CHAPTER 6

112 2 0
                                    


CHAPTER 6

BELLE'S POV

ONE week na ang nakalipas simula no'ng malaman kong si Tyrone at ang batang nadakma ko ang kayamanan noon ay iisa. Sinisikap kong huwag

ipahalata sa kaniya na ako pala ang batang 'yon. Nanatili akong tahimik.

Magkamatayan man. Hindi ako magsasalita!

Heto kami ngayon, papasok sa opisina ni Tyrone. Yes, kasama ako!

First time kong makapasok sa isang malaking building. Pagkababa namin ng entrance ay nakatingin lahat ng mga tao sa amin.

Napayuko ako. Hindi kasi ako sanay na pinagtitinginan ng maraming tao. Dagdag pa 'tong suot ko na isang fitted whole dress na tube na above the knee. Hindi naman masyadong maikli. Tama lang, tapos pinarisan ng coat at stilettos. Oh, 'di ba, ako na ang maganda!

Kaya lang, naiilang talaga ako.

Nagulat ako nang hawakan ni Tyrone ang kamay ko. Napatingin tuloy ako sa kaniya.

"Heads up, honey. Remember that you're beautiful," sabi n'ya saka ngumiti.

Heto na naman po ang puso ko. Tumitibok nang malakas. Tumatakbo nang mabilis na akala mo nasa karera.

Naglakad na kami papasok sa loob ng magka-holding hands. Oh, 'di ba? Ako na talaga ang maganda!

Nagtungo kami sa opisina n'ya. Namangha ako nang sobra nang makita ang opisina ni Damuho. Sobrang ganda! Mas malaki pa 'to sa kubo ko! Grabe! May mini living room din. Tsk. Edi si Damuho na talaga!

Sigurado akong mas mahal pa sa buhay ko ang mga palamuti na nandito.

Tsk! Kaya dapat na mag-ingat ako na huwag makabasag, baka ipa-murder ako nitong si Damuho. Tsk!

"Gawin mo kung ano'ng maisipan mong gawin d'yan. Huwag ka lang magkakalat, magtatrabaho lang ako rito," sabi ni Damuho sa akin, tapos

dumiretso na siya sa table n'ya at ginalaw ang mga folder na nakapatong do'n.

Ako naman ay naupo sa sofa sa mini living room. Ano kayang gagawin ko rito? Hmm... Inilibot ko ang paningin ko. May nakita akong mga magazine sa ilalim ng center table, kinuha ko 'yon at tiningnan.

Grabe! Walang ibang laman 'yong magazine kundi tungkol lang kay Damuho, sa business n'ya, at kung gaano na siya ka-successful ngayon.

Grabe talaga 'tong si Damuho. Siya na talaga ang magaling. Tsk.

Lumipas ang dalawang oras pero ang tanging nagawa ko lang ay magbasa ng mga magazine. Nakakaantok tuloy. Ang boring pala rito!

Akala ko kaya ako isinama ni Damuho sa opisina n'ya kasi may ipagagawa siya sa akin. Pauupuin lang pala ako rito sa mini living room. Tsk.

Napahawak ako sa tiyan ko nang marinig kong tumunog iyon.

Nilingon ko naman si Tyrone. Binabasa n'ya pa rin 'yong laman ng mga folder. Lumapit ako sa kaniya at kinalabit siya. Hindi n'ya pinansin kaya kinalabit ko ulit siya. Ayaw n'ya pa rin akong pansinin. Aba'y loko 'to, ah.

Sige, aagawin ko ang atensyon mo in Arabella's way.

Yumuko ako at ini-level ang bibig ko sa tenga n'ya.

THE BILLIONAIRE'S HIRED WIFETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon