"Enjoy your day Mr. Ordonez" mahinang banggit sakin ni Sir Cleofe habang naglalakad kami sa hallway ng paaralan."Makakahanap ka dito ng maraming kaibigan at sigurado akong magiging masaya ka sa eskwelahan natin" sabi naman ni Ms. Kriori.
Ngiti lang ang isinagot ko sa dalawa. Maya maya pa ay nasa harap na kami ng pinto ng magiging homeroom ko at bubuksan na ito ni Sir Cleofe. Bago pa nya buksan iyon ay bumulong sya. "Obey The Rules."
May kabang nabuo sa dibdib ko matapos nya yun sabihin. Di ko alam kung ano pero ang lakas ng tibok ng puso ko.
Pumasok na kami sa room at pinakilala nya ako.
"Guys, this is your new classmate. Mr. Zhymeth Ordonez." Matapos nyang sabihin yun ay pinagmasdan ako ng mga magiging classmate ko, inikot ko na rin ang paningin ko upang humanap ng pwesto.
"Bakit parang kakaiba?" Bulong ko sa sarili ko ng may makita akong pwesto sa bandang likuran pangatlong upuan mula sa may bintana.
Dahan dahan akong naglakad patungo doon habang minamasdan nila ako ng tahimik. Walang kahit sino ang kumausap sa akin at nagsalita simula ng pumasok ako doon.
"Malamang ay mahigpit lang talaga si Sir Cleofe kaya sila tahimik." Sa isip ko saka ako umupo.
Ilang minuto ang lumipas ay bumukas ang pinto sa likurang bahagi ng room. Pumasok doon ang isang babaeng may takip ang isang mata. Tinitigan ko sya hanggang sa maka upo sya. Walang kahit sino ang pumansin sa kanya na pumasok o lumingon manlang para malaman kung sino iyon. Umupo sya sa pinakadulo sa tabi ng bintana. Napansin kong may kalumaan na ang upuan nya. Di katulad ng upuan namin na mga bago pa at malilinis.
"Mei Furukawa." Mahinang sabi ko bilang pag alala sa pangalan nya nung una kaming magkita.
Natapos ang subject at nagsimula nang magtayuan ang buong klase saka lumapit sa akin upang isa isang magpakilala.
"Hindi naman pala sila weird. Siguro nga mahigpit lang talaga si sir sa mga estudyante nya" sa isip ko.
Masaya nila akong binati at kinausap tulad ng isang natural na estudyante at isang natural na homeroom at paaralan lang. Walang pinagkaiba sa siyudad na pinanggalingan ko. Masaya ako na nakilala ko kagad sila.
Lumapit sakin ang dalawa sa mga bumisita sakin sa hospital. Si Melissa at Si Jao agad nila akong tinabihan at pinalayo na ang iba pa naming mga kaklase. "Ok, ok, kilala nyo na sya bumalik na kayo sa mga pwesto nyo" sabi ni jao na tumatawa. Pag alis ng iba naming mga kaklase ay may kasama pa silang isa pang lalaki at nagpakilala "Dhyme nga pala." Sabi nya sabay abot ng kamay. "Zhymeth." Sabi ko ng nakangiti.
Naging maayos naman ang kwentuhan namin na tungkol sa kung ano ano at kung saang lugar ako galing. Napatingin muli ako sa lugar kung saan nakaupo si Mei, pero wala na sya doon. Akmang magsasalita na ako upang tanungin kung nasaan yung nakaupo don ay biglang hinatak ako ni Dhyme patayo at dumiretso kami sa canteen ng paaralan.
"So, Zhymeth. Kwentuhan mo pa ako" sabi nito na parang may pagkailang.
"Ah ehhh. Tatanong ko lang sana..."
Napansin kong nagtinginan si Dhyme, Melissa at Jao at napalunok pa ng laway.
"A-anong tatanong mo?" Pautal na sabi ni Melissa.
"Kung bakit wala ata si Yumi? Akala ko kasi kaklase natin sya? Hehe" Sabi ko sabay kamot sa batok ko.
Napansin ko ang pag aliwalas ng mukha ng tatlo ng marinig nila ang tanong ko.
"Ahhh. Si Yumi ba? Absent sya ngayon eh. May Pupuntahan kasi silang kapamilya nila kaya wala sya."
Tango nalang ang isinagot ko sa kanila.
***************
Mabilis na lumipas ang oras. Alas 4 na ng hapon. Heto ako ngayon at naka upo sa harap ng soccer field ng eskwelahan. Magpapahinga lang ako ng konti bago ako umuwi.
Habang naka upo ako ay lumapit sa akin si Melissa at umupo sa tabi ko.
"Mukhang naninibago ka pa sa lugar ah?" Tanong nya na ngiti lang ang isinagot ko sa kanya.
"Wag ka mag alala, hindi naman ito malayo sa nakasanayan mo. Unti unti ka rin masasanay dito." Mahinhin nyang sabi.
"Ahh. Eehhh.. tatanong ko lang kung napansin mo ba si Mei? Bigla kasi sya nawala pagtapos ng subject ni sir Cleofe eh."
"Eehhh??" Nanlalaking mata nyang tanong sa akin. Tinitigan ko lang sya ng may pagtataka.
"Si Mei? Mei Furukawa. Yung babaeng may takip ang isang mata?" Lalo syang nagulat ng sabihin ko ang buong pangalan nito at pinagpawisan pa.
Akmang sasagot na sya ng may matanaw akong babae sa rooftop ng building. Tumakbo ako papunta dito at doon ay nakita ko si Mei.
"Mei?" Sabi ko habang naglalakad palapit sa kanya.
Lumingon lang sya at tumingin sa akin. Sumilip ako mula sa taas at nakita ko dito ang soccer field at ang mga estudyante na naglalaro dito.
"Bakit ka nandito? Bakit ikaw lang mag isa? Hindi ba mas maganda kung nakikisali ka sa amin?" Sunod sunod kong tanong sa kanya pero nakatingin lang sya sakin.
Nginitian ko sya saka muling nagsalita. "Zhymeth nga pala." Sabi ko sabay lahad ng kamay ko upang makipag kamay pero di nya to inabot at muling tumingin sa ibaba.
"Wag mo kong kausapin. Layuan mo ko." Sabi nya habang diretso ang tingin sa baba.
Nagulat ako sa mga sinabi nya pero di ako titigil. Gusto ko sya makilala at maging kaibigan.
"Makikipagkaibigan lang ako sa'yo." Sabi ko sa malungkot na tono.
Tumingin sya ng diretso sa mata ko at sinabing "wala ka pang alam, hindi mo pa alam kung sinong kausap mo, wala pang nagkkwento sayo."
- To Be Continued
YOU ARE READING
Who's Dead
Mystery / ThrillerThe morning is pale and the past shall die You will embrace loneliness once more Open your eyelids that cover up the night You must not fear the ill-boding shadows Like a doll born out of a gloomy casket Your body is red and frozen and your heart is...