Pag amin

104 3 1
                                    

Pag amin

may mga salitang nais kong sabihin,
na puso'y tila sasabog sa kagustuhang sambitin.
ngunit tama bang ito'y ilabas at aminin?
kung sa kanya, ako'y tila malayo pa sa bituin.

pag amin,
ito'y bagay na bakit ang daling sabihin ngunit ang katotohana'y mahirap gawin.
na sa Diyos ay idinadalangin na kapag sinambit ay agad niyang tanggapin.

ngunit paano?
paano kung hindi niya tanggapin ang puso?
pusong inilaan, isinugal at isinuko.
paano kung lahat ng isinimpan ay maguho?
kakayanin pabang harapin ang epekto?

maaaring ito'y dala lamang ng maling paniniwala,
paniniwalang ikaw at siya'y itinadhana.
na dahil sa labis na kalapitan ay nasilaw ang pusong dati'y nasa kadiliman,
kaya't umusbong ang pag asa dahil sa paniniwalang ang tingin niya sayo'y iba sa karamihan.

anong paniniwalaan ko?
kung bakit hindi ko masambit ang mga bagay na sumisimbolo,
ng tapat na pagmamahal para sa kanya ngunit hindi buo.

ako'y gulong gulo!
ito ba ay dahil lamang sa umasa ako?
umasa sa ipinakita na tila kakaiba kumpara sa iba,
ito ba ay dahil sa nangarap ako?
nangarap na ang pagkakaibigan ay umangat ng higit pa,
ito ba ay dahil nagmahal ako?
nagmahal sa pagaakalang masusuklian ang pag ibig dahil sa ipinakita.
kaya't anong gagawin ko?
itatago nalang ba o sasabihin ang nilalaman kahit na may kaba?

pag amin,
sige't pilitin ang sarili upang lahat ay sabihin.
banggitin,  sambitin at ipahiwatig ang damdamin,

mahal kita!  oo mahal kita!
matagal nang ikinubli ngunit puso na ang nagpasya,
ako'y nandito sa harap mong umaasa ng bahagya
na suklian kahit kaunti ang damdamin kong uhaw na.

mahal kita! oo inaamin ko na ang lahat sayo,
na minahal kita matagal na kahit mahirap itago.
at ngayo'y naglakas loob kahit takot na mabigo,
dahil umaasa na sa pinakita mo'y may puwang ako.

tama ba? oo sana tama nga!
na tama ang akala kong ako sayo'y may pag asa talaga.
ngunit sa isang maikling salita,
ako'y nabigla, luha ko'y pumatak at tila puso'y nagiba.
sa salitang lumabas sa kanyang bibig
"tama na! "

kaya't ngayo'y hirap na.
di malaman ang gagawin
mababaliw sa kaiisip kung paano tatanggapin,
dahil pati pagkakaibigan ay tila nawala sa isang iling.
at ngayon siya'y malayo na parang nasa bituin.

isang hiling,
ngayong tapos na,
wala nang pag asa,
kaya't nagdudusa,
at puro pag luha.
kahit pagod na
at napakasakit pa,

isang hiling parin ang ninanais matupad para sa kanya.
na kahit ako'y wala na sa tabi niya
ay makahanap siya ng tunay na magmamahal sa kanya.
di man ako ang mapalad na itinakda,
hangad ko parin ang kaligayahan basta't para sa kanya.

SPOKEN POETRYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon