Joshua’s POV
Nasa kalagitnaan ako ng pagtitig sa gwapo kong mukha sa salamin sa mga oras na ito…
“Ah shet, ang gwapo ko talaga…wala ng tatalo sa kagwapuhan ko…”
Yan nalang ang nasabi ko…aba! Ang gwapo gwapo ko kaya!
Maya-maya ay naramdaman kong may nanginginig sa pantaon ko, wag kang green minded pare -__- cellphone ko yun…
“ay shet, si queen tumatawag…”
Dali-dali ko itong sinagot…
“hello Joshua?”
[yes queen?]
“prepare the other room beside my room…we will have a very important visitor…”
Medyo nacurious naman ako…sinong tao yun para sabihin pa ni queen na very important visitor??? Ay ewan…
[yes queen…ngayon din po mismo…]
--- Call Ended ---
Aish … tumingin muna uli ako sa salamin bago umalis at ginawa ang pinapa-ayos ni queen…
Haaay, ang gwapo ko talaga …
Kung nagtatanong kayo kung sino ako, ako lang naman ang pinaka gwapong nilalang sa mundo… Joshua Adamson, 15 years of age, ang bagets ko pa no? at kung itatanong nyo rin kung sino yung queen na sinasabi ko, yun ay si Miss Aeya Sawajiri, well, mas matanda lang ako ng isang taon sa kanya, at ako ang parang Personal Assisstant nya? kung ano man ang tawag dun… =P 4 years old palang sya ng mawalay sa ate nya… at 12 years old naman sya ng mamatay ang daddy nya… kaya naman sya ang umako ng lahat ng tungkulin at gampanin sa amin…ang mga Mafia…
Sya ang itinanghal na queen kung saan ay dapat ate nya ang namamahala, kaso, dahil nga sa wala ang ate nya, ayun, sya na nga yung nagging queen…ang organisasyong mafia namin ay ang Sawajiri’s yun yung family name nila Aeya. Karamihan sa mga tauhan namin ay puro mga kabataan at teen ager… baket kamo? Dahil lahat ng magulang namin ay pinatay…ng nag-iisang anak ng mortal naming kaaway, wala iba kundi ang anak ng…mga Young…
Sa edad naming iyon ay hinasa na kami ng mga natirang nakatatanda upang pumatay, gaya nga ng sabi sa movies, Show No Mercy ganyan kami…minds were cold as ice, hearts were hot as fire…puno kami ng poot at galit dahil sa pagpatay sa magulang namin…lalo na si queen…
Lumaki kaming lahat sa mundo kung saan ayaw ng lahat…sa mundo kung saan puhunan mo ang dugo’t laman mo, sa mundo ng mga Mafia…
Actually, mabait naman talaga si Aeya eh. Sa katunayan ay magbest friend kami, yun nga lang, pag yan nagsimula ng mag English, ay nakow! Warning nay un, pag di ka tumigil at tuluyan syang nainis sayo, di na yan magsasalita, head shot na kagat aabutin mo! Lupet no? katorse anyos palang yan pero hindi ko na mabilang yung mga napatay nyan… Buti nalang ako…GWAPO…pfffft…
Nakarating ako sa isang maliit at hindi masyadong pansinin na eskinita…dead end nga to eh…pero yun ang akala ng iba, sa dulo nito ay may 3 rugby boy ba to? Mga mukha adik -___-
“hoy hoy bata, bawal ka dito…teritoryo na namin ito…” – sabi nung isang adik.
Tinignan ko lang…haaay! Pano a ko makakapasok nito kung nandyan sila!? -___-+ makikita nila ang sikretong kasiyahan..de joke, pffft…secret passage way pala…pffft
BINABASA MO ANG
Teen Age Mafia Queen
Actionyes she's smiling yet inside she's CRYING.... her name is Ayesha Ricaforte.... a sweet and lovable teenage girl who's suffering from pain...agony...and hatred... which totally turns her from a sweet teenage girl into a merciless MAFIA QUEEN ...