Chapter 5: Everything Is New

2 0 0
                                    

Anthon POV

Ilang araw ko nang hindi makontak si Mhika. Di na rin siya pumapasok. I'm missing her. Sa t'wing pumupunta ako sa kanila walang tao. Where is she?

Mhik, Babe magparamdam ka naman. Nababaliw na ako kakahanap sayo. Kamusta kana kaya?

Mhika POV

Thanks God! Nakahanap na rin ako ng pagtatrabahoan.

"Mhika wala ka bang dala na bag o mga damit man lang? What happened?" Tanong niya sakin. Huh?

"Wala po akong dala na gamit ko. Pinalayas po kasi ako sa amin at wala po akong mapuntahan kaya nagbabasakali nalang ako dito sa Manila na makahanap ng trabaho para na rin po makapagsimula ako ng bagong buhay. Tsaka ano po yung sinabi niyong 'What happened?" Seriously, naguguluhan ako dun sa tanong niya.

"I mean napano ka? I guess di mo nakita itsura mo iha?" huh? Kung itsura ko, yes. Simula nong umalis ako di ko nasilayan mukha ko sa salamin.

"Here" inabot niya sakin ang salamin and I was like O.o Naiiyak ako

"Pasa. Haha Gawa po to ng mama ko bago niya ako pinalayas. Kaya pala yung naglalakad ako madaming tumitingin sakin. Dahil pala dito" hawak ko sa mukha ko. AYOKOng lumuha pero di ko mapigilan.

"Sssh. Tahan na. Dito kana lang manirahan sa amin. Kailangan ko rin kasi ng kasambahay para may maglilinis at maiiwan dito sa bahay. Nasa paaralan kasi ako lagi, yung asawa ko nasa barko at yung anak ko nag-aaral. Tulungan mo nalang ako sa gawain dito sa bahay kapalit ng paninirahan mo dito" Sabi ni Ma'am. Ang bait niya.

"Thank you ho. Maraming salamat talaga." pagpapasalamat ko sa kanya. Sa wakas makapagsimula na rin ako.

"Tawagin mo nalang akong Ma'am Chez at yung anak ko naman si Ellie". Mabait rin kaya anak niya ?

"Okay po Ma'am Chez".

"Kumain kana ba?" Tanong niya. Nakakahiya sabihing OO pero nahihiya na rin ako sa mga bulati kong kaninang gabi pa di nakakakain.

"Ah, ano po" naiilang na sabi ko.

"Halika dito. Kumain ka, alam kong gutom ka." kahiya naman. Obvious ba sa akin?

"Sige po. Thank you ho talaga." Sabi ko sabay punta sa kusina nila. Mayaman naman sila pero yung bahay nila simple lang. Two-storey house pero simple lang sa loob.

"Myyyyyyyy" sigaw galing sa labas. Siguro anak ni Ma'am Chez .

"Sweety andito ako sa kusina." Sabi ni Ma'am Chez sa anak.

"My pahinging per---- Teka sino siya?" Tanong niya sabay turo sakin. Kahiya. Maybe kaedad ko lang anak niya.

"Kasambahay natin siya sweety. Mhika anak ko pala si Ellie." uhh. Kahiya

"Hello Ellie." I said with a smile.

"Sure ka my na kasambahay natin siya? Kaedad ko lang ata siya e?" takang tanong ni Ellie sa mama niya. Sa bagay tama siya . Kahit rin naman ata ako.

"Oo sweety kasambahay natin siya. Wag kana ngang madaming tanong. Teka bakit nakaayos ka? Gagala kana naman?" Ang awkward ng atmosphere. Bahala na sila mag-usap basta kain lang ako ng kain.

"Ay my. Gagala nga kami ng mga barkada ko. Punta kaming mall, may bago kasing labas ng lipstick ang matte. Pahinging penny." iba talaga pag mayaman. Ako dati nong humihingi ako ng pera kila mama di ako binibigyan. Sinermonan lang ako.

"Hay naku ellie. Lagi ka nalang nagwawaldas ng pera. Magkano ba kailangan mo?" tanong ni Ma'am Chez za anak niya.

"Two-thousand lang ma kasya na yun." Whaaaat? Two-thousand para sa lipstick lang? Haneep. Without no hesitation kumuha agad ng pera si Ma'am at binigay ni Ellie.

"Oh ito oh. Wag magpagabi ha" Ang swerte ni Ellie. Mabuti pa siya </3

"Yeyy! Thank you My, I love you!" Ellie said at niyakap ang ina niya. I love you. Arggh naaalala ko yung lalaking yun. Hinanap niya kaya ako? Siguro. Patay yun sakin eh.

"Byeeee my! Byeee girl!" Sabi niya at kumaripas na ng takbo.

"Tsk. Tsk. Sobrang spoiled samin yung si Ellie. Only child lang kasi." ako rin ho dati. Spoiled ako. Ganon rin ako pero ngayon biglang bumaliktad ang mundo.

"Ahh ganon po ba Ma'am." Tanging sagot ko.

"Nag-aaral ka ba Mhik?"-Ma'am Cheska

"Opo Ma'am. Grade 10 na ho ako" diretsong sagot ko.

"Paano yan hihinto kana ba muna sa pag-aaral?" Siguro.

"Siguro po. Di na muna ako mag-aaral. Saka na siguro kung kaya ko ng buhayin mag-isa sarili ko at may pera na ako. Sa ngayon trabaho na muna aatupagin ko. " malungkot na sabi ko sa kanya.

"Pwede naman kitang papaaralin. Yun nga lang sa susunod na taon pa kasi nasa 3rd Quarter na ngayon. Para sabay na rin kayo mag Grade 10 ni Ellie next year." Ang bait niya. Swerte ni Ellie sa kanya. 

"Wag na po kayo mag-abala. Malaki na po yung naitulong niyo sakin." sabi ko naman sa kanya.

"Ano ka ba. Okay lang iha tsaka parang bayad na rin yun bilang kasambahay" Lord thank you talaga at nasa mabuting kamay ako.

"Sige po. Maraming salamat talaga Ma'am." Niyakap ko siya sa sobrang saya ko.

"Ay teka iha diba wala kang damit?" tumango ako bilang sagot.

"Bili kana muna sa divisoria ng masusuot mo. Mura lang mga damit dun. Gusto sana kitang pahiramin nalang ng damit ni Ellie pero baka magalit yun. Medyo maarte kasi yung anak ko." Maarte raw.  Hahaha Grabi si Ma'am .

"Ito pera oh . Nasa unahan lang yung divisoria. Sakay ka nalang ng tricycle. Di na muna kita masasamahan dahil gagawa pa ako ng lesson plan ko." Ang laki naman ng pera na to.

"Sige po. Maraming salamat Ma'am ."  Di ko na sana tatanggapin ang pera pero wala naman akong damit. Hayaan niyo po, babayarin ko lahat balang araw ang nagastos niyo sakin

"Sige alis kana iha baka magabihan ka pa ng uwi."

"Sige po. Maraming salamat ho talaga".
Lumabas na ako sa bahay nila at naglakad papunta sa labas ng subdivision. Sakto, may tricycle na paparating.

"Kuya sa divisoria po". Sabi ko sa kuyang driver.

"Sakay ineng". Sabi ni kuyang driver. Buti nalang talaga ginamot ni maam pasa ko kanina at nilagyan ng cream para hindi makita ng iba. Baka sabihin nila basagulera ako eh.

"Bago ka lang ba dito ineng? Ngayon lang kasi kita nakita dito."Tanong niya sakin.

"Ahh opo . Bago lang ako dito.  Nag apply akong kasambahay dun sa subdivision kila Ma'am Chez". Sagot ko sa tanong niya.

"Ahh kila Ma'am. Ineng andito na tayo" Mukhang andito na ako sa divisoria.

"Magkano po kuya yung pamasahe?" Tanong ko

"Sampung peso lang ineng". kumuha ako ng sampung peso at binigay sa kanya.

"Ito po bayad. Salamat" Pagkatapos ko iabot ang bayad ay agad akong naglakad papunta sa mga pamilihan.

Lakad. Bili. Lakad. Bili.

Ang mura lang ng mga bilihin. Ang dami ko ng nabili. Gala na nga muna ako dito.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 25, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

SHATTERED HEARTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon