Note: Sa mga readers dyan na baka ma-offend sa sasabihin ni Sue later on, please take note na hindi ko po iyan sariling paniniwala. Paniniwala po ni Sue yan, and Sue is just a fictional character. Although, if you still find it offensive, I would like to apologize in advance and would gladly remove it, just DM me okay :D
S U E
Ang boring ng araw. Klase dito, klase doon. Pagawa dito, pagawa doon. Paulit ulit lang.
Kaya ayoko pumasok eh, pare parehas lang ang ginagawa. Ang malala pa, pare-parehas ang mga mukha na sumasalubong saakin. Nakakasawa na tignan.
Teachers who are a hypocrites, students who are backstabbers and stereotypes. Lahat may iba ibang paniniwala kaya hindi mag kasundo. Tutal, everyone is entitled to their own opinion pero ang nakakaasar, ay yung mga taong hindi marunong rumespeto sa pinapaniwalaan mo.
Sinong estudyante ang magaganahan sa ganito? Obviously, not me.
Kaya ang solusyon ko para dito ay—
Cutting
Wala naman masama, hindi naman ako pinapansin ng mga tao dito. Mas mabuti naman kung ganun. After ng klase ko, may second period pa pero kaagad ko kinuha ang bag ko. Instead na dumiretso sa kabilang room ay nag lakad ako palayo sa hallway at lumabas ng building. Hinanap ko sa pinaka dulong parte ng school yung gate na nakita ko nung inikot ako nung lalaki na nagsilbing malas ko nung first day.
Oh well, may pakinabang rin pala siya despite him being a pain in the ass. Seryoso, siya ang malas ko nung mga nakaraan na araw.
Sumakit balakang ko.
May pasa ako.
Pinagalitan nanaman ako ni mama, akala napaaway nanaman ako.
Binawalan ako mag cellphone.
Bawal ako lumabas ng bahay.
Gulay lang rin ang pwede ko kainin para daw mawala ang pasa, as if effective naman.Lahat ng yan nangyari dahil lamang natumbaba kami noon. Ewan ko ba, siya ang sumalo pero ako ang may pasa, bwisit lang.
Pumasok na ako sa loob nung gate. Sa loob nito may garden at makikita mo kaagad ang spiral na hagdan. Ang alam ko, patungo ito sa may rooftop pero ang haba ng aakyatin mo.
Tumabi ako sa may hagdan at kaagad nanlaki ang mata ko nung nakita ko kung gaano kataas ito. Hindi naman ako takot sa heights, takot lang ako mapagod or in short, tinatamad ako.
Hindi na kasi ako physically active kaya hindi na sanay ang katawan ko sa pagod.
Pero bahala na nga.
Nag simula na ako umakyat
**
J U S T I N E
Ang mga singkit ko na mata ay lalong naningkit. Paano kasi, may isang tao hindi pumasok sa klase. Bumuntong hininga ako. Pang ilan ko na ba yun?
Anim o Pito?
Basta. Akala ko late lang siya dahil napansin kong dahan dahan siya kung mag lakad. Siguro dahil sa balakang niya?
Oo, guilty ako kasi alam ko na ako ang rason bakit masakit yun. Kaya naman gusto ko sana siya alalayan pero mukhang sasaksakin niya ako tuwing napapansin niya na lumalapit ako.
BINABASA MO ANG
Chasing Ms. Trouble [Tagalog]
RomanceShe was known for being a walking bad luck charm. Whether she intended it or not, it seems that she has a touch of trouble and mischief. Meanwhile, he was the exact opposite and it seems like good luck always comes toward him not until he met her. W...