CHAPTER 4

123 4 0
                                    


CHAPTER 4

BELLE'S POV

I FELT his hands on my stomach, pababa ito nang pababa hanggang sa ... nakarinig kami ng tatlong katok sa pinto na nagmumula sa labas.

Pareho kaming nagulat at napahinto sa ginagawa namin. Shit, nakalimutan kong nandito nga pala kami sa loob ng CR. Tsk! Letseng damuho 'to ! Mahuhuli pa kami na nagme-make out dito sa loob ng CR.

Tumingin ako kay Damuho.

"Sshhh.... Akong bahala," sabi n'ya saka nagtungo sa pintuan.

"Who's there?" tanong ni Tyrone.

"Ian," sagot ng nasa labas.

"Ian who?" tanong na naman ni Tyrone.

"'Langya! Knight, ikaw ba 'yan? Loko ka! Bilisan mo riyan, lalabas na 'to!" reklamo ni Ian.

"Okay. But will you get my towel first? Nakalagay ro'n sa couch sa sala. I'm naked here. Nakalimutan kong dalhin, eh."

Ano ba namang palusot 'yon? Psh! Pero okay na 'yon, Belle, kaysa sa mahuli ka riyan na kasama mo si Damuho sa CR. Baka isipin pa nilang may ginagawa kayong kababalaghan. Tsk, eh, meron naman talaga, eh!

"Anak ng—! Nahihirapan na ako sa kapipigil dito tapos uutusan mo pa ako!"

"Psssh! Just get that para makapag-CR ka na."

"Oo na! Oo na!"

Narinig ko na naglakad si Ian at unti-unti 'yong lumalayo. Inudyukan ako ni Tyrone na lumabas na. Pagkabukas ng pinto ng CR ay patakbo akong umakyat sa itaas at pumasok sa kwarto namin. Naiwan si Tyrone, bahala na siya ro'n.

Nahiga na ako sa kama. Hindi mawala sa isip ko 'yong nangyari kanina sa CR. Wooo! Sobrang init! Hindi ko keri.

'Yong mga halik n'ya... oh my, haaang saraaap! Wait, sinabi ko bang masarap? No. No. No. Erase. Erase. Erase.

Pero totoo naman talaga, eh!

Hoy, Belle, ano ka ba? Ano'ng nangyayari sa yo?'

Kashi nemen, eh! Ang hot n'ya!

'Langya! Ano ba 'tong iniisip ko?

Mayamaya'y may narinig akong yabag sa labas at mukhang papalapit yon dito sa direksyon ng kwarto namin. Oh, Diyos ko! Baka si Tyrone na

'yon? Hindi ko alam ang gagawin at sasabihin!

Papalapit nang papalapit ang mga yabag. Nagtalukbong ako ng kumot at nagkunwaring tulog na. Pumikit ako at nagkunwaring humihilik.

Narinig kong bumukas 'yong pinto tapos sumara ulit. Nakaramdam ako ng kaba pero ipinagpatuloy ko pa rin ang pagpapanggap na tulog.

Hanggang sa maramdaman ko na may umupo sa kama.

"Alam kong gising ka pa kaya huwag ka ng magkunwari d'yan. Hindi ka magaling umarte." Boses 'yon ni Tyrone.

Panira naman 'tong damuho na 'to, eh. Tsk!

Inalis ko ang pagkakatalukbong ng kumot at sumilip nang konti. Nagkatinginan kami ni Tyrone. Shit, ang lagkit ng tingin n'ya!

"Belle, about what happened ..."

"Psshh. Tahimik."

Pinigilan ko siya. Kasi naman, eh. Kung siya, gusto n'yang pag-usapan 'yon, ako, gusto ko ng magpabaon sa lupa sa kahihiyan.

THE BILLIONAIRE'S HIRED WIFETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon