Chapter 3: Broken Family

2 0 0
                                    

Mhika POV

"Thank you sa slurpee babe at sa paghatid" I said at binuksan ang pinto ng kotse.

"Babe di yun libre." whaaaaat?

"Hoooy, sabi mo kanina libre mo? Andito oh. Tignan mo sa txt mo kanina" kinuha ko ang cellphone at pinakita sa kanya ang txt niya. Kala niya ha? >.<

"Hahaha. Nakakatawa ka talaga babe. Oh siya pasok kana sa bahay niyo. Pero kiss na muna bago ka aalis." kiss lang pala. Tsssk  Lumapit ako sa kanya at kiniss siya sa pisngi. Hahaha

"Bakit sa pisngi?" Nagtatanong pa to. Arteeee.

"Buti ka nga kiniss pa kita e. Pinagtripan mo kasi ako kaya yan na muna. Babyeee at ingat ka pauwi." Hahaha. bahala siya.

"Grabi ka babe. Hahaha Byeee I love you!!" Sigaw niya at nagsimula ng paandarin ang kotse.

"Alabyoto!!!" Sigaw ko rin. Hahahahaha.

Hay naku buhay. Andaming nangyari ngayong araw na to. 

"Pessssteee ka. Walanghiya ka!!!" Juice colored. Nag-aaway na naman ba sila? Haysst.

"Mas walang hiya kang babae ka! Wag mo nga akong sipain. Hayop!" Ano papasok pa ba ako sa bahay o hindi na? Kahit nakakasawa na sila kailangan ko pa ring harapin to. Papasok ako.

"Bakit mo pinapakialaman ang pera ko? Inubos mo lang sa kakasugal mo. Walanghiya ka!!!" God ganito na ba lagi?

"Pakialam mo nga kung pinapakialaman ko pera mo? Bakit nong nanlalaki ka pinapakialaman ba kita huh? Masahol ka pa sa hayop" Sigaw ni papa kay mama. It hurts me wholly.  Si mama binabato na mga bagay na nahahawakan niya. Di ata nila nakita na andito ako

"Peste ka! Wala kang hiya! Bakit naging asawa pa kita" Panay bato at sipa si mama kay papa. Ayoko nang ganito! AYOKO.

"Ma, Pa tama na! Lagi nalang ba kayong ganyan?!" Sigaw ko sa kanila. Thanks God! Nakuha ko ang atensyon nila.

"Wag kang makialam dito! Isa ka ring walang kwentang anak! Sana mamatay nalang kayong dalawa! Peste!" sabi ni mama na tila parang sinaksak ang puso ko.

"Sana ikaw nalang ang mamatay. Yan napulot mo sa panlalaki mo!" Sigaw ni papa.

"Ma,pa bakit ba kayo ganyan? Ma, ba't ang hilig mo mangaliwa?" paiyak na sabi ko.

"Pa? Ba't ganito? Bakit parang wala ka nang pakialam sa buhay mo, sa atin? Bakit puro nalang kayo away? Di niyo ba iniisip na andito ako naaapektuhan ng sobra sa pinaggagawa niyo?" 8 years. 8 years na silang ganito. 8 years ko nang dinadala ang sama ng loob ko sa kanila.

"Tinatanong mo kami ngayon anak kung bakit ganito ang buhay natin? Kasalanan mo naman lahat e. Maginhawa sana ang buhay natin kung hindi dahil sa katangahan mo dati! Matiwasay sana anak kung hindi mo lang sana siya pinatay!" Pa di ko siya pinatay. Aksidente ang lahat. Wag naman ganito. Wag niyo kong sisihin.

"Hindi ko siya pinatay pa at hindi ko magagawa yun! Aksidente ang lahat . Sana naman sa pagkakataon na 'to ay paniniwalaan niyo ako. Mga magulang ko kayo pero bakit hindi niyo ko pakinggan? Promise. Di ko pinatay bestfriend ko .  Wala akong kaalam-alam . Wala .

"Pinaimbestiga ng pamilya niya ang nangyari at lumabas na ikaw ang pumatay. Bata ka pa lang dati mamamatayng tao kana. Dahil sayo kaya naging ganito ang buhay natin. Dahil sayo kung bakit pinaalis tayo sa lugar natin. Dahil sayo. Kasalanan mo ang lahat." Ganon ba tingin niyo sakin? After 8 years yun pa rin ang pinapaniwalaan niyo? Ma, pa wala akong kasalanan. Tama na po yung ganito. I can't help not to cry.

"Oo na . Kasalanan ko na po! Pinatay ko siya. Mamamatayng tao ako. Ako na may kasalanan kung bakit naging ganito ang buhay natin! Pero sana wag niyo naman akong sisihin kung bakit naging sugalero at pokpok kayo!" Galit kong sinabi. Isinumpa ba ako ? Bakit ako pa?

"Walang hiya kang anak ka!" Sinampal,sinasabunutan at sinisipa ako ng ina ko. Okay lang, hahayaan ko siya. Wala na rin namang saysay ang buhay ko e. Wala na dahil sabay ng pagkamatay niya ay ang pagkamatay rin ng pagkatao ko. Sana kimmy andito ka sa tabi ko.

"Dapat sayo mamatay. Wala kang kwenta! Sa lahat ng pinagsisihan ko ay yung pinanganak kita!" Sige lang ma. Ipamukha mo pa sa akin na napakawalang kwenta ko. Nanunuod lang si papa sa amin. Hindi na ako aasa na aawatin niya si mama. Sino nga ba ako?

"Palayasin mo nalang yan dito dahil baka mapatay mo pa yan!" Sabi ni papa. Wag pa. Okay lang na masaktan ako lagi sa puder niyo basta wag niyo kong palayasin. Mahal ko kayo at ayokong mawalay sa inyo kahit ganito nalang lagi takbo ng buhay ko dito.

"Mabuti pa nga! Sawa na rin naman ako sa pagmumukha mo kaya mas mabuting umalis kana lang dito!" Sinampal at sinipa niya ako.

"Ma, pa ayoko. Dito lang ako, saktan niyo lang ako lagi basta dito lang ako." Pleaseee. 8 years of sacrificing ay nakaya ko. Kakayanin ko pa rin ma, pa kahit habang buhay nang ganito buhay ko. Mahal ko kayo. Mahal ko kayo kahit hindi niyo ko mahal. Ayokong malayo sa inyo.

"Umalis kana dito! Hindi kana namin kailangan!!!" Kinaladkad niya ako palabas ng pinto. Ma naman.

"Maa-- pleaseee wag" Dito lang ako ma. Di ako aalis.

"Kahit magmamakaawa ka pa sakin hindi na magbabago ang isip ko. Wala kaming anak na mamamatayng tao at dapat nga dati na naming ginawa ito sayo!" Sabi niya sabay tulak sakin palabas. Akala ko wala nang mas masakit pa sa pagkawala niya. Meron pa pala, mas masakit pala ang di kana kikilanin bilang anak nila. Ang sakit :(

"Ma,Pa patawad. Patawad kung ganon pala ako sa tingin niyo. Siguro nga kailangan ko nang lumayo sa inyo. Siguro sasaya kayo pag wala na ako" Humahagolhol na sabi ko. Ang sakit ma,pa pero kakayanin ko. Kakayanin ko para sa sarili ko.

Naglalakad ako sa kawalan. Ang hirap pala pag wala kang malalapitan. Ayokong lapitan si Anthon. Tama na ang kabutihan na ginawa niya. Ayoko na siyang lokohin. Ayoko na rin na pagperahan lang siya. Tama na ang panggagamit ko ng lalaki para magkapera lang . Sorry Anthon. Siguro kailangan ko nang lumayo sa inyong lahat. Kalimutan niyo na rin ako. Isipin niyo nalang na hindi ako nag e exist sa mundong ito.

Haisssst. Pesteng luha! Tama na. Sobrang sakit na talaga. Lord kunin mo nalang ako.
Sobrang sakit na po kasi e.

*Beeeeeeeeeeep *beeeeeeeeeeep

"Miss okay ka lang? Magpapakamatay ka ba?" Tinignan ko ang paligid ko . Halaa nasa gitna na pala ako ng daan.

"Sorry po." sabi ko at pumunta na sa gilid ng daan. Pagabi na pala. Sasakay nalang ako ng bus. Bahala na kung saan ako dadalhin ng mga paa ko.

SHATTERED HEARTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon