016

139 9 0
                                    

PEACH.

Science ang subject namin ngayon at hanggang ngayon ay lutang pa rin ako.

Alam niyo naman na siguro yung rason. Oo, si Suga nanaman ! Halos matumba ako kahapon dahil sa sinabi niya tapos nanloloko lang pala ? Pero mabuti na rin yun, hindi ko alam isasagot ko eh.

Tsaka hindi pa ako ready sa panibagong relasyon. Eh ?

Lumingon ako sa side ko dahil may kumalabit sakin. May isang piraso nanaman ng papel sa may bandang siko ko kaya dinampot ko agad yon.

Okay ka lang ?

– J. Jungkook

Lumingon lingon muna ako bago nagsulat ng sagot.

Oo naman. Bakit ?

– H. Peach

Nilagay ko ulit yon sa may siko ko para naman makuha niya.

Kanina ka pa lutang dyan, pansin ko.

– J. Jungkook

Umayos ako ng upo dahil medyo nagulat ako don.

Ganon na ba ako kalutang ngayon at pati tong katabi ko ay napansin na ? Bwisit na Suga kasi yan eh ! Kung hindi niya sana sinabi yun, hindi ako ganito.

Eh bakit ba kasi Peach ?! Umayos ka !

Okay lang ako.

– H. Peach

Atsaka ipinasa ulit ang papel sakanya.

Okay, if you say so. Pwede bang sumabay sayo mamayang lunch ? Your boyfriend won't mind, right ?

– J. Jungkook

Natagilid ko ang ulo ko dahil bigla akong napaisip.

Okay lang kaya kay Suga ? Mahirap pa naman kapag nagalit o nabanas yon. Baka hindi na ako kakausapin nitong si Jungkook.

Hindi ka naman talaga pinapansin, Peach ah ? Sumusulat lang ! Nagpapasahan lang kayo ng letters.

Eh ! Paguusap na rin yon ! Tsk.

I'll see.

– H. Peach

Tanging naisagot ko nalang dahil hindi talaga ako sigurado.

Okay :)

– J. Jungkook

Pagkatapos non ay hindi na ako nagabalang sumagot pa. Sayang papel kung mago-okay din ako.

Umayos na ako ng upo at huminga pa ng malalim bago makinig sa harap. Ayaw kong meron pang makapansin na lutang ako ngayon.

———

Pagdating ng lunch break ay nasa bungad na agad si Suga sa pinto ng classroom namin.

Nagtungo na ako sakanya at sinimangutan. Naasar pa rin ako sakanya hanggang ngayon dahil doon sa kahapon. Lakas mantrip neto eh. Bwisit !

"May sasabay satin." Sabi ko.

Tumaas naman ang kilay niya. "Sino naman ?"

"Basta. Sasama siya satin sa ayaw at gusto mo." Monotone na sagot ko. "Tara na." Saka hinila siya sa pulso patungong canteen.

Napapatingin samin ang ibang estudyanteng nadaraanan namin saka magbubulungan. Sikat nga kaming dalawa, diba ? Siya bilang bad boy, at ako nama'y bilang isang good girl.

peach | 민윤기Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon