mika.

Tumakbo kami ng professor namin papunta don at laking gulat namin ng makita namin si Mika na wala nang buhay, nakatusok ang tulis ng payong sa leeg nya nakatagos hanggang batok; puro dugo ang sa hagdan, dugong nanggaling kay Mika. Si Mika na president ng homeroom namin, na ngayon ay patay na.

Who's DeadWhere stories live. Discover now