002

290 17 0
                                    

PEACH.

Pagpasok sa room ay agad akong nagbabawi. Andito nanaman kasi si Suga. May headband ulit sa buhok niya. Hindi siya hot, mukha siyang adik sa kanto.

Napatayo siya nang makita ako.

"Babe !" Halos masuka ako nang marinig ang tawag niya saakin.

Sikat siya at alam kong pinagtitinginan na kami ng mga kaklase ko kaya hindi ko siya pinansin. Mahirap na't baka awayin ulit ako ng mga fangirls kuno niya. Ayaw ko ng away kaya iiwasan ko to hangga't sa makakaya ko. Eh ? Anudaw ?

Pero sobrang malas yata ako dahil yung away naman ang lumalapit sakin. Shit lang. Bakit kasi ako pa napagdiskitahan ng adik na to !

"Babe, hindi mo ba ako papansinin ?" Narinig ko ulit ang boses niya pero still, di ko siya pinansin. Manigas siya dyan.

Umupo ako sa upuan ako at diretso na tumingin sa harap pero bwisit talaga si Suga eh. Iharap ba naman yung mukha niya sa mismong harap ko ?! Naduling tuloy ako. Buti sana kung ganun siya kagwapuhan. Eh hindi naman.

"Ano ba ? Umalis ka nga dyan ! Galit nanaman mga fangirls mo." Saway ko sakaniya sabay palis ng mukha niya paalis sa harapan ko.

"Pake ba kasi nila ?" Chill na sagot niya pabalik.

"Umalis ka na nga lang." Sabay taboy ulit sakanya.

"Be my girlfriend muna. Please ?" Nag-puppy eyes siya sakin. Yuck.

Can someone stop him ? Hindi niya bagay !

"Urgh. I can't be your girlfriend ! Ayaw ko pang mamatay, okay ?" Tumayo na ako dahil kahit anong tulak ko sakaniya ay hindi siya umaalis.

Lumabas ako sa room at tinahak ang daan patungo sa may field. Pero matigas talaga ang bungo ni Suga eh. Sinusundan ako, bwiset.

Mas binilisan ko ang lakad ko at nakarating na nga kami sa field. Konti palang ang estudyante dito kaya paniguradong walang makakarinig samin sakaling magsigawan kami dito.

"Ya ! Bakit ba ayaw mo ?" Hinihingal siya. Tsk. Buti nga sakanya.

"Bakit ba ? Ano bang pake mo ? What's the deal ?" Sabat ko pabalik sakanya.

"I need to get Leigh back, okay ?! I love her so damn much." Bulong yung huli pero rinig ko pa rin.

Marunong pala siyang magmahal, ano? May lalaki pa palang gaya niya. Ang swerte naman nung babae. Mahal siya ni Su– hep ! Wag kang papadala sa mga salita niya, Peach. Sinasabi lang niya yan para pumayag ka sa gusto niya.

Umirap ako at tinalikuran siya.

"Problema mo na yan. Idadamay mo pa ako sa mga laro mo ? Gago." Tsaka ako humakbang palayo sakanya.

Hindi ako palamura at ayaw na ayaw ko ang nagmumura pero bwisit talaga tong si Suga eh. Panggulo ng life. Buti kung siya si ano, aish ! Siya nanaman, Peach ! Tigil na, okay ?

Ganito kasi yon, yung nangyari kung bakit ako ginugulo ng gunggong na to. Flashback muna tayo ha ?

Pabalik na ako galing sa CR nang may marinig na sigawan sa janitor's room. Hala ! My virgin ears !

Jusko. Masyado na ba silang natigang at dito na nila ginagawa tong maling bagay na to ? Teka nga Peach, diba sigawan narinig mo at hindi ungol ? Kahit kailan talaga.

Oo, kinakausap ko sarili ko.

Lumapit ako sa may pinto at dinikit ang tenga don. Hindi naman masama tong ginagawa ko eh. Nac-curious lang talaga ako. Eh who wouldn't ? Nasa kalagitnaan ng klase tong buong school, tapos nandito sila at nagsisigawan.

"Sawa na ako, Suga. Itigil na natin to." Babae yon.

Wait, Suga ? Ang number one bad boy dito sa buong campus ? May girlfriend pala siya ? Hindi ko alam yon ah. Eh pano ba naman kasi Peach, mailap ka sa lahat ng taong pumapansin sayo dito sa school.

Bakit ba ? Pinoprotektahan ko lang sarili ko sa mga toxic human beings na mga yan. Mahirap na't baka mangyari ulit yon. Ayaw ko na ano.

"Give me one last chance please, Leigh. I'll do anything not to hurt you." Sincere ang boses na yon. Si Suga na yon panigurado. Eh dalawa lang naman kasi sila at hindi tatlo. Ano yun, threesome na break-up ? Ang mali naman ata non.

"Suga, sorry. But I really have to go." Malamig pa rin ang boses ng babae. Seriously ?

Napalayo ako sa pinto nang bumukas ito. Nakita ako nung babae pero agad din akong nilampasan nito at tumakbo na hanggang sa mawala siya sa paningin ko.

Humarap ako at nakitang nakaluhod si Suga habang nakayuko. Don't tell me, lumuhod siya sa harap nung babaeng yon ? May ganito pala siyang side ? Ang sweet. Pero nakakaawa siyang tignan.

Dapat kasi, hindi ganyan. Kung ayaw na, hayaan nalang. Kesa naman magmukha kang tanga kakaluhod sa harap niya. Oh, nag-rhyme yun ah !

"Okay ka lang ?" Tanong ko at humakbang ng kaonti.

Hindi siya sumagot kundi inangat niya ang tingin niya at tinignan ako sa mata. Hala. Ang sungit ng tingin niya ! Nakakatakot.

"Ikaw. Nakinig ka ba sa usapan namin ?" Pati ang boses ay malamig. Ibang iba doon sa boses kanina.

"Ah... Hindi naman. Napadaan kasi ako kaya hindi ko na naiwasan. Pero promise ! Hindi ko ipagkakalat yon ! Peksman, ayaw ko pang mamatay !" Tinaas ko pa ang palad ko ha.

Narinig ko ang tawa niya. Tumayo siya mula sa pagkakaluhod at nilapitan ako.

Ako naman ay paatras ng paatras hanggang sa naisandal na ako sa pader. Uh-oh. Ang awkward ng posisyon namin.

"May kasalanan ka saakin kung ganon." Nakangising sabi niya na ikinataas ng balahibo ko.

"H-Hindi ko naman sinasadya ! Tsaka hindi ko naman ipagkakalat eh !" Nagtagumpay ako sa hindi pagkakautal.

"Kahit na. Kailangan mo pa ring pagbayaran yon. You need to act as my fake girlfriend para pagselosin ang ex ko, okay ? You'll do what I say."

At yon nga. Siyempre hindi ako um-oo ! Kaya nga niya ako hinahabol ngayon diba ?

Ewan ko ba dito. Pwede namang ibang babae nalang eh bakit ako pa. Crush na siguro ako neto. Dejoke lang po.

Basta ayaw ko ! Not now, not ever ! Nah-ah !

peach | 민윤기Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon