Susuko naba?

112 3 0
                                    

Susuko naba?



yan ang sabi ng pusong kumakapit ng sadya


Sumuko kana!


At ang isip na ayaw tumigil sa pag husga..


Dalawang parte sa aking pagkatao ang naglalaban at sabay na nagbabadya,


Ang isa'y sinasabing bumitaw dahil paulit ulit kanang nagpapakatanga.


Ang isa nama'y patuloy kumakapit at ninanais na tiisin ang sakit dahil umaasa pa nga.


Kaya't sarili'y hirap na hirap sa pagpili kung alin ang hahayaang mamuno't magdikta.



Susuko naba?


Bibitawan naba lahat ng pinaghirapan?


Isipin mo ang lahat ng sakripisyo!


Iiwanan nalang ba ang piniling kapalaran?


Manatili nalang dito!


Ganoon ba ang ninanais na maging kahantungan?



Binigay mo ang lahat lahat mo sa kanya,


Iniwan ang mundo para lamang sa kanya


Kahit walang kasiguraduhan ang naging mga pasya


Nagpatuloy ka parin dahil nga mahal mo sya.



Sumuko kana!


Hindi ba't hirap na hirap ka?


Hirap sa pag habol , hirap sa pagsuyo't hirap na gumawa ng paraan


Diba't nakakasakal na?


Na hindi ka makawala't di makayang umiwas dahil lahat lahat sa kanya mo inilaan?


Di kana ba nadala?


Kahit ilang beses mo ulitin ay sakit parin ang dulot ng pagmamahal mong walang kasawaan



Oo nga't nagsakripisyo ka, nagtyaga ng matagal kahit kasiguraduha'y hindi dama.


Ngunit bakit nagiisip kapa?, ngayong katotohan ay nakalantad na kahit binigay mo ang lahat ay hindi naging sapat sa kanya.



Wag kang susuko!


Marahang bulong ng aking puso


Sinasabing lumapit, kumapit ng todo


Kahit masakit ay sa kanya parin magtungo


Upang pangarap at pinagsikapa'y di maguho



Sige't kumapit pa! Pagsikapan na mabaliktad ang tadhanang mala sumpa


Umasang sa huli ay makakamit pa,


Patuloy na sisirin ang mundong mapanghusga


At dahil mahal monga,


Ang salitang pagsuko ay isantabi mona


Darating din ang araw na mauunawaan nya


Na kayong dalawa'y para sa isat-isa.



Sa kabilang bada,



Sumuko kana!


Yan naman ang sigaw ng aking isipan


Na tumakas na sa mga katangahan


Matutunan na lahat ay pawang kamangmangan


At lahat ng ito'y madali lang malagpasan



Basta't mag isip ka!


Hahayaan moba? Na malamon ka?


Mawala ang pagiisip dahil puso ang humusga?


Ginawa mo ang lahat upang sayo'y mapunta sya


Ngunit ngayo'y tila lumalayo panga.



Dito kaba masaya?


Sa pilit na pagkapit kahit pinagtutulakan kana?


Oo wala ngang masama,


Walang masama sa umibig kung ito'y nagpapasaya.


Ngunit kung nilalamon kana.. Na kahit alam mong sa marami'y mukha kanang tanga.


Aba hindi na tama kung magpapatuloy kapa!


Kung umaabot na sa puntong nahihirapan ka


Nananakit ang dibdib , umiiyak ng malubha


Dahil lamang sa ang puso ang hinayaang magpasya.


Gumising ka!



..


Magpatuloy pa!



Sumuko na!



Kayanin mo!



Wag kang tanga!



May pagasa pa!



Alam mong wala!



Sa puntong ito, sarili koy hirap na


Hindi na mawari kung ano ba ang pasya


Susundin ba ang puso't magpapatuloy pa


O pakikinggan ang isip na wag magpakatanga.



Ito'y isang tulang tatlong bahagi ko ang may akda,


Ang pusong iisa ang sigaw, kumapit pa


Ang isip na pilit nilalabas ang aking diwa


At ako na dinadaan nalang lahat sa talinhaga..

SPOKEN POETRYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon