CHAPTER 8

106 1 0
                                    


CHAPTER 8

BELLE'S POV

MAAGA akong nagising at kasama ko ngayon sina Jade at Yassy.

Nagpapatulong ako sa kanila na gumawa ng cake.

"Nasaan nga pala ang asawa mo?" tanong ni Jade.

"Tumatakbo na naman sa labas. Araw-araw n'ya 'yong ginagawa bago pumasok sa opisina," sagot ko.

"Ah, kaya naman pala ang sexy ng asawa mo. Health conscious," natatawang sabi ni Jade.

"Ano'ng ginagawa n'yo? Ang aga-aga pa, ah?"

Napalingon kami sa nagsalita, si Tyrone.

"Ay, nand'yan ka na pala. Gumagawa kami ng cake. Pinapunta ko sina Jade at Yassy rito para turuan ako," sagot ko.

"Bakit? Ano bang okasyon?" tanong n'ya ulit.

"Wala naman. Marami kasing natirang harina sa ginawang pizza ni Aling Bertha, kaya hiningi ko na lang para gawing cake." Tumango lang si Tyrone.

Naalala ko tuloy 'yong nangyari kagabi! Walanghiyang muta !

Nakakahiya!

Lumapit si Tyrone sa ref. para kumuha ng tubig. Bago n'ya tinungga ang bote ng tubig ay hinubad n'ya muna ang suot n'yang jacket. Lumabas tuloy ang malalaki at pawis na pawis n'yang muscles na halatang banat sa pagwo-workout.

"Check out his muscles, Belle. Doesn't that make your mouth watery?" nanunuksong bulong sa akin ni Yassy.

Umirap lang ako. Sa ginagawang cake pa rin nakatutok ang paningin ko.

"Come on, Belle, just take a look," patuloy na bulong ni Yassy.

Alam kong hindi sila titigil hangga't hindi ko tinitingnan ang sinasabi nila kaya pinagbigyan ko na sila.

Biglang nag-slow motion ang paligid nang tumingin ako kay Tyrone.

Ang sexy n'yang tingnan habang tinutungga ang tubig sa mineral bottle.

Kahit na pawis na pawis ay hindi siya nangangamoy ewan. Ang sarap n'ya tuloy!

Ang intensiyon ko lang naman ay sulyapan siya pero nauwi na yata ako sa pagtitig. Tama si Yassy, firm muscles nga, walang taba. Nakakatulo ng laway!

Biglang itinaas ni Tyrone ang t-shirt n'ya. Lumabas tuloy ang mga pandesal n'yang puwedeng itapat kay James Reid.

"Pasado na ba ako sa paningin mo?" rinig kong sabi ni Tyrone na nakatingin na pala sa akin ng hindi ko man lang namamalayan.

Bigla tuloy nag-init ang mukha ko. At kahit hindi ako tumingin sa

salamin, alam kong namumula na ngayon ang pisngi ko.

"Ang obvious mo, Belle," bulong ni Yassy sa akin saka umalis.

Si Jade? Hindi ko alam kung nasaan.

"Ah, eh..."

"What? Naghihintay ako ng sagot," say ni Tyrone habang dahan- dahang humahakbang palapit sa akin ng nakatitig sa mga mata ko.

Bigla tuloy akong napalunok ng sunod-sunod. Huminto siya sa harap ko, bigla n'yang hinapit ang bewang ko saka hinila patungo sa kaniya.

THE BILLIONAIRE'S HIRED WIFETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon