022

135 10 1
                                    

PEACH.

Ilang araw na rin ang lumipas at ganon pa rin naman ang tunguhan namin ni Suga.

Asar lang siya ng asar dahil daw ang babaw ng luha ko. Eh pake ba niya !? Siya rin naman yung rason kung bakit eh. Tsk.

Palabas na ako ng bahay para makapara na ng masasakyan patungong school nang mahagip ang sasakyan ni Suga sa harap ng gate.

Yiii ! Susunduin niya ba ako ?

Sino ba dapat, Peach ? Tsk.  Anubayan, kinikilig ako !

"Hoy ! Tatayo ka nalang ba diyan ?" Tanong niya nang hindi ko namalayang nakalabas na pala siya dahil sa pagiisip ng kilig ko.

Imbes na ngumiti ay nginusuan ko siya. "May naalala lang !" Pagsisinungaling ko saka naglakad na patungo sakanya.

His gummy smile showed when I stopped infront of him.

Habang ako ay nanatili lang na nakanguso dahil sa pagpigil ng ngiti. Takting yan. ●ω●

"Goodmorning ! Nasurprise ka ba ?" Nakangiti pang tanong niya.

"Ulul. Asa ka. Tara na nga !" Pagsisinungaling ko atsaka inunahan na siya sa pagpasok sa loob ng sasakyan niya.

"Ya ! Ang aga aga, minumura mo na ako." Siya naman na ngayon ang nakanguso.

Ngumisi ako nang may maisip.

"Kesa naman sa lagi kitang  minamahal, di ba ?" Mayabang na tanong ko at bahagyang natawa nang wala siyang maisagot.

I saw him gulp in my peripheral vision that made my smirk wider.

Hanggang pagdating sa school ay wala siyang naging imik. Hm, bakit kaya ? HAHAHA.

"Kanina ka pa tahimik ah ?" tanong ko habang naglalakad kami patungo sa classroom namin.

Kumunot ang noo niya habang nakanguso.
Cute.

"Tsk. Kung babanat ka, siguraduhin mong nakakakilig !" Inis na sagot niya kaya natawa na talaga ako.

Ang bakla niya. Kilig ? Alam niya pala yon ? HAHAHA.

"So hindi ka pa kinikilig nyan ?" Asar ko pa.

"Hah ! Ikaw ang asa ngayon, Peach !" Matigas na tanggi niya.

Sinungaling nga siya. Hays, Suga.

"Okay. Dito na ako. Babye." Kunwaring nagtatampong sabi ko saka akmang papasok na nang maramdaman ang malaki niyang kamay sa pulso ko. "Hm ?" Tanong ko paglingon sakanya.

"Galit ka ?" Seryosong tanong niya.

Habang ako naman ay pinipigilan ang sariling matawa.

"Nope. Sige na, punta ka na sa inyo." Taboy ko at mabilis nang pumasok sa loob ng classroom.

Nginitian ko si Jungkook nang magtama ang tingin naming dalawa saka umupo na sa tabi niya.

"Bat nakasimangot yon ?" Tanong niya pagupo ko.

I shrugged. "Malay ko don." Sagot ko tsaka ngumisi, inaalala yung mukha ni Suga kanina.

Hay, yung gagong yon talaga. Hindi raw kinikilig eh halata namang kinikilig ! Tsk tsk tsk.

"Miss Peach ! You're sleeping again !" Napabalikwas ako nang marinig ang pangalan ko.

"I am not, Sir." Sagot ko kahit ang totoo ay oo.

Ang boring naman kasi ng klase niya hindi ko maiwasang hindi matulog.

"Kung ganon, pakiulit ang sinabi ko." Striktong sabi niya.

"Kung ganon, Sir." Pamimilosopo ko dahil ayaw ko ang ginigising lalo na kapag gutom. At oo, gutom ako. Isa sa mga rason kung bakit ako nakatulog.

Rinig ko ang pigil na tawa ng ilan sa mga kaklase ko.

"Sit down ! Your partner for tomorrow's activity is Jungkook !" Si Sir pagkatapos bumuntong hininga.

Umirap ako bago umupo. Narinig kong humalakhak si Jungkook kaya nilingon ko siya at tinaasan ng kilay.

I'm not in the mood.

"You alright ?" Tanong niya na inilingan ko.

"I'm sleepy and hungry and angry, do you think I'm alright ?" Bagot na tanong ko saka nilingon ang wall clock.

Shet, isang oras pa bago magbreak.

"May isang oras pa. Hm, cutting ?" Nakangisi niyang request pero nginiwian ko siya.

"I don't do that." Sagot ko at lumingon na sa harap.

"Hm, kahit para sa pagkain ?" He said with a tempting tone.

Wag bumigay, Peach ! Waag ! Food can wait !

Imbes na sumagot ay umiling nalang ako ng sapilitan.

"Okay. But are you sure ?" Nangaasar pa ring tanong niya.

"Yes ! Food can wait !" Sagot kong medyo inis na.

He shrugged. "Okay then."

Nang magbreak na ay nagmamadali akong lumabas ng room at dumiretso sa canteen.

Gutom na ako talaga. Hindi ako kumain ng umagahan eh.

Shet ! Nakalimutan ko si Suga ! Tsk. Hayaan na muna siya. Food first before him hehe syempre joke. Pero gutom na talaga ako kaya uunahin ko muna pagkain hihi.

Pumila na ako at umorder na ng pagkain. Pagtalikod ko para sana maghanap ng upuan ay nagtama ang tingin namin ni Suga. Masama ang tingin nito sakin kaya naman bumilis ang tibok ng puso ko.

Ayan, Peach !

Naglakad na ako palapit sakanya kahit kinakabahan ako.

"Hehe kumain ka na ? Pagkain oh, hati tayo." Pagaalay ko ng pagkain kahit labag sa kalooban ko.

Tinapunan niya lang yon ng tingin bago tumingin sakin at nagsalita. "Bakit hindi mo ako hinintay ?"

"Gutom na kasi ako atsaka hindi rin ako kumain ng umagahan." Sagot ko sa tanong niya kahit alam kong magagalit siya.

"Bakit ka hindi kumain ng umagahan ?" Tanong niya ulit.

Ang dami namang tanong neto ! Gutom na ako !

"Excited akong makita ka eh." Nahihiya man ay sagot ko tsaka ngumuso.

Hindi siya sumagot at tinignan lang ako. Hindi nagtagal ay ngumiti na siya at ginulo pa ang buhok ko.

Abno -.-

"Tara. Gutom ka pa ba ? Libre kita !" Nakangiting sabi niya at umakbay na sakin.

Ang puta kinikilig. Tsk tsk tsk.

"Tama na to sakin." Sagot ko at umupo na sa bakanteng upuan, sumunod naman siya.

"Noooo ! I'll buy anything you want ! Tsaka kasalanan ko rin naman kasi kung bakit gutom ka." Ngingiti ngiti pa ring sabi niya.

Tinaasan ko siya ng kilay, nangaasar.

"Mamayang hapon nalang. Libre moko sa favorite restaurant mo tapos dapat puno yung table natin ng pagkain. Tapos bukas, gusto ko ng isang apple na half red, half green ang kulay." Sabi ko tsaka nagsimula nang kumain.

"Ha ? Okay, okay." Nalilitong sabi niya. Huh, paniguradong dahil yon sa mansanas.

Grabe ba ? Di naman. Si Suga yan, matalino yan ! Hehe

Nagpaalam na kami sa isa't isa pagkaring ng bell.

Excited ulit akong matapos lahat ng klase ko kasi makakasama ko nanaman siya mamaya. With foods pa ! Pero mas excited ako para bukas dahil sa mansanas niya ! Hihi

———

Happy Valentine's day! ❤

peach | 민윤기Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon