Chapter 6

6 1 0
                                    

Khesya's Pov

Kinakausap ko si Amber pero hindi padin nagrerespond sa sinasabi ko nakatingin lang siya kanila Ken at Sheila na naglalandian o lambingan ewan ko lang ang tawag dun? Mas prefer ko landian halata naman. sabihan niyo na ako ng bitter, ang masasabi ko lang I don't Care.

Hanggang Ngayon tulala parin nagseselos ata yan pero di ako sure hindi naman yan nagkwekwento yan samin kase sobrang masikreto si Amber kahit na may problema hindi yan magsasabi sa amin inaangkin nalang niya yung problema, parang sinasarili niya yung problema niya, Ayaw niya na pinapakita na mahina siya kase nga siya si Lilac Amber Quiarez, Isang matapang na babae at dahil hindi padin niya ako pinapansin ay may ginawa kaming plano ni trixie

"🎶Tulala lang sa aking kwarto at nagmumunimuni ang tanong sa aking sarili saan ako nagkamali🎶" kanta namin ni Trixie kaya naagaw ang atensyon ng mga estudyante, paano ba namang hindi maaagaw ang atensyon nila dahil ang lakas ng kanta namin at talagang nilakasan namin yung kanta namin para marinig ni Amber At dahil dun hindi na siya natulala pati sila Ken ay nakuha ang atensyon namin.

"Ang sakit niyo sa tenga!!" Sigaw ni Amber dahil dun nagtawanan kami ni Trixie binigyan kami ng inis na mukha ni Amber

"Ikaw naman kase ang may kasalanan, kanina kapa kinakausap ni Khesya pero hindi mo pinapansin tulala kalang" natatawang sabi ni Trixie

"Napapansin ko Amber palagi ka nalang tulala simula nung lumipat tayo sa university na to" May halong pagtataka ni Trixie,

Umiwas lang nang tiningin si Amber at iniba yung usapan halatang may tinatago ang babaita malalaman ko rin yan.

~~~~~~

Amber's Pov

Iniba ko yung usapan para makalusot ako pero itong si khesya nakakunot padin yung noo niya na halata niya ata ang pag-iwas ko sa tanong ni Trixie, lagot ako nito mamaya paniguradong maraming tanong itong babaita na ito as always naman, si khesya pa hindi yan papahuli sa balita.

"Ano guys punta na ako sa first Subject ko, Late na ako eh" sabi ni trixie

"Sama na ako sayo trixie parehas naman tayo ng first subject ngayon" sabi naman ni khesya at tinignan ako na parang sinasabi na 'mag-usap tayo mamaya' umiwas nalang ako ng tingin sa kanya

"Sheila hatid na kita" sabi ni ken

"Wag na malate ka pa malapit lang naman yung first subject ko ngayon" pabebe na sambit niya

"Sige ikaw ang bahala, Amber sabay na tayo parehas lang naman tayo ng first subject" sabi ni ken sumang-ayon nalang ako sa kanya

Pagkarating namin sa first subject namin napagalitan pa kami kase late kami, katabi ko si ken.

Aral

Aral

"Sino ang may tanong sa lesson natin ngayon?" Pagtatanong ng Prof namin, Walang sumagot so walang magtatanong

"So walang magtatanong ngayon may quiz tayo"
Andaming timutol pero syempre ako hindi ako tumutol kase nakinig naman ako, nagsulat na ako.

Natapos na yung Klase sa first Subject, Si ken naman ay ang tamlay hindi ko alam kung bakit siguro dahil hindi ko siya pinakopya, gusto ko lang naman siyang matutong magaral, matalino naman si ken kaso hindi siya marunong gumamit nito binabalewala lang niya.

"Ang tamlay mo galit ka ba sa akin kase hindi kita pinakopya kaya ko lang naman ginawa yun kase--" hindi ko na natapos yung sasabihin ko kase tinakpan niya yung bibig ko gamit ang KAMAY niya, dahil dun kinagat ko, Malay ko ba kung saan niya iyan sinusuksok at pinanghahawak yun.

"Aray naman ikaw na nga ang hindi nagpakopya tapos ako pa ang sasaktan mo" nakapout niyang sagot

"Cute cute mo talaga" sabi ko habang pinisil ko yung pisngi niya

"Kanina yung hindi mo pagpapakopya saakin tapos yung pagkagat mo sa kamay ko tapos ngayon yung pagpisil ng pisngi ko" sabay himas niya sa pisngi niya, Natawa naman ako ang cute-cute niya kasi

"wag kana magtampo baby ken Hahaha" Pangaasar ko sa kanya, Naghabulan nanaman kami, hanggang sa napagod at nagpahinga muna..







Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 13, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Secretly InloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon