Chapter 4

42 4 2
                                    

Yumi's POV

"Zhymeth Ordonez, ikaw nga ba yan? Ikaw nga ba yung lalaking nakilala ko 1 and a half year ago. Oo, ikaw yun sa init ng kamay mo at lambot nun, kaya kong sabihin na ikaw nga yun. Nang mahawakan ko ang kamay mo sa hospital nung araw na dinalaw ka namin sa hospital, alam kong ikaw yung lalaking yun. Pero bakit wala kang naaalala? Bakit di mo ko kilala?"

"Ahh? Yumi?" Panira ni Melissa sa pag iisip ko.

"Hmm?" Tugon ko.

"Nasabi na ba nila sayo?" Sabi ni melissa habang nakayuko.

"Ang alin?" Walang emosyon kong sagot.

*************

Balisa ako ng makauwi sa bahay.

"T**g i*a !! Kung hindi lang sana ako absent nung first day nya! Di sana mangyayari yun.
T**g i*a !!" Sigaw ko habang hinahampas ang mesa.

"Hays. Bilang isang counter measurer kailangan kong gawin ang trabaho ko. Trabaho upang mapanatili ang kaligtasan ng mga kaklase ko.

*************

Zhymeth's POV

Flashback:

Matapos kong makausap si Mei at sabihin na iwasan ko sya at di ko dapat sya kinakausap ay nagtaka ako. Sinabi din nya na nung araw na yun ay may malungkot na nangyari, isa lang ang naisip ko, na may namatay nung araw na yun at dinalaw nya.

Kaya naisip kong pumunta sa hospital.

Scenario-

Ano palang pakay mo at bakit ka napadalaw? Tanong nya sa akin.

Ahmm. Tatanong ko lang sana kung meron bang namatay dito nung huling gabi ko sa hospital na'to. Sagot ko.

Namatay? Hmm. Meron pero di ko maalala kung anong pangalan nya, pero ang sabi napaka bata pa nya para mamatay. Highschool student sa sierra high, gusto mo bang hanapin ko ang giles at alamin ang pangalan nya? Sabi nya sakin na tila excited pa.

Okay lang ba? Pag aalala kong tanong.

Oo naman. Isa pa marami naman akong pwedeng pagtanungan dito. Walang alinlangan nyang sagot.

Salamat po. Sabi ko.

Walang anuman. So ano? Tatawagan nalang kita kapag may nalaman na ako?

Opo; ganun na nga lang po. Sabi ko na may halong saya at kaba.

Sige. Mr. Horror Lover. Sabi nya na nanunukso.

***************

Present-

Pag akyat ko sa rooftop ng school building ay nakatayo dun si Mei at nakamasid.

"Mei?" Tawag ko sa kanya.

Di sya lumingon pero alam kong narinig nya ako. Naglakad ako papunta sa tabi nya at nagmasid din sa paligid.

"Okay lang ba talaga sayo to?" Mahinang sabi nya.

"Anong okay?" Pagbalik ko ng tanong.

"Hindi mo pa din pala alam." Naglakad sya palayo pero naiwan akong nakatayo sa kinatatayuan ko habang nakatingin sa kanya na tinatahak ang pinto.

"Soon, malalaman mo din ang lahat." Sabi nya bago ako tuluyan iwan.

"Ano nga bang meron? Bakit wala akong alam? Ano kailangan kong malaman?" Sabi ko saka sumunod sa kanya.

Pagbaba ko ay nakita kong pauwi na si Mei. Kaya walang alinlangan ko 'tong sinundan ng wala syang alam.

Pagdating sa isang kanto ay may eskinita syang pinasukan. Susundan ko pa dapat sya pero may isang babae ang tumawid kaya napahinto at nawala sya sa paningin ko.

"Hays. Ano nga bang meron sa'yo? Sino ka bang talaga?" Tanong ko sa sarili ko.
Nag umpisa na akong maglakad uli saka ko lang napansin na hindi ako pamilyar sa lugar na ito. Habang binabaybay ko ang daan ay may isanh doll shop ako na nadaanan. Napukaw nito ang atensyon ko.

"Eye Of Misa" pagkabasa ko nito ay nag ring ang cellphone ko.

Tawag mula kay Ms. Seno, ang nurse ko at ang tumutulong sakin para malaman kung sino yung pinuntahan ni Mei kaya sinagot ko ito.

"Zhymeth? Alam ko na kung sino ang namatay." Bungad nya sakin.

"Furu--?? Furukawa, Grade 9 student sa Sierra Highschool. Namatay sya dahil sa isang car accident. Nabundol sya ng truck habang papauwi galing ng eskwelahan.

Nanlaki ang mga mata ko matapos nyang banggitin ang furukawa.

"S-sige po. Salamat." Sabi ko.

"Kukuha pa ako ng iba pang impormasyon, tatawagan uli kita." Sabi nya bago nya ibaba ang tawag.

"Kailangan ko muna siguraduhin lahat ng hinala ko." Sabi ko sa sarili ko.

Pumasok ako sa doll shop para tignan kung ano ang nasa loob, total at maaga pa naman may oras pa ako para tumingin.
Pagpasok ko sa loob ay may isang matanda ang nasa counter area.

"Magandang hapon. Hindi natural sa isang highschool student na lalaki ang magpunta sa gantong klaseng lugar, sige lang, tumingin ka lang at baka may magustuhan ka, at dahil high school student ka bibigyan kita ng discount, wala akong ibang customer ngayon kaya enjoy." Sabi nya na walang emosyon.

Nilibot ko ng tingin ang tindahan. Mga manikang halos kakaiba ang itsura, tila ba may pinag kopyahan na totoong mga tao.

Pero isa ang kumuha ng atensyon ko at ikinagulat ko ng makita ito.

Isang itim na kabaong na may lamang manika, at kamukhang kamukha ito ni Mei. Mariin ko itong tinitigan at pinag masdan ng mabuti.

"Hindi ko inaasahang makikita kita sa gantong lugar." Sabi ni Mei na ikinagulat ko.

Lumabas sya mula sa likod ng manikang tinitignan ko.

"Hindi ba't ang gaganda nila?" Tanong nya habang hinihimas ang buhok ng isang manika.

"O-oo." Maikling sagot ko habang tinitignan sya sa mata.

"Kamukha ko ba?" Tanong nyang muli pero sa paglakataong to nasa harap sya ng manika na kamukha nya.

"Oo, pero bakit kamukha mo ang manikang to?" Sabi ko.

"Kamukha ko pero hindi lahat ay ginaya sa akin." Hinimas nya ang mukha ng manikang malaki at hinawi ang buhok nito na nakaharang sa isang mata nya.

"Hindi lahat ay kinuha sa akin. Hindi ako ito. Malayong malayo sa isang katulad ko. Mahiwaga kung titignan, may malalim na sinasabi ngunit ano nga bang gustong iparating? Misteryo kung ituturing, bakit kabaong ang higaan? Bakit ako ang laman? Buhay kung titignan, kumpleto ang parte ng katawan pero ako? Ang totoong ako? Bakit parang ang daming kulang?" Sunod sunod nyang banggit.

Natahimik ako, tinignan ko ang mga mata nya. May lungkot na itinatago at hindi nya pwedeng ikaila? Anong ang gusto nyang sabihin?

"Ang manika. Kung titignan mo sila ng may takot, nakakatakot. Ang totoo dito bawat isa sa mga ito ay parang isang tunay na tao. Karugtong ng buhay ng isang tao ang manika. Ang buhay at ang kamatayan, makikita mo sa kanilang mga mata. Kung paano sila ginawa ng may gawa. Yun ang kanilang nararamdaman." Muli nyang sabi.

-To Be Continued

Who's DeadWhere stories live. Discover now