Amber's Pov
Nandito na kaming lahat sa Guidance lahat ng Nakaaway namin mukhang basang sisiw pero kami nagulo lang yung damit.
"At sino ang may pakana nito!!" Galit na tanong nung principal
"Where just walking around tapos bigla nila kaming hinarangan at sinabunutanan at pinagsasampal" Sabi nung isa sa mga kaaway namin, Parang nabaligtad ang sitwasyon namin sila yung nanguna.
"She's right Mr. Principal Hindi na nga kami lumaban, Halata naman sa ayos namin" At tinignan kami ng principal mula ulo hanggang paa, Sabihin lang nila hindi sila nakalaban kaya hindi kami na bangasan. Pero halata sa principal na naniniwala siya sa mga bitch na sinungaling.
"Hindi ba kayo magsasalita para ipagtanggol ang sarili niyo?!" Pagtatanong nang principal
"Why? maniniwala ba kayo kung sabihin namin na kabaliktaran ang sinasabi nila?!" Inis na tanong ni khesya, Hindi umimik ang principal so ibig sabihin hindi siya naniniwala sa amin
"Hindi na namin kailangang magpaliwanag kase naman halatang kahit magpaliwanag kami hindi niyo kami papaniwalaan" sabat ni Trixie
Lumabas sila khesya, naiwan ako at ang mga nakaaway namin, tinignan ko si Mr. Principal
"Mr. Principal ayusin mo yang trabaho mo kung ayaw mong matanggalan ng trabaho, isang sabi ko lang kay daddy sure akong agad agad wala ka na dyan sa pwestong iniingatan mo" pagbabanta ko
"Wag mokong pagbantaan Ms"
"Ms. Quiarez, Siguro kilala mo si Mr. Ryan Quiarez, well siguro alam mo na kaya ayusin mo yang trabaho mo" at lumabas na sa office.
pagkalabas ko ay nakita ko agad sila trixie na kasama sila ken
"Ayos kalang ba? May masakit ba sayo? Bakit di mo sinabi na napaaway ka pala? edi sana naprotektahan kita" Sunud sunod niyang tanong pagkalapit ko sa kanila
Tinignan ko lang siyang mabuti, kitang kita ko sa mga mata niya na alalang-alala talaga siya gusto kong ngumiti o magtatatalon sa saya ngayon para maramdaman niya kung gaano ako kasaya nung nalaman ko na nag-aalala pala siya sa akin pero kung iisipin ko na kaya siya nag-aalala sa akin dahil bilang kaibigan kailangan mong protektahan ang kaibigan mo.
Napasimangot ako kase baka dahil kaibigan ko siya kaya siya nag-aalala sa akin, ASSUMERA ko talaga.
"Siya lang ba ken ang napaaway? Kami rin noh!" Nakasimangot na tugon ni Khesya at inirapan si ken
"Sus! Wag ka ngang maginarte di bagay sayo" biro ni ken kaya nakatanggap siya ng malakas na suntok sa mukha, Tawa lang ako ng tawa pati sila Trixie nakitawa narin pero si Khesya ang sama ng tingin kay Ken
"Aray naman khesya, Masisira ang gwapo kong mukha" sabi niya habang hinihimas ang mukha nito
"Ang hangin naman! piling ko may bagyo ngayon sa sobrang hangin" sabi ni Trixie
"Turn off na si Sheila niyan sayo, Alam mo ba sheila wag na wag mong sasagutin tong si ken kase magsisisi ka sa huli kapag sinagot mo yan Dahil sa sobrang yabang nyan baka makita mo nalang na nililipad ka na" sabi ni khesya kay Sheila habang galit na tinuturo si ken tumatawa lang si sheila kay Khesya
Sana nga hindi na sagutin, ANG SAMA KO NAMAN kailan pa ako natuto na maging masama ang ugali? Ay matagal na pala akong masama ang ugali.
"Ayusin mo nga yang damit mo, Makikita na kaluluwa mo eh" sabi ni ken kay sheila na ikatigil nitong tawa biglang namula yung mukha niya na si ken mismo ang nag-ayos nang damit niya
Habang ako tulala hindi parin matanggap na wala akong pag-asa....
BINABASA MO ANG
Secretly Inlove
Teen FictionFell inlove with my boy bestfriend? Yung kaibigan mo na pinaparamdam niya na nandyan lang siya kapag may problema, iintindihin ang pagkamaldita, Tinuturing ka na prinsesa, At higit sa lahat prinoprotektahan ka. Sino ba namang tanga ang hindi magkaka...