018

122 10 0
                                    

PEACH.

I'm staring outside the window of Suga's car, calming my nerves. Oh pak ! English ! Pero bes, kinakabahan ako ! Birthday ng tatay ni Suga at sinabi niyang invited ako ! Shetness !

Sa bahay nila yun gaganapin at balita ko ay maraming bisita ! Bwisit naman kasi tong si Suga eh ! Hilain ba naman ako pagkatapos ng last class ko ? Hindi ako ready !

"Hoy, bat ang tahimik mo ?" Tanong niya habang nagmamaneho at kahit hindi ako nakatingin sakanya, alam kong natatawa siya. Tsk !

"Bat ang gago mo ?" Singhal ko.

Natawa siya dahil don kaya napatingin ako sakanya ng masama.

Bakit ba ganito to ? Tuwang tuwa kapag naiinis ako tapos kapag siya ang nainis, kulang nalang bugahan niya ako ng apoy. Gago lang !

"You know what, Peach, malayo pa tayo kaya baka gusto mo na munang ayusin sarili mo ? Yang itsura mo ?" Ewan ko ba pero parang nangiinsulto siya eh !

Pero agad akong natauhan at ginawa na nga ang gaya ng sabi niya. We're still wearing our uniform kaya medyo confident ako sa suot ko. Sinuklay ko ang blonde kong buhok atsaka nagpolbos saka konting liptint. Kinuha ko ang pabango ko at inispray na yon sa katawan ko.

"Pati ba naman pabango mo, amoy peach ? Adik." Sabi niya pero hindi ko pinansin ang sinabi niya.

"Maganda na ba ako ?" I asked out of the blue.

He smirked sexily before answering. "You always are, Peach. I don't know why you always have to put those things on your face when you're already beautiful. I just don't understand you girls."

Natahimik ako sa sagot niya. Ramdam kong namula ako kaya umiwas ako ng tingin.

Hinihintay kong sabihin niyang joke lang yun pero lumipas na ang ilang minuto ay wala siyang sinasabi. Shetness ikennat !

"Natahimik ka yata ?" Halata ang pangaasar sa boses niya.

Ngumuso ako para pigilan ang pagngiti ko. "Hindi ah. Asa ka." Sagot ko at tumingin na ulit sa labas ng bintana.

"Totoo yon, Peach." Sabi niya pa na nagpamula saakin lalo.

Tanginang yan !

"Oo na ! Okay ?" Sabi ko para matapos na tong usapan namin. Baka kasi mamaya mahahampas ko na siya. 

Tumawa lang siya at hindi na sumagot pa. Napapikit ako para pigilan ang namumuong ewan sa pinakadulo ng tyan ko. Urgh !

Ilang minuto pa ay huminto na kami sa harap ng matangkad na gate. And right at the moment, alam kong nakarating na kami sakanila.

"Kinakabahan ako." Hindi ko na napigilan ang sarili kong sabihin ang totoo.

Nakaramdam ako ng mainit na kamay sa siko ko kaya napatingin naman ako kay Suga. He's smiling at me with his assuring smile.

"C'mon. It's not like you haven't met them." Sabi niya.

"Oo pero iba to eh ! Andito buong pamilya niyo panigurado. Pero sabagay, hindi naman talaga tayo." Nagtaka ako kung bakit nawala ang ngiti ni Suga pagkatapos kong sabihin yon pero binalewala ko nalang. Ganon naman kasi siya palagi.

Ngumiti siya ng pilit saka inalis na ang seatbelt niya. Nang makitang gawin niya yon ay agad akong gumaya. Bumaba na siya ng sasakyan habang ako naman ay ilang beses pang huminga ng malalim.

He opened the car door for me. I looked at him worriedly but he gave me his assuring smile again.

Ngumuso muna ako bagp bumaba ng sasakyan. Sinara niya ang pinto saka ko naramdaman ang kamay niya sa palapulsuhan ko.

탕이나 ! Kinakabahan ako ! I can feel my heart getting out of my chest ! Ay wala pala ako non este kayo pala.

