Chapter Two

1.8K 18 0
                                    

Medyo sabog ang chapter na to, sorry! Gusto ko sana ulitin kaso ito lang ang naisip ko for this chapter. Please read it with a lot of patience at makisakay na lang kayo. HEHE

  [EDIT: IMPORTANT, guys pansin niyo may Justine tapos naging James. I'm so sorry nalito ako sa sariling name ng characters ko huhu. Forgive me at ngayon ineedit ko na lahat. MY MALE PROTAGONIST IS JUSTINE AND NOT JAMES. SORRY!  

-pau

S U E


Bad trip

Tinotoo talaga nila ang pag lipat ko this semester. Bahala na, like I said wala naman nawala saakin. Less hassle rin naman this time unlike nung high school na kung saan kailangan pa ng self-introduction. Pweh!

After mag announce nung lalaki sa classroom namin about sa isang campus tour kanina, mabilis akong umalis sa classroom at nag hanap ng pwedeng matambayan. Kasalukuyan akong nakatambay lamang dito sa may garden ng school. Hindi na ako nag abala pumunta doon sa tour ng council. Para saan pa? Pwede ko naman ikutin yung school mag isa. Tahimik dito sa tinatambayan ko at halos ihip lamang ng hangin ang maririnig mo, ito ang gusto ko.

Pumikit ako at balak sana matulog ng saglit nung may narinig akong may nag tatawanan hindi gaano kalayuan sa pwesto ko. Minulat ko ang mata ko at umupo ng maayos. Kainis, sino naman kaya yun? Tumayo ako at kaagad kinuha ang bag ko.

"Wag dito! Baka may makakita saatin"

"Okay lang yan, isa lang naman dali na"

"Ayaw ko, nahihiya ako"

"Okay lang yan, taas mo lang ng kaunti"


Shit, ano raw?


Yuck! Ano to Miracle Garden? Mahuli nga tong dalawa na to. Ang ganda na ng lugar eh sisirain pa para saakin. Sinundan ko yung boses kung saan yung nag haharutan nung may narinig akong tumawag sa pangalan ko.

"Sue? Sue Reyes?" Nagtaka nama ako kung sino yun? Sino naman makakaalam ng pangalan ko eh, kakalipat ko lang naman dito. Binalewala ko na lang yung tumawag saakin at bumalik sa pag hahanap nung dalawang malandi.

Pero narinig ko nanaman na may tumawag sa pangalan ko.


"Sue?"


J U S T I N E


"Sue?" Hay nako saan kaya nag punta yung babaeng yun? Nakita ko siya umalis ng mabilis after ng announcement ko sa classroom kanina. Sakto rin talaga na classmate ko pa siya sa isa kong subject, oh baka sinadya lang ni papa to?

Ah basta! Ang importante ngayon ay mahanap ko ang babaeng yun. Nasaan kaya siya? Mag start na ang tour, baka balak niya mag cutting. Hindi pwede, hindi ko matutupad ang pangako ko kay papa pag unang una palang hinayaan ko na kaagad siya mga skip ng activity.


"Sue Reyes? Andito ka ba?" Sabi ko. Ang bilis naman kasi mag lakad nung babaeng yun. Tumungo ako sa may gazebo ng garden, hoping na andon siya pero wala eh. Asan kaya nag tago yung babaeng yun? Hindi kaya nakita niya na sumusunod ako sakanya? Dapat pala pa-sikreto ako.


Nakamot ko na lamang ang ulo ko. Asan na ba kasi siya?


"Sue-" Hindi ko natuloy ang pag tawag ko nung may nakita akong ulo na nag stick out sa may mga halamanan sa bandang gilid ng gazebo. Kaagad ako lumapit at nakita ko siya na para bang may sinisilip. "Sue?" Bigla siyang lumingon sa gawi ko at kaagad hinablot ang kamay ko na ikinatakot ko. Tinakpan niya ang bunganga ko at kaagad na sinenyasan ako na tumahimik.

Chasing Ms. Trouble [Tagalog]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon