Tapos naba ? O ito ang panimula?Isang katagang iiwan ko sa buklod na nagkakalabuan,
Marahil dalawa sila ngayo'y lumuluha ng marahan.
Iniisip kung magagawan paba ng paraan,
Sapagkat sa bawat kapit, resulta'y kabaliktaran.
Tapos naba? Bulong! Bulong! Ibulong mo sa kanya!,
Kahit na may kaba, ituloy! Ituloy upang malaman ang husga..Dalawang pusong kumakapit,
subalit iniisip bumitaw dahil sa galit na epekto ng maling pagpapasya.
Katatagang naiipit,
dahil sinubok ilang ulit at ngayo'y tila panulat na mauubos ang tinta.Paano ba?
Paano aamuin ang pusong matampuhin kung kataasan sa sarili'y pinapairal ng lubha?
Na katapangan,katigasan ng loob ang namumuno kahit batid sa sarili na mahal ang isa't-isa.Kaya tapos naba?? O baka ito palang ang simula.
Naaalala moba? Kung paano nag-umpisa?
Isang masakit na katotohanang manginginig ka.
Isang paglalaro ang naging sanhi ng lumalim na samahan,
Na batid ng inyong isip na ang turing ay laruan.
Na kahit anong pilit , lahat ng ito'y biruan lang,
Sapagkat puso'y hindi pa naghihilom dahil nananatili ang laman.Ngayon mamili ka!, pipiliin mobang iyon ang inyong panimula?
Isang larong labis ang sakit na halos iyakan at isumpa?
Na sa kalagitnaan ay naging tapat ang pagibig sa isat isa.
Ngunit magtatapos rin sa dilim dahil lamang sa maling mga pasya?Tanggap mona ba??
O gusto mo pa?
Gusto mo pa sya kaya't maniniwala ka na lahat ng kaganapan ay pawang panimula.
Na sinubok lang ang inyong katatagan upang maging handa sa totoong umpisa.
Upang malaman na ang mundo'y sadyang mapaglaro lang talaga.
At nang sa kadilima'y tuluyang makamulat ang mga mata.kaya't ngayon piliin mo,
piliing paniwalaan na lahat ng nangyaring kasawian ay pawang panimula.at sa gayon isipin mo,
isipin ang lagim na maidudulot kapag ang samahan ay tuluyang nagiba.sa kanya'y aminin mo,
aminin ng buong puso na sa kanya'y may kasalanan karing nagawa.at sabay patawarin mo,
patawarin sya at buksan ang isipan sa lahat ng kanyang mga salita.at kapag tapos na..
ngayon ay yakapin mo,
yakapin mo sya ng mahigpit at ipadama ang init ng iyong pagmamahal,
upang manumbalik ang mga alaala na sa inyo'y nagpasaya at nagpatagal.at sa huli ay tanggapin mo,
tanggapin ang bagong umaga sa pagkat nalagpasan nyo pagsubok na malasumpa.
dahil ang lahat ng masasakit na kaganapan ay batid nyong pagsubok ng panimula.