CHAPTER 10

194 8 0
                                    

CHAPTER 10

BELLE'S POV

SUMILIP ako sa iniawang kong pinto ng kwarto ko. Tinitingnan ko kung nakaalis na ba si Tyrone patungo sa trabaho n'ya. Hindi ko kasi siya kayang harapin ngayon dahil sa nangyari kagabi.

Hindi na kami nakapag-usap kagabi kasi umuwi kami agad pagkatapos ng nangyari at nagdire-diretso si Tyrone sa kwarto n'ya. Kaya heto ako, umiiwas, kasi alam kong makikipagtuos siya sa akin ngayon. Hindi ko siya nakita kaya nilakihan ko ang pagbukas ng pinto.

"Good morning, Ms. Belle," bati ni Jimmy sa akin nang makalabas ako ng kwarto.

"Good morning din po. Nasaan si Tyrone?"

"Kanina pa po umalis."

Nakahinga ako nang maluwag sa narinig. Mabuti naman!

"Okay. Siya nga pala, Mr. Jim, aalis po ako ngayon, may lalakarin lang ako."

"Naku, pasensiya na po, Ma'am, ibinilin po ni Sir Tyrone na huwag ko

raw po kayong paaalisin ng bahay, baka raw ho may mangyari na naman sa inyo."

"Ay, grabe siya! Para naman po akong preso nito. Sige na po, Mr. Jim, pumayag ka na. Babalik din naman ho ako agad, eh."

"Pasensiya na po talaga, Ma'am, 'yon ho kasi ang bilin ni Sir, eh."

Hmp! Nakakainis naman!

Ilang sandali pa'y biglang bumukas ang pinto sa sala at nakita ko si Tyrone na pumasok. Hala! Akala ko ba'y nakaalis na siya? Lagot ako nito.

Napatago tuloy ako sa likod ng sofa.

"Is she awake?" tinig 'yon ni Tyrone.

Lagot, sana'y hindi ako ituro ni Jimmy!

"Si Ma'am B-Belle, S-Sir? Ah, a-ano, Sir... N-Not yet," nauutal na sagot ni Jimmy. Mabuti na lang hindi n'ya ako itinuro.

"Tell me when she wakes up," rinig kong sinabi ni Tyrone saka ako nakarinig ng mga yabag na papalayo.

Sumilip ako mula sa pinagtataguan ko. Patay! Aakyat siya papunta sa kwarto! Madadaanan n'ya 'tong sofa na pinagtataguan ko. Lagot na! Ano ng gagawin ko?

Hala! Malapit na siya! Patay! Lagot ako nito!

Unti-unti akong naglakad para pumunta sa kabila ng sofa, nagbabaka sakaling hindi n'ya ako mapapansin.

"What are you doing over there?" rinig kong tanong ni Tyrone.

Napalingon ako sa kaniya at nakitang nakatingin siya sa akin.

Wala na. Nahuli na n'ya ako.

Ano? Ano'ng idadahilan ko? Sasabihin ko kayang dito ako natulog?

Ay, masyado namang lame ang dahilan ko. Eh, kung sabihin ko kayang naglalaro kami ng tagu-taguan ng mga katulong n'ya? Pero ang pangit no'n, eh!

Hay naku! Bahala na nga!

Tumayo na ako mula sa pinagtataguan ko. Nginitian ko siya nang alanganin.

"Hello! Ano kasi, eh... Naglalaro kami ng taguan ni Aling Bertha at ng iba pa. Huwag kang maingaym baka makita nila ako." Maniwala ka sa dahilan ko, please?!

THE BILLIONAIRE'S HIRED WIFETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon