*Chapter 11

1.8K 51 1
                                    

Ashley

Nandito ako sa may gym ng school..

Hindi ako nag-cutting ah..

Tinatamad pa kasi akong umuwi, isa pa.. Ang lapit lang ng bahay namin kaya no worries..

Anong ginagawa ko dito?

Well, nanonood lang ako ng mga nagtatry-out sa Varsity Team..

Ewan. Nageenjoy lang akong manood ng basketball..

"Bakit ka nandito at, anong pinapanood mo?"

Napaharap ako sa lalaking umupo dito sa bench katabi ko..

Tss.

"Bakit? Wala bang naglalaro nyan sa planeta nyo kaya hindi mo alam ang tawag dyan?"

"Pwede ba? Wag ka ngang pilosopo."

"Ano pa bang pwedeng panoorin dito? Yan lang naman oh!" Sabay turo ko dun sa mga nagtatry-out.

Hindi naman na sya sumagot..

"Palibhasa hindi nakakaappreciate ng sports.. ang tamad kasi.." Pabulong kong sabi. eh sa itsura nito. . . tss. tss.

"May sinasabi ka ba?"

"Ah? Wala ah!"

"Ethan! Akala ko bang walang laro ngayon at sa parking lot na tayo magkikita-kita? Anong ginagawa mo dito?" Tanong ni Blake. Papalapit sya sa amin kasama sina Troy at Bryan.

"I think i know why.." Ani Bryan. Tapos tumingin sya sa akin.. Problema?

"Ow. Ashley! Hello!" Bati ni Blake. Sipsip din to eh! As if naman ilalakad ko sya kay Cath..

Pagtingin ko kay Troy nginitian nya lang ako.. So, I smiled back..

"SIR!"

Napatingin naman kami kay Ethan dahil sa sigaw niya..

as in kaming lahat na nasa loob ng gym.

"Magtatry-out kami.." Simpleng sabi niya at tumayo.

Nanlaki ang mga mata namin sa gulat.

Seryoso?!

Naglakad siya ng ilang hakbang bago humarap ulit sa mga kasama niya. "Ano pang tinatayo-tayo nyo? Hindi pa ba kayo magpapalit?"

"Seryoso ka ba Ethan?" Naguguluhang tanong ni Blake.

"Bakit, mukha ba akong nagbibiro?"

Yun lang at naglakad na sya papunta sa cr.

"Sino na naman kayang maligno ang sumanib sa isang 'yon?" Pagrereklamo ni Bryan.

"Seryoso ba talaga sya? Hindi ako ready oh!" Ani Blake.

"He's serious. Kaya kung ako sa inyo susunod na lang ako.." Sabi ni Troy at yun na nga ata sinundan na nya si Ethan.

Sumunod na din naman yung dalawa..

Marunong ba talaga yung mga yun?

Puro away lang alam ng mga 'yon eh.

Baka kung anong gawin nila sa court..

Matapos ang ilang minuto ay lumabas na rin sila..

Tapos yung lahat ng tao sa court parang nashock lahat habang tinitingnan silang naglalakad....

Mabut at kaunti lang ang mga babae ngayon dito sa court.. kung hindi? Naku!

They are all wearing their jersey uniforms..

AshleyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon