"Nung oras na mamatay si Miss Seno? Ikaw ang kausap nya sa cellphone hindi ba?" Tanong ng imbestigador sa akin."Opo, may nakikita po ba kayong foul play sa pagkamatay nya?" Sagot ko.
"Wala naman, ayon kasi sa pag iimbestiga; bandang ala una ng hapon ay umakyat si Miss Seno sa Rooftop, at ikaw ang kausap nya."
"Gusto lang namin malaman mula sayo na nung mga oras ba na yun ay wala kang narinig na kakaibang tunog habang nasa tawag sya?" Tanong muli nila.
"Wala po, huling narinig ko nalang ang kalansing ng mga bakal, pagtapos nun ay wala na akong narinig kahit isang salita sa kanya." Kalmadong sagot ko.
"May kalumaan na ang building na yun at medyo mahina na ang mga bagay at pundasyon doon, at sa nakikita namin, bumigay ang cable wire ng elevator at naputol dahilan upang diretsong malaglag ito mula sa rooftop hanggang sa ground floor."
"Salamat sayong kooperasyon. Maaari ka nang bumalik sa klase mo." Sabi nila saka ako tumayo at dumiretso sa Homeroom.
Pagdating ko dun ay wala ang mga kaklase ko. "Nasan sila?" Takang tanong ko.
"Nasa kabilang homeroom sila dahil may pag uusapan daw ang mga kaklase mo na pangungunahan ni Yumi." Si Sir Cleofe na biglang nagsalita mula sa likod.
"Eh ano naman po ang pag uusapan nila?" Tanong ko.
"Tungkol sa ikaliligtas ng mga kaklase mo at pamilya nila." Sabi neto.
"Huh?" Nagtatakang tanong ko.
"Zhymeth, Always Obey The Rules Of Class A-3. Pwede ka nang makauwi." Sabi nya saka lumakad palayo.
Nasalubong ko si Tita pero hindi nya ako kinausap o tinignan man lang.
Habang nasa locker ako ay nakasabay ko si Andrei at si Kyuhei.
"Pwede bang sumabay?" Tanong ko sa kanila.
Di sila umimik pero sumabay pa rin silang maglakad sakin pauwi.
"Ano bang nangyayari?" Tanong ko sa dalawa pero walang sumagot.
Tumahimik nalang din ako. Maya maya ay biglang nagsalita si Kyuhei.
"Sorry, pero di namin pwedeng sabihin." Sabi nya.
"Hindi ako payag sa gustong mangyari ni Yumi, kailangan malaman ni Zhymeth lahat para hindi sya maguluhan." Sabi ni Andrei.
"P-pero And. . . " hindi naituloy ni Kyuhei ang sasabihin nya dahil nagsalita kagad si Andrei.
"Zhymeth, tanungin mo ko kung anong gusto mong malaman." Sasagutin ko.
"Bago ako magtanong, pwede bang bigyan nyo ko ng kppya ng master's list natin sa Homeroom". Sabi ko saka naghanda sa mga itatanong ko.
"Bukas, bibigyan ka namin" sagot ni Kyuhei.
"Andrei, Si Mei Furukawa ! Sino sya?? Diba nag eexist sya?"
Mabilis kong tanong."Si Mei Furukawa ay ang. . . ."
"Andrei !! Andrei !!" Sigaw naming dalawa ni Kyuhei. Dahil bigla itong bumagsak at nakahawak sa puso at namimilipit sa sakit. Di nagtagal ay namatay si Andrei dahil inatake sya sa Puso.
"A-ano ba talagang nangyayari?" Sigaw ko.
"Wag mo nang alamin dahil marami na ang namamatay !!" Pasagot na sigaw ni Kyuhei saka tumakbong palayo sa amin para kumuha ng ambulansya.
YOU ARE READING
Who's Dead
Mystery / ThrillerThe morning is pale and the past shall die You will embrace loneliness once more Open your eyelids that cover up the night You must not fear the ill-boding shadows Like a doll born out of a gloomy casket Your body is red and frozen and your heart is...