17

40 0 0
                                    

nararamdaman ko? Pagagaanin mo? Nakokonsensya ka dahil sinaktan mo ko?”

Tinignan ko rin si Stephen diretso sa mata at sinabi ang mga katagang di ko inaasahan na manggagaling saakin, na

kahit ako mismo ay ikinagulat ko.

“Hindi. Dahil mahal kita Stephen”

Nakita ko sa expression ng mukha niya na nagulat din siya sa sinabi ko. We’re both loss for words. Hindi ko alam

kung paano ito lumabas sa bibig ko, pero alam ko hindi ko na to dapat bawiin. Siguro sa ganito ko dapat simulan ang

lahat. Kailangan kong aminin sa kanya ang totoo kong nararamdaman.

Nilapitan ako ni Stephen at tinignan ng seryoso

“tingin mo, paano ko paniniwalaan yang sinabi mo?”

“S-stephen, totoo to! Walang halong kasinungalingan. I admit it took me a long time before I realized what I

feel for you but please believe me..”

“Hindi ko na kayang maniwala sayo” tinalikuran na ako ni Stephen at naglakad palayo.

Ako naman hindi makagalaw sa kinatatayuan ko.

Ang sakit.

Para niya kong sinampal dahil sa sinabi niya. Pero di ko siya masisisi. Alam ko naman na ganito magiging reaction

niya eh. Alam kong hindi niya ako paniniwalaan. Sinong bobong tao ba naman ang maniniwala pag sinabihan siyang

mahal siya ng taong nanloko sa kanya? Wala naman di ba? kahit ako hindi maniniwala. Kaso ang problema

. . .totoo tong nararamdaman ko eh. Hindi ito peke. Mahal ko si Stephen.

“best” nabigla ako ng bigla namang may yumakap sa likod ko. Humarap ako para tignan ito

“Kryzel”

“ok ka lang ba?”

I tried my best to smile “o-oo naman! ok na ok lang ako”

“Naomi Mikael Perez, bata pa lang magkasama na tayong dalawa. Wag na wag mo akong maloloko, hindi

effective saakin yan” niyakap ako ni Kryzel “best friend mo ko di ba? Ano ba ang use ng isang bestfriend”

I hugged her back “best, pwedeng paiyak?”

“best feel at home ha? wag mo ng intindihin ang mga butlers and maids dito! Doon tayo sa room ko dali!!”

Hinatak ako ni Kryzel paakyat ng room niya. Loka-lokang babae kasi, after kong sabihin kung pwede ba akong

paiyak eh bigla bigla na lang akong pinilit mag cutting class at dinala ako dito sa bahay ni Rence kung saan siya

pansamantalang nakikituloy.

Tinignan ko yung buong bahay. Mansion nga talaga ang bahay nila Rence. Hay ang swerte ng best friend ko,

nakahanap siya ng boyfriend na gwapo, malakas ang appeal, mayaman, sweet, mahal na mahal siya at hindi siya

susukuan. Nung una sinasabi niya na ang malas niya pag dating sa love, pero tignan mo nga naman ang balik sa

kanya. Nasaktan siya dati, ngayon naman sobrang saya na. I know she deserves to be happy. Ako kaya? Magiging

masaya pa kaya ako?

OBTCH - PRIVATE 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon