CHAPTER 5

96 3 0
                                    

CHAPTER 5

TYRONE'S POV

WE'RE here in our room. Nakatitig lang ako kay Belle habang siya'y natutulog. I don't know why but I was really scared seeing her drowning. All I was thinking was to save her no matter what happen. Ngayon ko lang naramdaman 'to sa isang babae. I was so afraid of losing her. Ito na ba 'yon? Is this what they called love?

Nawala ang paningin ko kay Belle nang makarinig ako ng pagkatok sa pinto.

"Come in," sabi ko sa kumakatok.

Pumasok si Dad. "How is she?"

"She's okay now. She just need a little rest."

Bumuntong-hininga siya. "She reminds me of your mother."

Napatingin ulit ako kay Belle.

She was special. Everyone treated her special. Even my father seemed to like her. And I couldn't deny this special beating of my heart only for her. This woman who caught my eyes for the first time.

BELLE'S POV

NAKAUWI na kami sa bahay namin. Medyo nabasag ang eardrums ko dahil pinagalitan ako ni Tyrone dahil do'n sa nangyaring pagkakalunod ko. Tsk!

Aba ! Malay ko bang malulunod pala ako ro'n. Kung alam ko lang edi sana hindi na ako sumama sa kaniya sa El Nido. Baliw talaga 'tong si Damuho, eh.

Buong biyahe wala siyang ibang ginawa kundi ang sermunan ako.

Kung nakakita lang ako ng masking tape o glue o kahit anong pandikit kanina, baka nilagay ko na 'yon sa bibig n'ya, eh. Wagas kung makasermon, eh, parang machine gun. Grabe!

Pero naging masaya ako sa bakasyong 'yon dahil marami akong naging kaibigan, sina Zaf, Jade, at Yassy.

Si Bridget? Nah! In her dreams! Nalaman ko rin na wala na pala ang mother ni Tyrone. Bata pa lang siya no'ng pumanaw ito. 'Yong dad naman n'ya na isang British ang tanging nagpalaki sa kaniya.

"Hoy, babae," tawag sa akin ni Tyrone. Lumingon ako sa kaniya.

"Aalis muna ako. Dito ka lang."

Psshh? As if naman na makatatakas ako rito.

"Saan ka pupunta? Kararating lang natin, ah?" tanong ko.

"I have to attend an emergency meeting."

"Ngayon? As in ngayon na talaga?"

"Yeah. Will you be okay here?"

"Syempre naman."

"Okay." Pagkatapos ay umalis na siya. Psshh. Wala man lang bang goodbye kiss? Char!

Okay. Naaadik ka na yata sa halik n'ya, Belle, ha? Hindi naman masyado. Slight lang, hihi!

Pero sayang talaga hindi man lang nagsabi ng I have to go, magpahinga ka ng maayos, babalik din ako agad para alagaan ka. Chos!

Asa ka riyan, Belle.

"Hey."

Lumingon ako sa nagsalita. Oh, akala ko ba umalis na siya? Ba't nandito pa si Tyrone?

THE BILLIONAIRE'S HIRED WIFETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon