030

153 9 6
                                    

PEACH.

"Iniiwasan mo ba ako ?" Tanong niya habang nandito kami sa hallway ng school kung san walang masyadong tao.

Napapikit ako dahil napagtanto kong hindi ko siya naiwasan. I failed.

Sinubukan kong tignan siya pero hindi talaga ako makatingin sa mga mata niya ! "H-Ha ? Iniiwasan kita ?" Hilaw akong tumawa. "Hindi noh ! B-Bakit naman sana ?" Ngumiti ako ng peke pero nanatiling seryoso ang mukha niya.

Nilingon ko ang paligid at nakitang hindi pa naman kami napapansin dito.

"Liar." Madiing usal niya dahilan para mapalunok ako. "Iniiwasan mo ako, Peach. Ni hindi ka makatingin ng diretso saakin. Bakit ?" Tanong niya.

I swallowed hard. Ito lang ang naiisip kong paraan para tigilan niya na ako. "Kasi I don't feel the same way you do. Iba ang gusto ko at hindi ikaw yon." Prangkang sagot ko.

I looked for his reactions pero nanatili pa ring seryoso.

Alanganing binitawan niya ang magkabilaang pulso kong kanina niya pa hawak at yumuko. "I know. Hindi mo na kailangang ipamuka sakin yun." Malamig na sabi niya saka tumalikod at naglakad palayo.

Nakahinga ako ng maluwag dahil don pero hindi ko maiwasang masaktan para kay Jungkook. Hindi ko ginustong sabihin yon pero I just had to para hindi na siya maguluhan !

Bwisit na konsensya to !

Nang dismissal na ay agad akong lumabas ng classroom at dumiretso sa parking lot para puntahan si Suga na naghihintay kanina pa.

"Ang late niyong dinismiss. Nilalamok na ako dito kanina pa." Agad na reklamo niya.

"E di hindi ka nalang sana naghintay !" Natatawang sagot ko pabalik.

"Yoko nga. Gusto ko pang makasama ka noh. Miss na kaya kita." Bulong yung huli pero narinig ko pa rin dahilan para kiligin ako ng todo.

"Gago ka ba ? Gusto mo ba akong makaihi dito ?" Natatawa pero kinikilig na sumbat ko. "Wag kang babanat bigla !"

"Di ako bumabanat. Totoo yon !" Seryosong sabi niya kaya lalo akong kinilig.

Binuksan niya na ang pinto ng kotse niya at pinasakay na ako saka umikot para pumasok na rin.

"Oh. Mommy invited you for dinner." Sabat niya sa kalagitnaan ng byahe.

"Ha ?! Teka, di ako ready ! Ang haggard ko, wait !" Nagpapanic na sabi ko at nagayos na nga.

"Kahit wag na. Maganda ka pa rin naman." Banat nanaman niya habang diretsong nakatingin sa daan. Kinurot ko siya dahilan para mapa aray siya.

"Sabing wag bigla biglang bumabanat eh !" Sigaw ko habang namumula.

"Baliw ka talaga eh noh ? Hindi nga ako bumabanat ! Totoo lahat ng sinasabi ko !" Sagot niya dahilan para mapanguso ako.

"Oo na, gago." Sagot ko nalang pabalik at nagpatuloy na sa pag aayos.

Ilang minuto pa ay natapos na ako sa pag aayos at di nagtagal ay nakarating na kami sakanila. Binuksan ko ang pinto ng kotse at bumaba na.

Nagsalamin pa ako saglit sa salamin para makita kung mukha ba akong presentable. Nang makuntento sa itsura ko ay tumabi na ako sakanya at sabay na kaming pumasok.

Mga katulong ang sumalubong saamin. Binati ko pabalik ang mga binati ako.

Sa salas nila kami nagtungo at doon naghintay para sa mga magulang niya. Nanonood kami nang bigla siyang magsalita.

"Nakita kitang kausap si Jungkook kanina. Anong pinagusapan niyo ?" Tanong niyang ikinagulat ko.

Bumilis ang tibok ng puso ko. Sasabihin ko kaya sakanya ?

Sasagot na sana ako nang marinig ang boses ni Tita.

"Son ! You're here !" Saka niya hinalikan si Suga sa pisngi nang makalapit siya. Bumaling naman siya saakin at lalong lumuwang ang ngiti niya. "Buti at dumalo ka sa imbitasyon ko, ija." Nagulat nalang ako nang halikan niya rin ang magkabilaang pisngi ko.

Kinakabahang ngumiti ako nang matapos at binati rin ang tatay niya. "Nandito na rin naman kayo kaya kumain na tayo." Sabi niya. "Suga, darating ang mga tito't tita mo. Nandito na sila maya maya."

"Yes, Dad." Sagot naman ni Suga.

Hala ????? Akala ko ba kami kami lang ?? Jusko ! Meet the whole family na ba itu ??? Tapos kasal na susunod ??

Chos. Epal ko talaga. Tsk !

Sumunod ako sakanila sa kusina at umupo sa tabi ni Suga. Maya maya nga ay nagsidatingan ang mga tito't tita niya at pati na rin mga pinsan niya.

Nagpakilala sila isa isa at pinakilala ko rin ang sarili ko sakanilang lahat.

Nakangiti lang ako buong magdamag dahil sobra ang saya na nararamdaman ko sa dibdib ko ngayong nakikita ko silang masaya na magkasama.

Pano kaya kung nandito rin ang papa at mama ? Are we going to be like this too ? Siguro. Hindi ko alam.

Nasa gitna kami ng paguusap ni Sana, pinsan ni Suga nang sumingit ito at hinila ako palayo doon.

"Dito muna tayo sa garden. Gusto kitang masolo." Sabi niya paglabas namin ng bahay nila at umupo sa bench don. "Anong pinagusapan niyo ni Jungkook ?"

Lumunok ako. "Wala. He confessed weeks ago. At tinanong niya kung bakit iniiwasan ko siya and I said that I don't like him para di na rin siya maguluhan." Kapos hiningang sagot ko.

Naghintay ako ng ilang minuto bago siya sumagot. "Sino nga bang gusto mo ?"

Aba. Gago ba to ???? Ginagago ba ako neto ??? Hindi bat nasabi ko namang...???? Siraulo talaga to.

Hinampas ko siya sa braso. "Di ko ba nsabing ikaw ? Ha ?" Inis na sabi ko at hinampas ulit siya.

Tumawa siya. "Naninigurado lang !" Sabi niya.

"Tss. Ikaw nga, hindi ako sigurado sa kung ano nga ba talaga ako sayo !" Huli na nang marealize ko ang nasabi ko.

Hindi siya umimik. Naghintay ako, pero walang lumabas sa bunganga niya dahilan para mabiyak ang puso ko.

Gago talaga !!!!

———

It's been a long time!! The long wait is over for those who are waiting. 💓 sorry. Stream Dance The Night Away, co-Onces!!

peach | 민윤기Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon