S U E
"Ano ba kasi nangyari sayo?" Tanong saakin ni Erika. Nandito ako ngayon sa may gym. Kakabihis niya lang sa training clothes niya.
Sa lahat ng kaibigan ko, si Erika lang yata ang nag tiis saakin. Sumimangot ako habang hawak hawak ko ang ice pack. Ilang araw na at hindi parin nawawala yung sakit sa pag ka bagsak ko dahil sa lalaking yun.
"Yung lalaki nga kasi!" Sabi ko. Nakalimutan ko na rin yung pangalan niya. Pinagmasdan ko siya habang nag stre-stretching. Naiinggit tuloy ako.
"Ba't dyan ka pa nasaktan? Sa dinadami daming injury na pinagdaanan mo" Sabi niya habang naka-split at dikit na dikit ang pisngi sa sahig.
Naiinggit tuloy ako sakanya. Andito ako ngayon sa gymnasium kung saan nag training ako dati as a gymnast. Tumigil lang ako dahil hindi na ako pinayagan ni mama nung nalaman niya na nag cutting classes ako para lang mag practice. Last school year lang nangyari yun pero pakiramdam ko isang dekada na ako hindi nakakapag training.
"Hindi na siguro nasanay ang katawan ko" Sumimangot ako.
"Hindi ka na ba nag stre-stretching sainyo?" Tanong niya saakin. Tumayo siya at nag front walk palibot saakin.
"Nang iinggit ka ba?" Bwisit, papansin eh.
"Depende sayo— kung naiinggit ka, then oo pero kung hindi, edi hindi" Sabi niya bago tumawa. Inikot ko lang ang mga mata ko at nag mukmok sa tabi.
Ngayon na lang ako ulit bumisita sa gym kasi hindi pa ako emotionally at mentally prepared nung mga buwan na nakalipas. Sa telepono at sa facetime ko lang rin nakakausap si Erika at yang babaeng yan, nangangasar lang lagi.
"Anyway ano storya mo ulit?" Banggit niya habang pinapaikot ikot ang bola sa mga daliri niya bago ito itapon sa ere.
Sumimangot ako ulit at lalong kumunot ang noo ko.
"Si mama kasi, may bantay pa nalalaman eh"
Naisipan ko na lang rin na bumisita ngayong sabado dahil nag tatampo nanaman ako kay'na mama.
"Paano kasi, yung lalaki pala na ilang araw na sumusunod saakin since nung first day. Pucha, bantay ko pala yun."
"Oh ano naman mali doon?"
"Nakakainis kasi! Ano ba ako bata? Kailangan ng yaya? Hindi pa ba sapat na nangako na nga ako sakanila ng pilit nung bago ako pumasok, na mag papakabait ako para lang ibalik nila ako sa team, tapos malalaman ko may nag babantay saakin? Hindi ba talaga nila ako maasahan?"
"Hindi!" Diretso niyang saad saakin. Masama ko siyang tinitigan. Pambihira naman tong kaibigan ko na to oh!
"Chill lang ha! Kaibigan mo ko at pumunta ka dito for advice, na sa role ko na sampalin ang katotohanan sayo" Pumamewang siya at ngumiti na para bang nangangasar.
"Hindi ba ang cute lang? May bantay ka, balita ko pa gwapo!" Turo niya saakin.
"Ipagtama ko mukha mo sakanya"
"I-reto mo na lang ako sakanya" Tapos tumawa siya ng malakas. Bwiset talaga tong kaibigan ko na to.
"Seryoso!"
"Sorry, sorry~ Ano ba kasi gusto mo mangyari? Bumalik ng team diba?" Mabilis ako tumango sa sinabi niya.
"Oh ayun naman pala eh! I-prove mo na lang sa bantay mo na mabait ka talaga, until maniwala sila Tita saiyo, kung nangyari yun hindi lang mawawala yung bantay sayo, ibabalik ka na rin sa team"
BINABASA MO ANG
Chasing Ms. Trouble [Tagalog]
RomanceShe was known for being a walking bad luck charm. Whether she intended it or not, it seems that she has a touch of trouble and mischief. Meanwhile, he was the exact opposite and it seems like good luck always comes toward him not until he met her. W...