Chapter 2

26 2 0
                                    

Amber's Pov

Nasasaktan ako na kapag masaya siya sa iba, pero sino ba ako para masaktan ni hindi nga niya ako girlfriend, kaibigan lang ako, okay na ako kung saan siya masaya kung saan siya liligaya.

"Ano habang buhay na ba tayong nakatayo dito? sabihin mo lang at iiwan na kita" sabi ni trixie

"Try mong iwan ako tignan ko lang kung makauwi ka ng buhay sa inyo" pagbabanta ko

"Alam mo be minsan iniisip ko kung kaibigan ba talaga kita? o ikaw yung killer na papatay sa akin?"

Pinabayaan ko nalang siya at naglakad pa puntang parking lot, nawalan na ako ng gana kumain. Bahala siya mawala jan sa school na yan, binabadtrip niya ako, ang panget na nga ng iniisip ko tapos dinagdagan pa niya. Pasakay na sana ako ng kotse ko ng biglang magring yung cellphone

Bessywrap Calling

"Bakit nanaman nambubulabog ka panget?" Pagtatanong ko

"Liit naman, hindi ba pwede namimiss lang kita?" Sabi ni ken

Isa pa ken, baka di ko na mapigilang kiligin, nakakainis ka pinapaasa mo na naman ako, hindi ba pwedeng totohanin nalang?

Imposible tong sinasabi ko, kung ano-ano nalang ang iniisip ko naiimpluwensyahan ba naman ako ng mga couple ngayon ang haharot ba naman, naiingit tuloy ako.

"Liit ano na nandyan ka pa ba?" Pagtatanong niya, dahilan para matauhan ako

"Anong sabi mo?"

"Liit, ang sabi ko bonding tayo para may time tayo sa isa't isa" sabi niya

"Wag ka nang magpaligoy-ligoy pa panget, alam kong may kailangan ka kaya sabihin mo na baka magbago pa isip ko"

"Liit Lilibre kita ng kahit anong gusto mo basta samahan mo ako ngayong mamili ng regalo para kay Sheila please" pagmamakaawa niya

"Baket anong meron at reregaluhan mo si Sheila?" pagtatanong ko

"Malapit na yung birthday niya liit" sabi niya

"Okay basta yung libre ko di mo makakalimutan"  pabiro kong sabi kahit na nasasaktan ako

"Thank you liit the best ka talaga, Hintayin mo ko sa parking lot" tuwang tuwa niyang tugon

Toot toot toot

panibagong pagsubok na naman na haharapin ko ngayon at alam niyo kung ano? Ang magtago ng Feelings para sa kanya, duon ako magaling ang Magpanggap na Masaya kahit nahihirapan na.

Naghintay ako katulad nangsabi ni Ken, Nagbiglang dumating si Trixie, lumapit siya saakin ng hingal na hingal

"Bakit ka nandito?" Pagtatanong ni Trixie

"Bakit saan mo ba ako gusto pumunta?" Sabi ko in sarcastic way

"Akala ko nandun ka sa canteen, dapat di mo ko iniwan may nakaaway tuloy akong lalaki sa sobrang inis ko nasapak ko tuloy di ko alam kung buhay pa yun" sabi niya

Hindi na ako magtataka kung nasapak o nabugbog ni trixie yun, kase ang alam kong huling nasapak niya ay nawalang ng malay lalaki pa yun ah! At ang huling nabugbog niya ay nasa hospital, May pagkaamazona talaga yang babaing yan kaya di na ako nagtataka.

"Good for you" sabi ko

"Anong good for you? baka mapaoffice ako ng wala sa oras, first day palang may record na agad ako" pagmamaktol niya

"Sanay ka nanaman diba, para namang hindi ka napaoffice dati sa school natin at kabisado mo na yan kung paano malulusutan" sabi ko

"Sabagay, Pero iba ngayon kakatransfer ko palang tapos may badrecord agad"

"Bahala ka dyan, bakit mo kase sinapak? Tapos ako yung proroblemahin mo ngayon"

"Eh! Kase naman siya na nga ang nagtapon sa akin ng juice siya pa ang may ganang magalit sa sobrang dada niya yan pinatahimik ko muna" sabi niya kahit kailan sakit sa ulo, kaya pala may mantsa yung damit niya

"Kaya mo nang malusutan yan magaling ka naman sa pagpapalusot" sabi ko

"Wala kang natutulong" pagmamaktol niya

"Kailan ba ako tumulong sayo?" Sabi ko

"Hayst! Makauwi na nga lang" sabi niya at padabog na umalis

Sakto namang dumating si Ken, Sumakay na ako sa kotse niya, binati niya ako kaya binati ko rin siya.

"Liit ba't ang tahimik mo?" Pagtatanong ni ken

"Wala may iniisip lang ako"

"ako ba yan?" nakangisi niyang sagot

"Eh kung sakalin kita" pagbabanta ko

"Joke lang naman" tawang sagot ni ken

Ang iniisip ko lang naman ay katulad nang hanggang kailan ko kaya matatago ang pagibig ko sayo?, Hanggang kailan ako magtitiis ng ganito?, at kailan mo kaya ako mapapansin hindi bilang kaibigan kundi bilang babae?

Secretly InloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon