Katotohanan o kaligayahan?
Isang palaisipang hindi matukoy ang kasagutan
Isang agwat na kung susukati'y may kalayuan ang pagitan
Kaya't aling kapalaran ang nanaising pagdaanan?
Kung isa sa mga ito'y maaaring may kabiguan..Kayat katotohanan ba o kaligayahan?
Mariing sambit ng isang pusong nahihirapan
Alin ang matimbang sa dalawang mga daanan?
Kung bakit hindi mawari't di mapagpilian..
Desisyon kung aling panig, ani mo'y isang digmaan.
Digmaang sa isang kisapmata'y kasawianKayat katotohanan ba't di kaligayahan?
Isang katagang namuo sa isipan
Katotohanang maaaring may kalakip na kalayaan
Ngunit kaligayaha'y mapapawi't mabibitiwan
Isusugal ba ang isang nakasanayan?
Isang dahilan ng sakripisyo't kaligayahan?
Iiwan nalang ba para sa katotohanan?Katotohanang magpapalaya ngunit kukuha ng iikaliligaya,
Isang bagay na dahilan ng sakripisyo't pananampalataya.
Na sa pagpili ng katotohanan ay agad na maglalaho na parang ipinagkait ng tadhana Kaya nga,
Pagpili ng daa'y parang di na kinakaya..Kaya't baka nga,
Katotohanan wag na lang , kaligayahan ang sundan..
Kahit may halong katangahan basta't ligaya ay ramdam.
At kahit nakakasakal,nakakasakit, nakakapagal..
Kahit walang kasiguraduhan na ito'y magtatagalSiguro nga,
Siguro ganito kung magtiis ang nagmahal,
Na magbigay kahit lahat , kahit buo mo'y isugal.
Masaktan man, itaboy man , pilitin ma'y di mabuwal.
At halos lahat ng pagasa'y hiniling mo sa may kapal.At bakit?
Bakit lahat ng ito'y tila hindi tumatalab
Na nakakamatay ang panlalamig walang siklab,
Umiyak man ,magmakaawa , manikluhod sa maykapal
Isang panandaliang ligaya ang patuloy na sampalNgayon paano?
Paano pipili kung saan patutungo
Doon ba sa totoo kung san susuko at guguho?
Mga mata'y mamumugto , mababaliw mahihilo.
Sa pag alala ng mga sandaling pinuno mo?
Pinuno ng pagibig,pag-asa't saya ngunit lumabo?Subalit maaaring kapalit ay paglaya,
Paglaya ng sarili sa gabundok na alaala
Paglaya sa pagkabihag ng pusong di alintana,
Ang sakit na dulot ng sakripisyo't pagtatyaga.
Kaya't dito naba? Sa totoo na masakit ngunit maaring makalaya?
O kaya paba?
Kaya pabang magtiis , kaya pabang umunawa?Kung kaya panga,
Sige! Sundin ang ninanais at magpakatanga!
Isugal ang natitira sa kabuuan kahit kaba,
Kaba ang nararamdaman sa bawat salita,
Bawat kurap ,bawat galaw, sige patuloy huminga ! Tuloy mo pa!Ituloy ang pag sisid sa mundong mapanghusga.
At dahil nga ika'y tanga !, maghirap, magdusa hanggang lumuha ang mata.
Ipilit ang sarili kahit wala kang mapala!
Pagsikapang makamit ang imposibleng madama.
At dahil nga ika'y tanga !, ibigay ang lahat lahat sayo hanggang sa mawala.At kapag nasaktan ka,
ipikit ang iyong mga mata
at magpatuloy sa paghinga .
Sabay imulat ang mga mata sa katotohanang tanga ka!
Dahil iniwan mo ang katotohan para panandaliang sumaya.