Chapter 31

1.8K 36 1
                                    

Chapter 31

---

Magiisang-buwan na pero hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung anong status namin ni Ethan. Lagi pa rin namin silang kasama ni Cath. Si Troy, medyo nakaka-usap ko na rin sya ulit. Si Bryan, puro babae pa rin. Si Blake, nakapag-usap na kami..

Subukan mo lang saktan si Cath--”

Hindi ko sya sasaktan. Dapat nga sya 'yong pagsabihan mong 'wag akong sasaktan at 'wag akong iiwan dahil ikamamatay ko 'yon.” Corny.

Sige sasabihin ko sa kanya kapag gusto na kitang mamatay.”

Laging gan'on ang sitwasyon namin kapag magkakasama kami. Masaya lang kami. Walang nakikialam. Takot lang nila. Meron pa ring mga death threats sa akin, alam ko. Pero hindi na lang siguro sinasabi ni Ethan. Wala na rin namang nagtangkang umaway ulit sa akin dito sa campus dahil mabilis na kumalat ang ginawa n'on ni Ethan sa mga huling umaway sa akin. Sayang nga, eh. Ako na nga 'yong naghahanap ng away ngayon. Hahaha.

“How's the ranking status?” Tanong ni Ethan sa mga kaibigan nya.

Nandito kami ngayon sa bahay nila dito sa campus. Heto na naman 'yang gangster thingy na yan. Lagi na nilang pinag-uusapan 'yan kahit sa harapan namin ni Cath. Siguro pinagkakatiwalaan nila kami and besides, okay lang din naman daw kay Cath, kaya okay lang din sa akin. Pinapabayaan nalang namin silang magusap-usap everytime ganito 'yong topic nila.

Lunch break kaya nandito kami sa bahay nila, dito na kami lagi nagla-lunch.

“Una pa rin tayo, kaya lang.. alam mo na.. mukhang kinakalaban talaga tayo ng SS eh..” Sagot naman ni Blake na ngayon ay pinagsisilbihan si Cath. Tss. Cheesy ng mokong. Kulang na lang subuan nya eh. Napainom na lang ako ng juice habang umiiling sa dalawa.

“Kaya kailangan na nating madaliin ang pakikipag-usap sa Dark Royals ng New York.”

Naubo ako at halos maibuga ko na ang juice na nasa bibig ko dahil sa sinabi ni Troy.

“Hey, you okay?” Tumango lang ako kay Ethan na lumapit sa akin at binigyan ako ng tissue.

Shit! Ang sakit!

Nang maging normal na ulit ang paghinga ko at hindi na ako umuubo, nagpatuloy na sila sa pinaguusapan nila.

“Nakausap nyo na ba sila?” Tanong ulit ni Ethan. Hindi na lang namin sila pinansin ni Cath at nagpatuloy na lang sa pagkain.

Troy

Haaaaaaaayyy!

Nakakaasar! Pero wala akong magagawa. Pareho silang mahalaga sa akin.

AshleyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon