Chapter 1

27 3 0
                                    

Amber's Pov

Nandito ako sa University ngayon, May ginawang kagaguhan si Khesya, Pinagbintangan ba naman si Ash ayan tuloy pinapunta sa Office ni Sir Nick, hindi ko na sinamahan kase may gagawin ako ngayon, kasama ko si Trixie ngayon, gumagala kami dito sa university para makabisado na namin.

By the way My Name is Lilac Amber Quiarez, I am First year college in Angelicum University one of the most popular schools in Manila. Kakatransfer ko lang kasama yung mga kaibigan ko.

Habang naglalakad may bumunggo kay trixie, tinulungan ko siyang tumayo at tumingin dun sa babaeng halata namang sinasadya niya, kilala niyo naman ako hindi ako basta-basta nagpapatalo lalo na kung kaibigan ko yung binabangga nila.

"I'm so sorry, hindi ko sinasadya, hindi ka kase tumitingin sa daan" sarcastic na sabi niya

"Sorry din, we don't know that you are blind?" I said in sarcastic way

"Omg kinakalaban ka! Di ata nila alam na QueenBee ka" pabulong na sabi nung babaeng mukhang palaka na kasama niya

"QueenBee?" Pagtatanong ko

"Yes I am, Why? Nalaman mo lang na QueenBee ako dito, natatakot kana?" She said na parang nanghahamon ng laban

"No I am not and why would I? Hindi ka naman siguro ipis para katakutan ko" Sabi ko nang nakataas ang isang kilay

Oh well dumadami na ang mga taong nanunuod sa amin, I don't care kung mapaoffice kami because I have lot of connections, I don't think na mapapatalsik ako dito

"You know what, transferee ka palang palaban ka na, You don't know kung sinong kinakalaban mo" nakangisi niyang sabi

"Oh sorry! But you don't know me well " I said

"Oh then who are you?" Sabi niya habang may paturo effect

"I'm just wasting my time talking with you, I know na di mo naman magugustuhan na mapaalis sa school na ito, close ko pa naman ang may-ari, so you better think kung sinong kakalabanin mo" then alis, syempre hinila ko si trixie

Umalis na kami dun kase sobrang dami na ang nanonood, mahirap na baka masira ang magandang pangalan ko dahil sa pakikipagaway sa babaeng yun.

First day of school palang may na ka away na ako paano pa kaya kung tumagal ako dito baka halos lahat ng student ka away ko na....

"Tahimik mo Trixie? May iniisip ka?" Pagtatanong ko

"Duh! Nothing, Ang ganda kaya ng eksena nyo parang pelikula" Sabi niya habang may pangiti- ngiti pa

"Shut up! hindi ka nga nakalaban" pangaasar ko

"Duh! Of course, I gave that opportunity to you because I know naman gustong gusto mong angkinin pero syempre dahil ikaw ang nanalo What's the title of it?" tanong niya

"Beauty and the Bee" maikli kong sabi

"Why beauty and the bee?" Pagtatanong niya ulit

"Syempre ako yung Beauty yung Bee naman ay yung babaeng bumanga sayo" Confident kong sagot

"Myghad i don't know na makapal pala ang mukha mo, MAGANDA KA BA?" Pangaasar niya

"Yes ofcourse I am"

"Gutom lang yan, halika na kain tayo, wala lang si khesya kung ano-ano na ang pinagsasabi mo" sabi niya

Habang naglalakad nakita ko si Ken kasama yung nililigawan niya, mukhang masaya naman sila, siguro mali ang pagdedesisyon ko na dito mag-aral dito pinilit lang naman talaga ako nila khesya at trixie na dito  mag-aral, lalo lang akong masasaktan kung araw-araw ko silang makikitang magkasama.

"Ouch!"

"Tulala kana naman liit siguro namimiss mo na naman ako" sabi ni ken habang may magandang ngiti sa kanyang labi

Binatukan ko siya bilang ganti sa ginawa niya saakin, pinisil ba naman yung pisngi ko kaya ang sakit

"Aray naman liit" sabi niya habang nakanguso

dahil sa ginagawa niyang pagnguso i find it cute, bwiset ka talaga Caydenn Ken Carson lagi mo nalang akong pinapahirapan

"Dapat lang yan, kapal ng mukha neto, ako mamimiss kita never akong magkakagusto sa katulad mong panget" sabi ko habang nakasimangot

Nagmumukha akong Defensive sa Sinabi ko

"Ouch! Mas masakit pa yung sinabi mo kesa sa pagbatok mo sa akin" sabi niya habang may pa hawak hawak pa sa dibdib niya na akala mo talaga nasasaktan

"Ehem! Ehem! Nandito pa kami masyado na kaming nilalanggam dito oh!" sabi ni trixie na may pakamot-kamot pa sa binti effect pang nalalaman

"Ewan ko sayo trixie manahimik ka" sabi ko sa kanya

"By the way guys ipapakilala ko muna itong kasama ko, Sheila this is My bestfriend liit I mean Amber at ito naman si Trixie." Pakilala niya samen kay Sheila at inakbayan ako

"Nice to meet you Amber at Trixie, Amber ikaw pala yung kinekwento ni Ken sa akin" nakasmile niyang sagot

"Sinisiraan ba ako netong bakulaw na to sayo" Sabi ko habang sinasamaan ng tingin si Ken

"Liit naman hindi kita sisiraan kay Sheila Noh! " sabi niya pero halatang Nagsisinungaling

"Yung totoo sheila" habang deretsiyong nakatingin sa kanya

"Minsan, Haha"

Dahil sa sinabi ni Sheila, Siniko ko ng Malakas si Ken Dahilan para mapaaray siya sa sakit

"Liit naman, Bat mo ginawa yun ang sakit kaya" nakasimangot niyang tugon

"Isa pa gusto mo?!" Pagbabanta ko

"Ito naman di mabiro, Malakas kaya ako, Kasing lakas ni Hulk" Pagbibiro niya

"Ay! Oo nga pala Malapit na magsimula yung Last subject namin, Alis na ako" Sabi ni Sheila

"Hatid na kita" pagaalok ni ken

"Di na ken, Kaya ko na" sabi ni Sheila

"Hindi pwede baka mamaya may lalaking lumapit sayo maagawan pa ako" banat niya

Dahil dun napagdesisyonan ni Sheila na ihatid nalang siya ni ken, Habang naglalakad sila, piling ko na sa mga oras na yon papalayo ng papalayo si ken sa akin

Secretly InloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon