Amber's Pov
Nakasakay padin ako sa kotse ni ken, feeling ko tuloy sobrang tagal namin sa pupuntahan namin, hindi padin kame naguusap siguro napapansin din niya nawala ako sa mood para makipagbiruan sa kanya.
Hanggang sa Nakapunta na kami sa Mall, Nang makapasok kami sa Mall duon na niya ako kinulit ng kinulit.
"Liit galit ka ba sakin kaya di mo ako kinakausap?" Sabi niya
"Liit wag ka nang magalit sa akin kung ano man ang nagawa ko, di ako sanay ng di mo kinakausap, alam mo ba yon ang hirap sa part ko" pagmamakaawa niya habang sumusunod sa akin
"Liit promise hindi na ako gagawa ng mga bagay na hindi mo magugustuhan promise basta patawarin mo ko"
"ang cute naman nila bagay na bagay silang dalawa"
"oo nga sana lahat ng lalake ganyan"
"bagay na bagay silang dalawa"
Dahil sa ginagawa ni ken napupukaw yung atensyon nila kaya napapatingin sa amin, yung iba naman kilig na kilig at yung iba nagvivideo
"Manahimik ka nga dyan, kung ayaw mo masapak" pabulong kong sabi
"Liit hindi ako mananahimik kapag di mo ko pinapatawad atsaka narinig mo yun bagay daw tayo" pagmamakaawa niya
"Bagay sa iyong mukha hambalusin kita dyan eh"
Sa totoo lang wala naman talaga siyang kasalanan sa akin, siguro nagiinarte lang ako o baka naman masyadong OA lang si Ken kung makaasta
"Wala ka namang kasalanan sa akin, ang OA neto, umayos ka nga dahil sayo nakakaagaw tayo ng atensyon" sabi ko gusto ko pa sana maginarte para lambingin niya ako,.....
MyGhad Ang landi ko na, Bad influence talaga yung mga couple ngayon eh.
"Talaga? Eh bakit ang tahimik mo?" Pagtatanong niya
"Porket ba tahimik may problema na agad?"
"Ewan?" Sabi niya
"Ewan ko sayo, paano natin malulusutan to? tignan mo ang dami nang nakatingin sa atin" sabi ko sa kanya
"Alam ko na, pagkabilang ko ng talo magready kana" sabi niya
"Wha-"
"Isa"
"Wait lang di ko alam ang pla-"
"Dalawa"
"Wait di ako rea-"
"Tatlo"
Hinawakan niya yung kamay ko at Tumakbo ng Mabilis, pero piling ko sobrang bagal ng paligid dahil sa lakas ng tibok ng puso ko tanging tibok ng puso ko lang ang naririnig ko, piling ko sa sobrang lakas nito naririnig din ni Ken, Bwiset ka talaga Ken lagi mo nalang akong binabaliw, Mas lalo akong nababaliw sayo, Sana naman makaramdam ka, Wag ka masyadong Manhid, NAKAKAINIS KA.
Nakatigil na kami sa pagtakbo kaya hingal na hingal din kami, Ano to Ginawa naming playground ang mall, Habulan lang ang peg.
"Hindi mo manlang sinabi sa akin na tatakbo pala" sabi ko pero feel ko naman, nagiinarte lang, ang ganda nga ng plano niya dahil na hawakan ko yung kamay niya, LANDI
"Liit alam ko namang tututol ka kaya hindi ko na sinabi atsaka yun lang yung paraan na naisip ko" sabi niya habang kinakamot ang ulo
Ano May Dandraff lang kaya kamot ng kamot?
"Ewan ko sayo, dami mong alam" pagtataray ko
"Sungit mo talaga" sabi niya sabay pisil ng pisngi ko
Napahawak ako sa pisngi ko kasi ang sakit dahil dun hinabol ko siya ng hinabol para gantihan
"Liit hindi mo ko mahahabol kase ang liit ng binti mo Hahaha" pangaasar niya
"Pagtalaga ako nakahabol sayo babatukan kita ng Malakas" inis kong sabi sa kanya
"Tignan lang natin Hahaha" tawa niya
"Talaga"
Sana hindi na matapos ang araw na to yung palaging masaya lang kami, walang problema at walang iniintinding iba, Sana habang buhay nalang ganito.
BINABASA MO ANG
Secretly Inlove
Teen FictionFell inlove with my boy bestfriend? Yung kaibigan mo na pinaparamdam niya na nandyan lang siya kapag may problema, iintindihin ang pagkamaldita, Tinuturing ka na prinsesa, At higit sa lahat prinoprotektahan ka. Sino ba namang tanga ang hindi magkaka...