madaming tao.
Tumakbo ako papunta sa court kung saan nandun si Kryzel. Nakita ko siyang umiiyak habang yakap yakap siya ng
best friend niya. Gusto ko siyang lapitan pero tinamaan na naman ako ng katorpehan.
Naiinis ako sa sarili ko nun! Hindi ko manlang magawang alisin ang luha sa mata niya. Pakiramdam ko napaka
walang kwenta ko. Sinasabi kong mahal ko si Kryzel pero hindi manlang ako magkalakas loob na lapitan siya at
patawanin.
Isang araw nagpunta siya sa bistro para uminom. 2nd day ko pa lang nun pero tinry ko ang best ko na mapansin niya
ako. Naalala ko pa nga inorder niya saakin is Long Island Iced Tea. Ang kauna-unahang cocktail na gawa ko na
ininom niya.
Malungkot siya nung mga panahon na yun kaya naman naisipan kong mag flair. Madaming guest na nanunuod
saakin at namamangha sa mga flaring routines ko kaya lang ang nagiisang taong gusto kong manuod sakin ni sulyap
hindi manlang ako tinignan.
Naulit na naman ang pagpunta niya sa bistro and this time talagang nag lasing na siya. Tawa iyak ang ginagawa niya
habang kinukwento niya yung ginawa sa kanya nung hayop na Stephen Cruz na yun! Pinipigilan ko siyang uminom
pero ayaw niya papigil. Ginawa ko nag flairing ako ulit sa harap niya and this time pinanuod niya na ko. Sabi nga niya
ang galing ko daw eh, at pwede na ko sa perya. Pero ayos lang atleast pinansin na niya ako.
Kaso ikinagulat ko nung sinabi niya saakin na gusto niya akong maging boyfriend. Gumawa naman ako ng kasulatan
nun na naglalaman:
I, Kryzel Aguilar, promise to held Rence Reboredo’s heart until the day that I forgot my feelings to Stephen Cruz.
I promise to be a good girlfriend to him.
Signed by
___________
Sa baba nun pinapirma ko si Kryzel. Oo na, lasing siya at nag take advantage ako pero may pakiramdam ako na may
magandang mangyayari. Alam kong hindi naman talaga niya ako magiging boyfriend pero ginawa ko to para
maprotektahan ko siya sa sakit na nararamdaman niya.
Habang binabasa ko yung kasulatan at nakangiti na parang ewan dahil pinirmahan niya to, nagulat naman ako bigla
sa ginawa niya.
“at dahil boyfriend na kita” hinila niya ako palapit “hahalikan kita”
Unti-unti, nilapit niya ang mukha niya saakin hanggang sa magdampi ang mga labi namin. Pagkalapat ng labi niya sa
labi ko bigla naman siyang napayuko sa counter at mukhang nakatulog na sa kalasingan.
Napangiti ako.
Bakit ganun? Isang segundo lang naglapat ang mga labi namin pero ang saya-saya ko?
I tried to wake her up pero wala talaga. Mukhang knock out ang isang to. Tumawag ako sa house nila and sinabi sa
mom niya na nalasing na si Kryzel. At ang sabi saakin?
“iuwi mo na lang muna siya sa condo mo tutal malapi lang naman yun sa bistro. Wala na kasi magsusundo