CHAPTER 7

100 1 0
                                    


CHAPTER 7

TYRONE'S POV

I'M here on the living room, reading, and reviewing some business proposals. Marami kasi akong ginawa kanina kaya inuwi ko 'to. Why do I work a lot? I don't know!

Every day, billions of money ang nadadagdag sa mga bank account ko. Tss. I just want to work hard, make more companies, and give opportunities to those less priviledged people by giving them jobs. I know. I'm too kindhearted.

"Damn it!" mura ko nang biglang tumalon si Belle sa sofa at tumabi sa akin.

"Nagulat ba kita?" nakangiting tanong n'ya kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Bakit ka ba nanggugulat?!" bulyaw ko sa kaniya.

"Trip ko lang." Tumawa siya kaya sinamaan ko ulit siya ng tingin at saka bumalik sa pagbabasa.

"Ano'ng ginagawa mo, Dong? Patingin, ha?" sabi n'ya sabay kuha ng folder sa desk.

"Aray!" daing n'ya nang tampalin ko 'yong kamay n'ya.

"Makikibasa lang naman, eh," she said while pouting.

"Huwag na. Hindi mo rin naman maiintindihan, eh."

"Grabe naman 'to! Hindi naman ako gano'n ka-bobo, 'no! Honor student kaya ako no'ng nasa elemetary pa ako."

I didn't give a response. Nagpatuloy lang ako sa pagbabasa.

"May sasabihin nga pala ako," sabi n'ya sa akin.

"Tss. Keep it. I'm not interested."

"Grabe ka talaga! Bahala ka kung ayaw mo akong pakinggan basta magsasalita pa rin ako."

Hindi ko siya pinansin, nakatuon pa rin ako sa binabasa ko.

"Pumunta si Trixie rito kanina," she said. I paused and faced her.

"Trixie?" Tumango siya. "Ano'ng ginawa n'ya rito?"

"Oh, akala ko ba hindi ka interesado?" nakataas ang isang kilay n'ya habang nagsasalita.

"Tsk. Just answer my question."

"Wala naman. Nagkuwentuhan lang kami. Humingi rin siya ng sorry sa mga nasabi n'ya sa akin no'ng unang beses kaming nagkita."

"Really?"

"Oo. Alam mo ba, inakala ko talaga kanina na tomboy siya."

"Tomboy? Lesbian?" I said shocked.

"Oo. Kasi sabi n'ya gusto n'ya ako. Akala ko gusto n'ya akong maging syota, jowa, kasintahan."

Kumunot ang noo ko. "And?"

"Binusted ko siya agad."

"Busted? Ginawa mo 'yon?"" pigil tawang tanong ko.

"Oo. Hindi ko naman kasi alam na iba pala 'yong ibig n'yang sabihin sa sinabi n'yang gusto n'ya ako," nakatungong sabi n'ya. "Nakakahiya talaga 'yong ginawa ko kanina. Gusto n'ya lang pala akong maging kaibigan. Akala ko kasi iba talaga, eh."

"Don't worry, she'll get use to you," pigil tawang sabi ko.

Hindi siya sumagot kaya nagtanong na lang ako ulit.

THE BILLIONAIRE'S HIRED WIFETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon