Chapter 4

8 1 0
                                    

Amber's Pov

Tapos ko nang tulungan si ken maghanap ng regalo para kay sheila ang napili niyang bilhing regalo ay isang kwintas at kung tatanungin niyo ako kung ano ang nangyari pagkatapos ko siyang tulungan nagpasalamat lang naman siya at nagpresintang ihatid ako sa bahay Andaming alam nun may pa "Ako na ang maghahatid sayo kase ako naman ang nagpatulong" at
"Pag di kita hinatid di na tayo bati, Nagaalala kase ako sayo baka mapaano ka pa"

Diba parang bata lang, ayoko kase magpahatid sa kanya nakakahiya naman pero dahil sa kakulitan niya wala na akong nagawa pero sa bagay wala naman akong dalang kotse non baka magcommute pa ako kaya napapayag niya ako, Kahit kailan talaga sobrang kulit tapos ang sweet pa kaya ako nahulog sa kanya.

Ang hirap talagang magpakatanga pero worth it naman kapag nagtagumpay ka sa pagpapakatanga mo kaso 20% lang ang mga nagtatagumpay halos 80% ang hindi sinasalo, kinakabahan ako baka isa ako sa kanila, Bat nga ba ako kakabahan eh wala na rin naman talaga akong pag-asa.

Ang saklap, pero kaya ko to para sa pagibig, Ang corny naman pati sa kakornihan na adopt ko nadin sa mga couple, Parang virus lang ang bilis kumapit.

Natulog na ako kesa magisip pa ng kung ano-ano sumisikip lang yung dibdib ko kapag naalala ko na hindi niya ako sasaluhin at walang sasalo sa akin, ang sakit pa naman nun yung umasa ka sa wala. DAMING ARTE MAKATULOG NA NGA

Kinabukasan

Maaga akong nagising dahil may pasok pa, ginawa ko na yung daily routine ko para makapasok na, Pagkatapos ng breakfast ay umalis na ako pero syempre nagpaalam ako kanila mom at dad, Kasabay ko sila Khesya at Trixie pumasok sa school.

Pagkapasok palang namin hinarangan agad kami ng mga bitch.

"Can you guys move hinaharangan niyo yung dinadaanan namin" mahinahong ani ni khesya

"Sila yung sinasabi ko sayo khesya na bumangga sa akin" pabulong na sabi naman ni Trixie

Nakita ko ang pagbabago ng emosyon ni khesya, Nakita ko ang galit sa mga mata niya at alam ko na gusto nang upakan niya yang mga yan well ako rin gusto ko silang upakan.

"Kayo pala yun? Can I know why did you do that to my bestfriend" Mahinahong sabi ni khesya

"You want to know why? well of course I don't like her face and everything about her" mataray na sagot niya

"Umalis nalang kayo sa daanan namin, i know you don't want see hell" sabi ko habang tumitingin sa kanyang pagmumukha

"Can you do that? I would love to see hell with you, and also you di ko makakalimutan yung ginawa mo kay baby ace ko, you just punch his beautiful face, ako na yung gaganti para sa kanya" tinuro niya si trixie at biglang sinampal dahilan para matumba siya

Tinulungan ko siyang tumayo at Tinignan ko nang masama silang lahat pati si Khesya Galit na Galit na tumingin dun sa mga babae na yun

"Anong karapatan mo para saktan ang kaibigan ko?!!!" Galit na tanong ni Khesya, Alam kong nagpipigil lang siya at dumarami narin yung mga studyante nakikinood

"Ginantihan ko lang ang ginawa ng Babaeng yan kay Baby Ace ko" Sabi niya

"And you think na makakalimutan ko yung ginawa nang kaibigan mo sakin, pinahiya lang naman niya ako, and it's time for my revenge" akmang sa sabunutan niya ako nang hinawakan ni Khesya yung kamay nung Babae at Sinabunutan at pinagsasampal

Pipigilan ko na sana siya nang may biglang humila ng buhok ko so no choice sinabunutan ko at Pinagsasampal ko nang biglang may pumito ibig sabihin guidance counsil nahinto kami sa pagsasabunutan at nakita ko si trixie na may sinasabunutan at si Khesya naman ay kawawa na yung sinasabunutan niya dahil mas mukha itong basang sisiw

"Lahat kayo nakisama sa gulo Magpunta kayo sa Guidance now!!"




Secretly InloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon