014

124 11 2
                                    

PEACH.

Break at nasa CR ako nang matanggap ang friend request na yon. Syempre, mabilis kong in-accept yon.

In-open ko ang profile niya at nakita na ang mga pictures na pinagp-post niya.

Hindi ako stalker, okay ? Na-curious lang.

Halos mabitawan ko ang phone ko nang bumukas ang pinto dito sa CR. Nasa sink kasi ako at nakaharap sa salamin.

Bumigat ang dibdib ko dahil sa inis nang makita si Kei. I can tell you that she's my number one rival here in school. At dahil mas maganda at matalino nga ako sakanya, hindi niya ako matalo. I may be a loner pero buti nalang talaga at hindi bobo ang mga estudyante dito sa school, alam kasi nila kung paano pumanig sa tama.

Nagtama ang mata namin sa salamin.

And as usual, kasama niya ang dalawang alipores niya.

"Look who's here. Hi, Peach !" Bati niya sakin pero hindi ako sumagot.

Pinagpatuloy ko lang ang pagaayos nang hindi siya pinapansin. Manigas siya dyan. Akala niya, huh ?

"Oh ! You like the transferee, huh ? Aw, look girls, she's stalking him. Stalker na si Peach ngayon ! This is an issue ! I bet you're the one who sent a friend request !" Nasisiyahang parang tanga na bulalas niya.

Ansakit sa tenga ng boses niya. Bwiset !

"Huh. Stalk ? Wala sa bokabolaryo ko yon. And I'm not the one who sends friend requests, Kei. I'm the one who accepts." Nakangisi kong sagot pabalik. "Issue ? Yeah. Sige, ipagkalat mo. Mas gusto ko yon. Sisikat pa ako."

I didn't mean what I said in the last part. I hate attention, really. I just said that to trigger her.

At mukha namang gumana.

Ten claps and sabog confetti for me ! Yuck. Ang conyo.

Yan napala niya. She pushed the asshole button of me, again !

Lalabas na sana ako pero pinigilan niya ako.

"Stay away from him, Peach. I like him. He's mine." Matigas na utas niya.

I smirked. "Beg, then."

Lumuwang ang hawak niya sakin kaya tuluyan na akong lumabas ng CR.

Hays ! Ang drama non ha.

Nang uwian ay nagulat ako dahil nasa bungad ng pinto ng classroom namin si Suga.

Hindi ko pinahalatang nagulat ako kundi ang ginawa ko ay lampasan siya.

Pero bago ako makaalis ng tuluyan ay hinila niya ako palayo doon.

Ano nanaman ba to ?!

Tumigil kami sa tapat ng lumang building kung saan kami nagkita nung isang araw.

Hindi na ako umangal pa kaninang hinihila niya ako papunta dito dahil naalala kong balak ko rin palang kausapin siya.

I want this to end, now.

"Suga, ayaw ko na." Malamig na sabi ko.

Hindi ko siya tinignan o binigyan man ng sulyap.

Ang ewan namin. Parang ang dami naman na naming pinagsamahan dahil sa inaasta namin ngayon !

Ang drama pero ayaw ko na talaga. Ang bilis pero ayaw ko na talaga. Kunwari lang to pero ayoko na talaga. Eh ?

"I'm sorry." Yun lang ang tanging nasabi niya. "Hindi ko sinasadya. Alam kong nasaktan kita, pero hindi mo ba naisip na nasaktan mo rin ako ?" Matamlay na sabi pa niya.

peach | 민윤기Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon