“nakakaasar ka naman Nami eh! Alam mo bang nakaplano na ang araw kung saan tatanungin na kitang
maging girlfriend? Pero wala eh, tinalo mo ko inunahan mo pa ko. Pero pinasaya mo ko”
naramdaman kong
mas humigpit ang yakap niya saakin “gusto kong maging sayo ako, at akin ka naman. Mahal na mahal kita
Nami. Mahal na mahal.”
Tumulo bigla ang luha ko at pinilit kong ilabas sa bibig ko ang isang kasinungalingang ayaw na ayaw kong banggitin
“Mahal din kita, Stephen”
Mas lalo akong napaiyak after kong bitiwan ang mga salitang yun. Masakit sabihin ang bagay na yun lalo na kung
kasinungalingan. Galit na galit na ko sa sarili ko dahil sa binitawan kong salita.
Humiwalay si Stephen sa pagkakayakap saakin then pinunasan niya ang luha ko “babes wag ka na umiyak, baka
isipin ko umiiyak ka kasi ayaw mong maging tayo”
I tried to fake a smile “ano ka ba! Tears of joy to. Masyado lang ako masaya”
Napangiti din si Stephen “may ibibigay nga pala ako sayo. Buti na lang daladala ko palagi to. Plano ko kasi
ibigay to sa araw na magiging tayo”
may kinapa siya sa bulsa niya then may kinuha siyang isang maliit na pouch
bag. Sa loob nun, may inilabas siyang dalawang necklace na may ring-like pendant. Isang gold at isang silver. Sa
pendant may naka ingrave na “Lock our Love.”(view picture on the side) Kinuha niya yung gold na pendant then
sinuot niya saakin to “itago mo to babes ha? this is the sign of our love. Pag eto winala mo hahalayin kita”
Tinignan ko yung pendant “salamat Stephen. Don’t worry di ko iwawala to. Takot ko lang na halayin mo ko”
He chuckled then inabot niya saakin yung isa pang necklace “dali isuot mo naman to saakin”
Kinuha ko yung necklace then sinuot ko sa kanya. After that he put his arms around my waist then unti-unti inilapit
niya ang mukha niya saakin then he whispered “ikaw na ang babaeng mamahalin ko habang buhay. Itaga mo
yan sa tyan ng crocodile”
Then he started kissing me. Hindi katulad ng dati niyang halik na aggressive o smack lang at pang asar.
Damang dama ko sa halik niya kung gaano niya ko kamahal
And swear, sobrang sakit maramdaman yun.
Chapter 49
*The Cassanova’s Tears*
[Naomi’s POV]
I survived the night. Well kahit papaano. I managed to smile, to laugh and to act that I’m happy in front of them when
the truth is I’m not.
Kanina gustong gusto ko na tumalon sa rooftop dahil sa mga pinag gagawa ko. Gusto ko ng matapos ang lahat ng to.
Ayoko na. Ang hirap. Hindi ko alam kung paano ko pa haharapin si Stephen sa mga susunod na araw.
The next day maaga ako nagising sa kadahilanang wala rin use kung pipilitin ko pang matulog. Mismong utak ko