Mas lalong lumakas ang tibok ng puso ko nang pinagbuksan na kami ng pinto. Dahil sa kaba ay hindi ko na napansin kung gaano ba kaganda ang bahay nila kundi ay napansin ko ang maraming bisita.

Wait, hindi naman marami. Sakto lang para sa isang handaan ≧▽≦y

Hinila ako ni Suga kung saan na tumambad naman saakin ang mga magulang niya. Yumuko ako nang malapitan sila.

"Happy Birthday po, Tito. Pasensya na po't wala akong regalo." Nahihiyang sabi ko.

"Nako, ija ! Sapat na iyong dumating ka. Halina't kumain na kayo. Baka gutom na kayo." Yaya nito saamin na agad naming sinunod.

Laying in the long table was different kind of recipes. Ewan ko ba pero feeling ko naghugis puso ang mga mata ko dahil sa nakikita ko. Beh ang daming pagkain !

Inabot ni Suga saakin ang isang plato na agad ko namang kinuha. Natawa pa siya saglit sa reaksyon ko pero nauna na siyang kumuha ng pagkain.

Nang ako na ay sinigurado kong puno ang plato ko ! Ewan ko ba kung bakit palaging hinahatak ako ni Suga na sumama sakanya ay laging maraming pagkain !

THIS IS HEAVEN !

"Hindi ka naman gutom, ano ?" Tanong ni Suga habang naglalakad kami patungo sa second floor ng bahay nila. Oha ! May second floor pa talaga.

Dito nalang daw kami sa taas dahil walang tao dito. Ayaw niya daw sa crowded places eh kaya umoo na ako.

"Tsk. Minsan lang to !" Sagot ko habang nilalantakan ang donut na kinuha ko.

"Hmm. Pagkain pala kahinaan mo ?" Tanong niya ulit na tinanguan ko lang kasi puno pa ang bunganga ko. "Should I always blackmail you of me bringing you food always just to come with me without me hearing rants from you ?" Nakangising tanong niya.

Saktong paglunok ko sa pagkain ay nakarating na kami sa second floor ng bahay nila.

ANG LUWAAAANG ! Halos kulay pink lahat pati yung furry na carpet ! Ang kyuuuut !

"Pwede rin. Pero kahit naman na hindi ay paniguradong sasama pa rin ako sayo." Wala sa sariling sagot ko kaya laking taka ko nalang nang ngumiti ito ng nakakaloko saakin.

We sat on the pastel pink sofa with a table infront. Nilapag ko muna ang plato ko saka siya hinampas.

"Ano nanaman yang iniisip mo, ha !? Sasama talaga ako sayo dahil ang kulit mo ! Lagi mo akong pinipilit eh naiirita ako kaya lagi akong walang nagagawa ! Tsaka isa pa, nakakatakot ka minsan !" Singhal ko na nagpangiti naman sakanya.

Umiwas ako ng tingin dahil biglang bumilis ang tibok ng puso ko pagkita ng gummy smile niya.

Ang cuuuuu– hep ! Kalma, Peach.

"Wala pa naman akong sinasabi ah !" Tatawa-tawa pa ring sagot niya.

Hinampas ko pa siya bago nagsimulang kumain.

Nagusap usap lang kaming dalawa don hanggang sa matapos siya. Ako naman ay kumakain pa dahil medyo marami nga ang kinuha ko.

Natapos ko na ang kanin at sa desserts naman na ako. I took the color blue cupcake and shove it into my mouth. Not caring if its icing was spreading all over my face.

"Aish. Wae geuleohge gwiyeowo ?" Nangingising sabi nito habang kinukuha ang panyo niya sa bulsa nito saka pinunasan ang mukha ko.

Namula ako. Dahil sa lapit ng mukha niya saakin. This is the second time now. At dahil naintindihan ko ang sinabi niya.

I don't want to admit this pero kinikilig ako.

SHUTAAAAAAAAAAAA #-$-2($839%8@(%/

———

Merri Keurismaseu, everybody! Here's an update as my present for youuu. 🎀 (as if someone's reading this but stilllll ❤) have a blast! 💦

peach | 민윤기Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon