Isang gabing pag-iibigan

72 2 0
                                    

O gabi! Gabi nanaman!
Kadilima'y muling babalot sa sanlibutan
Mga bata'y nagsipasok na sa bawat tahanan
At ang mga ibon naman ay nagliliparan
Pabalik.

Pabalik? bakit tila ako'y nananabik?
Sabik sa yakap at mga halik
Adik! oo ako'y adik sa iyong yapos na mahigpit
Na wari'y ang init natin ay papalapit
Ngayong gabi.

Binuksan mo, binuksan ang pinto at sabay na pinapasok mo ako,
Na para bang wala na ngang nilalaman ang dibdib mo
Ngunit ito!
Ito lang ang panahong hirap kana't papasuko,
Kaya't habang wala siya'y kinailangan mo ako.

Pero sige,
Sige! hahayaan kong gamitin mo ako
Gawin natin ang bagay na magpapalungkot ngunit magpapasaya,
magpapaiyak ngunit pagpapatahan at
magpapasigaw ngunit magpapatahimik rin sayo
Dahil ngayong gabi
Iibigin mo ako.

Iibigin kita na parang katapusan na ng mundo
Sige't ibigay mo ang lahat, ibigay mo ng buo
At ang bawat halik mo ay papalitan ko
ng init, ng liyab o gusto kong sumiklab!
Salubungin natin ang impyerno , sabayan mo ng isang sunggab!
Maaaring may kagat,
Maaring may kapit,
Maaaring may higpit,
Maaaring may diin!

Sige! sige't sabayan mo ako!
Damhin natin ang kadiliman ng gabing ito
Makasalanan na kung sabihin
Ito'y aking aaminin
Basta't ibuhos ang lahat at tsaka na natin isipin,
Ang nangyari!
Tsaka na muna ang pagsisisi
Isantabi muna ang dulot ng paghihiganti
At ituon muna sa isa't isa ang mga mata't mga labi.

At ngayon ito na!
Ang yakap na mahigpit na kinasasabikan ko
Ang halik na sintamis ng totoong pagmamahal mo
Kahit hindi totoo,
Kahit hindi to buo,
Kahit dala lamang ito ng pananakit nya sayo!
Ay itutuloy ko!
Itutuloy ko ang gabing madugo
Ipaparanas ko sayo maginhawang impyerno
Sabay nating damhin ang kasalanang ginusto
At sinasabi ko sayo itutuloy ko!
Dahil ngayong gabi ay iibigin mo ako.

Hah! ngayon pagod na
Maaari monang simulan ang pagluha
Pagsisihan ang kasalanang dala ng paghihiganti
Pagkatapos ng ginhawa'y kapootan ang sarili
Iiyak mo! sige't iiyak mo hanggang luha ay huminto
Gaya lang ng paghinto ng pagsasamahan niyo
Iiyak mo! sige!'t iyakan mo ang kasalanang
hindi na mababawi
Ngunit kahit bahagya, kalungkutan mo'y napawi
Isinugal natin ang sarili sa dilim ng gabi,
At panandaliang kasiyahan sa atin ay naghari.

Sa umagang paparating, kalimutan mona ako
Burahin sa alaala na tayo ay nagtagpo
Ang bawat yakap na mahigpit,
Halik na nakakasabik,
Paghahawak ng kamay na napakasikip,
at kahit ang gihawang satin ay nagpapikit
Kalimutan na ito!
Dahil ang umaga na ang magpapahinto
Sa dilim ng gabing puno ng pagkabigo
Kaya't doon, doon ay pinasalamatan mo ako
Sabay rin ang pagalis at pagsarado ng pinto
Gayon naman ang pagsigaw ng "Salamat rin sayo! "
Salamat dahil ngayong gabi ay inibig mo ako.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 13, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

SPOKEN POETRYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon