PROLOGUE

384 13 1
                                    


Bata pa lang si Belle pero todo kayod na siya para lang kumita ng barya-barya buong araw. Sa edad na 13 anyos ay iniwan na siya ng kanyang mga magulang. Pumanaw na kasi ang mga eto dahil sa isang aksidente. Siya lamang ang nag-iisang anak kaya naman nag-iisa na lang siya ngayon. Wala rin naman siyang kakilalang mga kamag-anak na pwede niyang lapitan at mahingan ng tulong. Kaya't eto siya ngayon at ulilang lubos. Ang tanging naiwan lang ng kanyang mga magulang sa kanya ay mga masasayang alala nila at ang kubong kanyang tinutuluyan ngayon. Ilang beses na siyang kinuha ng Dswd dahil nga sa kanyang murang edad, pero makailang beses na rin siyang tumakas sa mga Bahay ampunan na pinagdadalhan sa kanya. Pakiramdam niya kasi para siyang isang ibon na dinakip at pinasok sa isang hawla at kinuhanan ng kalayaan . Kaya sa tuwing pinapasok siya sa isang bahay ampunan ay parati siyang gumagawa ng paraan upang makatakas. Kaya naman hinayaan na lang siya ng mga ito. Hinayaan siyang tumuloy sa bahay nila, pero linggo linggo binibisita siya ng ilan sa mga staff ng dswd para kumustahin ang kalagayan niya at dalhan siya ng pagkain at mga damit.

Sa ngayon, para maka survive sa crisis ng buhay, linalako niya ang mga tinitindang kakanin ng kapit bahay niyang si Aling Jeneza . At araw-araw Binibigyan naman siya ni Aling Jeneza ng humigit isang daan bilang suhol. At kanya naman itong ginagamit para sa pang araw araw na pagkain at kapag may natira ay kanya namang iniipon para makapag aral siya sa susunod na pasukan.

Isang araw habang naglalako si Belle napadaan siya sa isang malaking malaking gate. Iyon ang gate ng isang Sikat at Malaking paaralan sa Pilipinas, ang Golden Gates Academy.

Noon pa man ay ninais na niyang makapasok sa ganitong klaseng paaralan ,pero alam niyang malabo iyon sapagkat puro mayayaman lamang ang nakakapasok sa paaralan na iyon.

May nakita siyang isang batang lalaki na tumatakbo mula sa labas ng gate.At ng makalabas ay agad itong nagkubli sa isang malaking puno.Nagpasya siyang lapitan ito. Nagulat siya ng makita itong lumuluha. hindi niya tuloy mapigilan ang sarili na kausapin ito.

"uhh Bata may problema ba?" tanong niya ngunit Hindi siya pinansin nito.

May kung ano itong dinukot mula sa bulsa nito. Isa iyong locket at ng buksan nito iyon ay may nakalagay na picture ng isang babae, palagay niya ay iyon ay ang ina ng batang lalaki.

"Nanay mo ba Yan?"tanong niya

Ngunit wala pa rin siyang nakuhang tugon mula sa lalaki

"Alam mo magkamukha kayo ng nanay mo. Nasaan ba nanay mo ngayon? Namimiss mo ba siya? Wala na ba ang nanay mo? Alam mo parehas tayo, ako nga rin eh namimiss ko rin nanay at tatay ko. Wala na kasi sila. Iniwan na nila ako pero okay lang kasi alam ko naman na palagi nila akong binabantayan at alam ko masaya sila kung nasaan man sila ngayon. Huwag ka na umiyak bata , malulungkot nanay mo kapag nakita ka niyang umiiyak. Alam mo ang pagkawala ng mga mahal natin sa buhay ay masakit talaga, pero ang kawalan natin sa presensiya nila ay siya namang pakinabang para sa kanila"

Saglit na nag angat ng tingin ang batang lalaki at tiningnan siya pero agad rin na ibinalik ang tingin sa locket. kaya naman nagulat at napakurap bigla si belle dahil iniisip niya kung tao ba talaga o isang anghel ang nasa tabi niya ngayon. yumuko siya upamg makita ulit ang mukha nito. Hula niya ay hindi purong pinoy ang lalaki dahil sa hilatsa ng mukha nito. palgay niya din ay hindi nagkakalayo ang edad nila sa isat-isa.

Expressionless ang mukha ng batang lalaki habang tumulo ang luha sa mga mata nito.

Napatingin siya sa locket. "BEAUTY" . May naka ukit na Beauty sa locket, pero hindi niya mawari kung pangalan ba iyon o denidescribe lang nito ang nasa picture.

"Excuse me bata."

Hinawakan niya ito sa balikat. Nagulat siya ng marahas nitong tabigin ang kamya niya.

"Don't touch me!" singhal nito sa kanya.

Palagay niya ay gusto ng batang lalaki ang mapag-isa. Kaya nagpasya siyang umalis na lang. Nakakailang hakbang na siya ng nilingon niya ulit ang batang lalaki, nakatayo na ito at nagpapagpag. Ngunit naagaw ang kanyang pansin sa isang sang na anumang sandali ay babagsak patungo sa batang lalaki. Kaya bigla niyang nabitiwan ang kanyang mga paninda at napatakbo patungo doon sa bata.

"Hoy bata umalis ka diyan!" sigaw niya

Ng makalapit ay agad niyang hinila ang batang lalaki mula sa kinatatayuan nito. Pareho silang nawalan ng balanse ay natumba sa damuhan.

"Aw! You're too heavy. Get off me!" reklamo nong batang lalaki, nadadaganan niya kasi ito.

"O-okay ka lang?" tanong niya dito, saka umayos ng upo.

Ngunit parehong nanlaki ang kanilang mga mata nang aksidenteng mapatungan ng kamay ni Belle ang ano ng batang lalaki.

"Idiot! Get your hands off my Jewels!" sigaw nito sa kanya.

Mabilis niyang inalis ang kanyang kamay doon.

"P-pasensiya na!" nahihiyang wika ni Belle sak tumayo at mabilis na tumakbo papalayo rito.

*************


Like & Comment please!

Kamsa!

You may visit FUDGEES STORIES on facebook.

THE BILLIONAIRE'S HIRED WIFETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon