“Kryzel. .mahal kita”
Biglang kumirot ang puso ko. #@%$$ bakit niya ba sinasabi yan?! Pwede bang tigilan niya na ang pagsisinungaling
ng hindi ako nahihirapan?!
I fake a laugh “hahaha ang galing mo talaga mag joke Rence! Pero uhmm ano kasi busy ako, mamaya na tayo
mag usap”
Hindi ko na siya narinig na nagsalita. Mukhang umalis na talaga siya.
Nahiga ako sa kama at may tumulo na naman na luha sa mata ko.
Ang sakit naman. Gusto ko talaga siyang kausapin at sumbatan. Gusto kong amuin niya ako ngayon pero bakit
umalis na siya?! Bat di man lang niya ko inamo?!
Eh baliw ka ba, pinaalis mo eh.
Ay naku! Nakakaasar! Nafu-frustrate na ko sa nararamdaman ko ah?! Bat ba ko nagiinarte ng ganito! Kailangan ko
na tantanan to!
Eh ano naman kung may kahalikan siya? Kung sinasabihan niya ko ng mahal niya ko pero may hinahalikan siya na
ibang babae? Ano naman kung wala siyang paki saakin? So what kung di niya ako inaamo? Ano ba siya? ISANG
HAMAK NA LALAKI LANG NAMAN SIYA DI BA? Isang hamak na lalaki na gagawin saakin ang ginawa noon ni
Stephen!
EH PAKI KO?!
Sawa na ko mamroblema ng lalaki! Ampupu na yan! Kung lahat sila manloloko edi manloloko narin ako! Ayoko na ng
isang matinong relationship! Sakit sa ulo lang yan eh! Mag sama-sama sila! Pagbuhulin ko mga bituka nila eh! Sana
mag mukha silang palaka! Sana maging kalahi na nila si France!! Grr nakakaasar! Nakaka---
--ano yun? O__O
Napatayo ako bigla ng marinig kong parang may nagbubukas ng pintuan ng room ko.
Ay tokwa! Meron nga palang spare key si Rence ng room ko! Ay bwisit!
Sinuklay ko ng kamay ko ang buhok ko then kinuha ko yung librong pinaka malapit saakin at nag pretend na
nagbabasa ako. Maya-maya lang nabuksan narin ni Rence yung kwarto ko
“Kryzel”
“oh b-bat ka nandito?” sabi ko sa kanya ng hindi nakatingin para hindi niya mahalatang galing ako sa iyak.
“let’s talk”
“b-busy ako. Nag rereview ako eh. Ok lang ba kung next time na lang?”
“hay” umupo siya sa kama ko “Kryzel baliktad yung libro na binabasa mo”
*boom*
Doon ko lang napansin na nakabaliktad nga yung libro. Ang bobo mo Kryzel. Masyado ka na obvious. =__=
Kinuha niya yung libro na hawak ko kaya naman doon na lang ako tumingin sa mga kamay ko para hindi pa rin niya
mapansin ang mukha ko.
“look at me” he told me in full authority
At eto na naman tayo, bumabalik na naman ang masungit na side niya! Bwisit! Bipolar! Manhid pa! di makaramdam
na nasasaktan ako ng dahil sa kanya eh! Tapos kung makapag utos siya ngayon wagas!
“umalis ka na” sabi ko sa kanya in a cold tone. Bahala siya diyan! Gantihan tayo